Prologue
Sabi nila masarap ma-in love.
I should agree on that. Kasi masarap nga naman talaga.
Nandyan yung kiligan, tampuhan, pero in the end magkakaayos din kayo. At sabi din nila mas lalong tatatag ang isang relasyon kung magkasama niyong hinaharap ang mga pagsubok.
Pero papano kung in love ka nga, pero wala ka namang rights.
Rights masaktan, rights magselos, rights angkinin siya.
Dahil kahit sa umpisa palang naman,
hindi na siya naging sayo.
Magiging masaya pa nga bang ma-in love kung ganun?
I have this dream na sobra-sobra ko talagang pinangarap.
But damn!
Di ko aakalain na ang taong sisira sa pangarap kong yun, ay siya ring taong mamahalin ko. It's just so unfair!
Love is so unfair!
But in the end, I always found myself walking back to HIM. Paulit-ulit... Na hindi ko na din namamalayan na bumabalik na pala ako sakanya ULIT. Haaay...
Sana lang masuklian din niya yung pagmamahal na ibinibigay ko...
Yung totoong pagmamahal. Yung totoong relasyon. Yung totoong boyfriend.
- Shaney Ysabela Cortez
~~~
One - Passed the Entrance Exam
It was friday night. At talagang bugbog ang katawan ko sa swimming lesson kanina na halos umabot ng 3hours sa pool namin.
Im already half sleep pero biglang may bastos na bumukas ng malakas sa pinto at sumigaw.
"Shaney!!!" right! My very wonderful, awesome, amazing friend!
"What?! Di ka ba napagod sa halos 3hrs nating swimming lesson?!" leche naman 'to. Ganyan yan palagi, sobra kung makasigaw. Akala mo naman wala nang bukas. Siguraduhin lang netong importante pa sa buhay nya ang sasabihin nya, kundi mapapatay ko sya ng wala sa oras.
"Guess what?!" may tono ng excitement na sabi niya. Sinarado niya ang pinto at umupo sa magara kong kama. I glared at her, "Grabe to? Oo na, sasabihin ko na. Alam ko namang ayaw mo ng mga pa-suspense e." may pag-pout pang nalalaman.
"O alam mo naman pala. So ano nga? Spill it!" wala talaga akong pasensya sa mga ganyang bagay na pa-suspense. At alam yon ni Hail, nananapok agad ako pag hindi agad sinasabi.
"Tumawag si Papa ngayon lang, sabi nya pasado daw tayo sa entrance exam sa Trison University!" at may pagsigaw pa. "Kyaaaaaa!"
"So? Ano naman ngayon? Wag ka ngang OA diyan. Tsaka, it doesn't mean na dun na talaga ako mag-aaral."
"Huh? What do you mean 'it doesn't mean na dun na talaga ako mag-aaral' ?!" She said with a very shocked expression. Gusto ko tuloy kunin ang iphone ko at picturan sya. Kaso malayo sakin yung phone ko.
"Is it really necessary na ulitin mo yung eksaktong sinabi ko?" hindi siya sumagot, "Ugh! Okay, I have to say this. Si Daddy kasi pinaplano nyang sa isang State University daw ako mag-aral." sabi ko sabay irap. Ayoko kasi talaga ng ideang yun ni Dad eh.
"What?!" nanlaki ang mata niya, "What do you mean 'pinaplano nyang sa isang State University ka mag-aral' ?!"
"Sabunot gusto mo?!" isa pang paguulit nito talagang matutuluyan na to sakin. Hindi naman ako brutal na kaibigan pero gagawin ko kung kinakailangan sa sitwasyon.
"Sabi ko nga hindi na. Ang highblood naman neto." may pag irap pang nalalaman, "I mean, bakit nya hahayaan na ang unica hija nya ay mag aral sa isang public school?!"
Ni ako, hindi ko magets si Dad. Sabi nya lang mas malaki daw yung credit kung dun ako? Ha? Talaga? Baka gusto nya lang akong matuto sa buhay at hindi ma-spoiled kaya gusto niya akong makasalamuha ng iba't ibang uri ng tao.
Inirapan ko na lang ulit sya. Inaantok na kasi talaga ako.
"Ang init talaga nyang ulo mo ngayon. Kabwanan mo ba?" I gave her my evilish look.
"Oo. At mamayang midnight magtratransform ako as a vampire and I will sip all your blood out of your body!" pananakot ko sa kanya. Which is a wrong move kasi mas ininis nya pa'ko.
"Ha-ha-ha! Funny. Di mo lang aminin na gusto mo pagna-reincarnate ka e ikaw si Bella Swann!" sabay belat nya sakin.
"Shut up! Ikaw kaya ang gisingin ng sobrang lakas na bukas ng pinto na halos guguho na ang buong mansyon sa kalakasan! Sinong hindi maiirita don?!" Okay. This girl is really getting into my nerves.
"First, hindi guguho ang mansyon nyo kasi Papa ko ang nag-design neto and Im sure He made this very well and secondly, anong oras palang?! I really thought you're not yet asleep." sagot nya sakin ng taas noo.
"Okay. Suko na 'ko." nagtaas pa ko ng kamay bilang sign na suko na nga ako sa kakulitan niya.
"Uhm. Shaney, dont your dare agree sa plano ni Tito Adriano. We promised to each other, kasama si Pinky na sa Trison tayo mag aaral di ba?" she said with a low voice.
"Sige, try kong kausapin si Dad." humiga na ko at kumakapa na ng antok.
"And sabi ni Papa, magenrol na daw tayo kaagad para makakuha tayo ng mas maganadang schedule." sabi nya at naramdaman kong humiga na din sya sa side ko.
"I'll inform you agad pag confirmed na ko. Sabay-sabay na tayo." I said habang pumapasok na ang kalahati ng isip ko sa dreamland.
"Shaney?"
"Yeah?" it really amazed me on how I can still manage myself to talk even if Im half way to sleep.
"They said Trison was really a good university. The chairman named it after his son's name."
"Oh, Who cares?" Sagot ko kahit di na malinaw sakin mga sinasabi nya.
"Shaney? Ugh. Right. Goodnight sleepy head." then she kiss my forehead.
Finally, Im really going to sleep.
~~~
Nagising ako dahil sa bigat ng nakapatong sa hita ko. Nilingon ko kung ano yon, at nakita ko si Hail na sobrang himbing ng tulog.
"Oh, God!" inalis ko ang hita nya na nakasalampak sa hita ko. "Ginawa pa kong unan na yakapin!" Bumangon na ko at tiningala ang wall clock ko.
6:15 am.
Ang aga pa pala pero di na ko antok, siguro kasi ang aga kong natulog kagabi. Pumasok ako sa bathroom at nagshower. Wearing a short shorts and a tight tshirt saying 'Kiss me' with matching lips na naka-pout sa front, sinuklay ko ang buhok ko na hanggang bewang ang haba. "Trison University. I want there. But Dad.." I sighed heavily.
Nasa gitna ako ng pagcocompose ng speech kay Dad sa harap ng salamin nang biglang may kumatok.
"Yes?"
"Hija, handa na daw ang almusal. Bumaba na kayo ni Hail para sabay-sabay na kayo sabi ng Mom mo." si manang Lily.
"Opo manang. Pakisabi we'll follow."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Manang. Wala ba si Dad? Normally siya ang nagpapatawag sakin pag kakain na ah?
"Hail wake up!" next time remind me na mahirap nga palang gisingin tong si Hail. "Hail Anne Letarde!" Sigaw ko sabay yugyog sakanya ng mas malakas.
"What?" Hail said with a sleepy voice.
"Breakfast."
Umupo lang siya galing sa pagkakahiga at nagkusot ng mata.
"Let's go."
"Um-kay..." she said then walked like a zombie.
~~~
[So that's the prologue and chap 1. This is the edited version, sooo please continue reading. This is my very first story! THANKS A LOT FOR READING THIS. And oh, one more thing, hindi po ito fanfic, kay? OKAY! thanks!]
BINABASA MO ANG
She Owned Me
Teen FictionYsabela. I thought that she's just like my fangirls who are so obssessed with me. But she change everything. She changed me. Since the night she smiled, my whole world turns to something I didn't expect. And then she dared to look, so wether she lik...