Dianne's POV
Minulat ko ang aking mga mata. Luminga linga ako sa paligid. Nasan ako??
Mabuti na lamang ay katabi ko ang sina Xiara at Cedric at nasa gitna nila ako. Mabuti na lang at hindi kami napag hiwa hiwalay pero..
Ang ganda! Yun ang tangi ko lamang nabulalas dahil sa ganda ng kuwartong ito. Maganda ang mga patterns ng dingding at sahig. Patterns ito ng ibat ibang musical instruments. May flute, piano, drums at iba pa.
Ang mga chandeliers din dito ay hugis nota pero maliwanag at kulay puti ang ilaw na ibinibigay nito. Itong kama naman ay malambot na para bang uratex foam ngunit mas manipis at malambot kaysa roon. Ang bedsheet naman ay may quarter note patterns.
Namalayan ko na nagising na rin sina Bryce at Xiara at pupungas pungas sila at unti unting umupo. Kagaya ko ay namangha rin sila sa nasaksihan.
Dianne nasaan tayo? Bakit tayo narito sa magarang kuwarto? Tanong ni Bryce na hindi makapaniwala sa nasasaksihan.
Hindi ko rin alam Bryce. Wala rin akong ideya kung bakit tayo nandito. Tugon ko naman.
Ang pagkakatanda ko ay huminto tayo sa isang malaking bahay pagkatapos ay nakarinig tayo ng isang tunog tas bigla tayong natumba. Pagkakatanda ni Xiara. Bigla kong naalala ang mga nangyari bago kami natumba sa lupa dahil sa isang tunog.
Baka narito na tayo sa loob ng Fluditorium at mukhang ito na nga ito. Tignan nyo naman ang bawat sulok ng kuwartong ito ay may mga patterns ng instruments at notes tulad nung design sa labas nito. Hinuha ko.
May punto ka Dianne pero sino ang nagdala sa atin dito? Tanong ni Xiara. Pagkatanong ni Xiara ay agad ding bumukas ang pinto pero wala naman akong nakitang tao na pumasok. Ano kaya yun??
Mabuti at gising na kayo. Wika ng isang tinig.
Ahhh!! Nagulat ako dahil nasa harapan ko na pala sya. Pero hindi sya tao kundi isa sya music note. Sa pagkakaalam ko isa itong whole note pero may kamay, paa, mata at bibig ito. As in may buhay talaga sya kaya nagulat ako. Dagdagan pa ng hindi ko sya nakita dahil sa liit nya kaya di namin namalayan na pumasok sya.
Huwag kayong matakot sa akin. Isa lamang akong nota at hindi ko kayo sasaktan. Pahayag nito sa amin. Nakahinga ako ng maluwag doon.
Sino ka? At anong pakay nyo sa amin? Deretsong tanong ni Bryce.
Ako ay isang alagad ng Head Master ng Fluditorium. At kayo ay nahihimlay sa isa sa mga kuwarto ng Fluditorium. Pagpapakilala nito. Kung gayon ay hindi nga kami nagkakamali. Nasa loob na kami ng Fluditorium.
Ngayon na kayo ay gising na at batid ko na kayo ay nagugutom. Kaya hayaan ninyo na kayo ay igiya papunta sa aming hapag kainan. Paanyaya ng whole note na alagad. Nagtinginan muna kami, tumingin ako kina Bryce at Xiara tapos ay tumango silang dalawa kaya napatango na rin ako. Tanda na tinatanggap namin ang alok ng whole note.
Sige pumapayag kami sa iyong alok. Malugod na turan ni Bryce.
Kung gayon ay sumunod kayo sa amin. Nagsimula ng maglakad ang whole note palabas at sumunod kami sa kanya.
Nang makalabas kami sa kuwarto ay mas lalo akong namangha sa angking kariktan ng Fluditorium. Parehas ang mga patterns ng mga instruments at nota ang nakikita sa mga dingding at sahig ngunit mas matingkad at makulay ang mga ito. Ang mga chandeliers ay ganun pa rin ang hugis ngunit mas maliwanag ang mga ito at mas makinang kaysa sa kuwartong aming pinanggalingan.
Nakita ko rin ang madaming bilang ng mga notes na naglalakad, nag uusap o di kaya may ginagawa. Pero apat na klase na ang nakikita kong mga nota. May whole note, half note, quarter note at eighth note. Pakiwari ko ay mga alagad din ang mga ito ng sinasabing Head Master ng Fluditorium.
Kinailangan naming umakyat ng hagdan upang makarating sa sinasabing hapag kainan. Wala namang kakaiba sa hagdan dahil kulay puti ang mga ito at malapad ang bawat hahakbangan. Kahit nga sabay sabay kaming umakyat ay maari naming gawin.
Pagtapak namin sa isang baitang ay nakarinig ako ng isang tunog ng isang gitara. Namangha ako sa narinig mula sa baitang.
Tumapak muli kami sa isang baitang ay nakarinig naman kami ng tunog ng piano.
Wow! Halos sabay sabay naming bigkas dahil namangha talaga kami.
Kita ko na namangha kayo sa inyong mga narinig. Huwag na kayong magtaka dahil ang mga hagdan dito ay naglilikha ng iba't ibang tunog ng mga instrumento sa bawat tapak mo sa baitang na ito. Pag bibigay impormasyon ng whole note.
Ang ganda naman po nito. Mukhang mahilig po talaga kayo sa musika. Sabi ni Xiara.
Lahat ng bagay rito ay konektado sa musika kaya huwag na kayong magugulat sa mga makikita ninyo dahil ang Fluditorium ay punong puno ng musika. Magiliw na sabi nito. Nagpatuloy kami sa pag akyat at bawat tapak namin ay may mga tumutunog ng mga instrumento. May violin, flute, gongs, drums, at iba pa.
Natapos na rin namin akyatin ang hagdan at nakita ko na ang isang malaking lamesa at sobrang haba nya talaga. Kung susumahin ko ang haba at bilang ng mga upuan ay pwedeng kumain ang lahat ng mga alagad na naririto at mayroon pang bukod tanging upuan sa may pinakagilid. Mukhang dito yata naupo ang Head Master.
Pagpunta namin roon ay may mga sumalubong sa aming mga half notes at sila mismo ang bumatak ng upuan para sa amin. Nagpasalamat naman ako sa notang bumatak para sa akin.
Sila ang mga half notes. Parehas lamang ang aming tungkulin. Ang mga whole at half notes ang syang nagbibigay serbisyo, naglilinis at naghahanda ng mga pagkain. Sabi ng whole note na nasa tabi ko. Si Bryce at Xiara naman ay magkatabi at nasa gitna ako nina Bryce at Xiara kaya naman tinukso ko si Bryce.
Yieee katabi mo sya. Mahina kong sabi sabay sanggi sa kanyang braso. Namula naman ang loko na para bang kinikilig talaga sya.
Maya maya ay lumapit ang mga half notes at inilapag ang mga pagkain. Nakita ko ang mga prutas, tinapay at alak. Woww kahit na pangkaraniwan ang mga pagkain na ito pero kakaiba pa rin sya at mukhang masarap.
Hmmm mukhang masasarap ang mga ito. Maari na ba namin itong kainin? Paalam ni Bryce. Tumango naman ang whole note kaya naman hindi na kami nag dalawang isip nina Xiara at Bryce na kumuha.
Hmmm kay lambot at init ng mga tinapay! Papuri ni Xiara.
Kay tamis ng alak! Para lang syang juice at hindi ganun katapang. Papuri naman ni Bryce.
Ang mga prutas naman ay sobrang tamis at sarap! Mapaparami ang kain ko nito. Sabi ko sabay kuha pa ng iba.
Magpakabusog lamang kayo. Sabi ng whole note na nagmamasid lamang sa amin.
Habang kumakain kami ay biglang naririnig ko na may mga tumutunog na mga instrumento mula sa hagdan. Mukhang may papaakyat pero sino?
May nakita akong mga quarter notes at eighth notes na umaakyat. Tig dalawa sa bawat nota. Tinanong ko naman kung sino sila.
Sila ang mga quarter notes at eighth notes. Sila ang nagsisilbing tagapagbantay dito sa loob ng Fluditorium. Sila rin ang nagmamanman sa bawat sulok ng Fluditorium. Tugon naman nito. Para pala silang mga security guards dito. Ang galing naman!
Mga mortal nandyan na sya. Papaakyat na ang Head Master ng Fluditorium. Biglang bulalas ng whole note kaya naman napatingin kami sa direksyon ng kanyang daliri at nakita na nga namin ang Head Master ng Fluditorium.
Pero kakaiba ang reaksyon ko. Napanganga ako. Kasi..
Ang Gwapo niya!!

BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...