Prologue

2 0 0
                                    

Madilim na gabi ang palaging sumasalubong sakin sa tuwing gusto kong mapag-isa upang magisip, Ang lamig ng simoy ng hangin ay nanuot sa aking balat na para bang hinahaplos nito ang kabuuan ng aking pagkatao.

Nakasanayan ko ng halos gabi gabing lumabas ng bahay, at pagisipan kung ano nga bang ang maaring magbago kung naging tama ang bawat desisyon ko.

Pinakatitigan ko ang buwan habang tumutulo nanaman ang luha sa aking mga mata, araw-araw nalang akong ganito simula ng magkamali ako, Hindi ko na nga maalala kung kelan ang huling gabi na hindi ako nagsisi sa mga ginawa ko... Alam kong huli na at hindi ko na mababawi pa ang lahat pero eto nalang ang magagawa ko, ang isipin siya at pangarapin ng paulit-ulit.

Kung sana utak ko nalang ang pinairal at hindi ang puso ko, edi sana nasa akin pa siya, edi sana hindi ako ang talunan, edi sana hindi ako nagsisisi ngayon. Minahal ko lang naman siya kahit na alam kong simula palang ay Hindi na siya sakin.

Almost PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon