I'm His Destiny ( Chen)

96 8 20
                                    

"Haaaaay. Bakit ba ang mga gwapo at talented ng EXO? tsk tsk Hindi tuloy ako makalabas sa planeta nila. " humiga ako sa kama at nagpagulong-gulong.

Annyeong! Princess imnida :DD Ako po ay nag-aaral ng astronomy sa University of EXO. Yes! Tama kayo, may EXO University dito sa Pilipinas. 2nd year na ako kaya I am already 19 years old.

PATAY NA PATAY AKO SA EXO <3

Lalong lala na ni Chenbabes

SUSME! T^T

Wala kaming pasok ngayon since Sunday kaya wala akong ibang ginawa kundi nagpakabaliw sa EXO. Nanunuod ako sa mga videos nila , exo showtimes at mga concerts nila sa iba't ibang bansa.Pinapanuod ko na rin yung pagsayaw nila ng Growl at Wolf sa "Incheon Opening Asian Games 2014."

Nakakabanas kaya! Kahapon pa ako naghihintay kung may lalabas ba na EXO sa channel na yun tapos umabot hanggang 5 taon, wala pa rin.

-________-

***

Maaga akong gumising since inspired ako sa alarm tone kong EXO Overdose.Bumaba na agad ako at nakita ko sina Mommy at Daddy na kumakain ng breakfast.

"Oh anak, kumain ka muna." tumayo agad si Mommy para asikasuhin ako. <3

Binigyan ko naman sila ni Daddy ng kiss sa cheeks at umupo agad para kumain.

Pagkatapos kong kumain , naglakad lang ako patungo sa U.E o University of EXO, walking distance lang kasi galing sa bahay namin.

"Ohhhh Princesss. Annyeonghaseyooo" bati ng kaklase kong si Quinie na isang baliw na babae ni Kyungsoo.

"Waaaaah. Unnie, annyeong"tapos nagbeso-beso kami sa isat isa. Pumasok naman agad ako sa classroom ko.

Pagkatapos ng isang mahabang araw ng pakikinig sa discussions ng teacher ay napagdesisyunan namin ni Quinie na pumunta sa mall para gumala.

Habang naglalakad kami sa loob ng mall malapit sa food court ay nahagip ng aking tenga ang mga nakakabwisit na salitang binitawan ng mga babae.

"Sus daaay! EXO? HAHAHAH Mga bakla yan." girl 1

"Mga baklang feeling na may talent." girl 2

"Mga baklang mga pangit at puro retoke." girl 3

"Mga baklang---" girl 1

"Mga baklang mas maganda sa inyo." sinabi ko yan ng nakataas-noo.

Aba! Abuso na sila! Sinong nagtanong ng opinyon nila tungkol sa EXO? Diba Wala? Susss! Papansin talaga ang mga babaeng to eh.

"At sino ka naman?" taas-kilay na tanong ng girl 1 sa akin. Pangit! Mukhang hindi nakaya ng retoke ang mukha nya.

"Ako? *turo sa sarili* Well, ako lang naman ang isang superfan ng EXO."

"Awwwww.Superfan? *tingin sa mga alipores* HAHAHAH Ano yan? electricfan ba kamo?"

"Unang-una. Kung sakaling hindi mo alam ang kaibahan ng electric fan at superfan, ang electricfan ay hindi isang tao, alam mo yun? Pangalawa, sino yung sinabi nyong bakla ? Ang EXO? Nagpapatawa ba kayo? Di ba kayo marunong magdistinguish sa kaibahan ng isang tunay na lalaki at bakla? Pangatlo, sinong mga pangit at puro retoke? Ang EXO? Oh c'mon, grabe naman mga girls , pati descriptions niyo sa sarili ipinasa nyo pa. Panghuli, pwede bang wag kayong BITTER? Napaghahalataan na kayo eh. Mga papansin!" tapos tumalikod na agad ako. Kitang-kita ko ang mga pulang mukha ng tatlong babaeng halatang nagpipigil ng galit.

Compilation of EXO One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon