4

33 11 3
                                    

Freesia
- it symbolizes unconditional love.

******
September 2011
Present Day

ISABELLE

Nagising ako dahil sa pagtama ng sikat ng araw sa mata ko.

Aish. Nilagay ko yung unan ko sa mukha ko para matakpan. Tsk, epal ng araw. Sarap sarap ng tulog ko.

Wait.

What?

Araw?

Agad akong napatayo sa kama at napatingin sa orasan.

7:52 AM. Freaking hell. Late nanaman ako?!

Dali dali akong tumayo at dumeretso sa banyo. Halos wala pa ata akong limang minuto naligo.

Takte naman oh! Bakit late nanaman ako nagising?!

Pagkababa ko ng hagdan ay naabutan ko si Dad na nanunuod sa sala. Ang aga niyan ah. Nakita ko siyang kumakain ng hotdog kaya naman inagaw ko yun sa kanya.

"Thanks for the breakfast, Dad! Pasok na ko!" Paalam ko at nagsimulang tumakbo. Shemay talaga!! This is so not me!

"Ano? Bakit ka papasok? Teka, Isa! Sabado ngayon!" Napatigil naman ako sa pagtakbo nung marinig ko yun.

"What the?" Yun na lang ang nasabi ko dala ng panlulumo. I mean, of course masaya ako dahil walang pasok pero nakakapanlumo dahil sayang yung pagmamadali ko. Argh!

*****

"Hahaha! Mahal, ang tanga tanga ng anak natin no?" Kinuwento ni Dad kay Mama ang nangyari kanina.

"Dad! Hindi maka-move on?" Sabi ko pero tinawanan niya lang ulit ako.

"Ma, batukan mo nga yan si Dad! Kanina pa ako pinagtatawanan eh!" Sumbong ko.

"Hala sige nak, pag ako binatukan talaga ng Mama mo, iiwan kita dito." Natawa naman ako.

"Duwag much ka talaga Dad! So gayyy!" At ako naman ang nang-asar sa kanya.

Nandito kami ngayon sa puntod ni Mama. Napagdesisyunan naming bisitahin siya kasi bigla daw siyang namiss ni Dad.

Kinuwento ko na din kay Mama yung tungkol dun sa dalawa kong kaibigan. Err.. hindi ko nga alam kung kaibigan na din ang turing nila sa akin.. pero hayaan na.

Halos asaran at tawanan lang ang ginagawa namin dito. Pero bigla na lang kaming natahimik dalawa at napatitig sa lapida ni Mama.

Maya maya lang ay narinig kong napa-buntong hininga si Dad. "Miss na miss kana namin, Ma." Sabi niya habang inaayos ang mga bulaklak na dala namin. Ang ganda talaga ng mga bulaklak na 'to. Even it's meaning. Kaya siguro favorite 'to ni Mama.

Napansin ko namang nahikbi na si Dad.

Siguro may nangyari kaya niyaya niya ako na magpunta dito. Wala naman siyang nabanggit sa akin. Pero hindi naman siya biglaang magyayaya dito kung walang problema.

Ganito kasi si Dad simula nung namatay si Mama eh. Mas malala dati kasi halos araw araw siyang napunta dito. Tatlong taon na rin ang nakalipas.. I thought he was getting better. But seeing him crying like this, I knew he wasn't.

Dahil nahihiya akong magtanong kung anong nangyari, niyakap ko na lang siya. At sa pagyakap ko na yun, napahagulgol na siya. Naramdaman ko namang naluluha na din ako pero pinigilan ko.

I have to be strong. For Dad, and for myself. Alam kong hanggang ngayon nahihirapan pa din siyang tanggapin ang nangyari. Kaya hindi ko pwedeng ipakita na nasasaktan din ako, kasi mas lalo siyang mahihirapan.

Dad.. you'll be better. We'll be better. Not now, but soon. And I'll always be here. So please, let's fight this together.

******

✎ ✐✎ ✐
A/N: sorry for the short update. tho i hope ya'll liked it. don't forget to click the star button below! lovelots!♡
(the photo isn't mine. credits to the owner)

- aabeils

Thy FlowerWhere stories live. Discover now