Chapter 1

2 0 0
                                    

True friends comes to those who's always there through thick and thin


"We're almost done! Pleaseee intayin mo na ako"

Kaibigan ko ba talaga tong kausap ko sa phone? Nagpapaintay lang eh. Sus.
Anyways sabi naman ni Mommy never doubt the friendship because it's a treasure to be kept.

"Mauuna na ako Tin, you know naman na ayaw ko na nag-iintay right? Saka may dadaanan pa ako sa mall. Ingat ka nalang ok? Bye. mwuah."

At pinatay na nga po niya ang tawag. This girl, tsk. Iniwan na ako ng driver ko kasi akala ko iintayin niya ako tapos eto naman pala at uuwi ako ng mag-isa.

"Ok guys! That's all for now. Bukas lilinisin nalang natin Ang lahat ng steps ok? We still have the half of the week to prepare. Ingat kayo sa pag-uwi."

Hindi ko na hinintay na makalabas yung iba, kumaripas na ako ng takbo dahil alasyete na ng gabi at paniguradong sermon nanaman ang abot ko kay Mommy. Mapapahampas nalang talaga ng noo eh.
Kung minamalas ka nga naman, walang masakyan na tricycle! Kung bakit ba naman sa lahat ng araw ngayon pang anniversary ni Mom and Dad! Great Tintin! One great way to create your mess!

"Tin! Sabay ka na sakin? Mukhang Wala ka ng masasakyan pauwi oh"

"Sure ka Lex?" Tumango naman siya at agad kong pinatos ang offer niya. Choosy pa ba ako?

Tahimik ang byahe pauwi. Siguro kasi dahil sa pagod? Buong maghapon kasi kaming nag-practice ng sayaw for the acquaintance party na gaganapin this Saturday, Tuesday na ngayon kaya kailangan na naming matapos. Si Lex ay member din ng Dance club kagaya ko, laging nagpeperform ang club namin everytime na may event sa La Consoledad University. School namin.

"Dito ang inyo diba Tin? See you nalang sa practice tomorrow!"

Sa pagod di ko na namalayan na andito na pala kami.

"Uh thank you Lex! See you din."

Ng makaalis ang sasakyan ay tinignan ko ang oras sa wrist watch ko... "Sheda! 7:36?! Lagpas na ako isang minuto!" Halos takbuhin ko ang gate namin at sipain ko ito, deretso ang takbo sa pinto ng bigla itong bumukas..

"Phoebe Celestine Villacorta! Anong sinabi ko sayo?! Walang lalagpas ng 7:35 hindi ba?"

Ang nanay ko! Galit pero maganda, sumilip ako at nakita ko si Kuya Tob at si Dad na nagflying kiss pa sakin. Ano yon good luck kiss?

"Hi Mom! You're so beautiful but you're more beautiful if you're not mad, I'm sorry Mom. Please accept my apology? Happy anniversary sa inyo ni Dad, I love you both!"

Napabuntong hininga nalang si Mommy at ngumiti... "Osige siya! Pumasok ka na at kumain dahil alam kong pagod ka."

Dad is smiling widely then hug me and Kuya Tob went straight to the dining area dahil mukhang isang linggo ata itong hindi pinakain.

"Kuya Tob ano gutom na gutom? Di ka mauubusan Kuya!"

"Bunso posible akong maubusan dahil nandiyan ka, di makakaligtas ang pagkain sayo"... Aba't inirapan pa ako!

"Tama na ang asaran dahil pareho naman kayong makakakain, Philip Christoby parati mo nalang inaalaska ang kapatid mo."

"Nako Dad, Wala pa ding tatalo sa Alaska!"

Kapatid ko ba talaga to? Ang korni!

Then the story goes on. Kulitan at tawanan Ang nangibabaw sa dinning area, Wala na akong mahihiling pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Almost PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon