This is only a fanfiction. Walang gantong mangyayari sa libro sapagkat di ako ang ang author ng TBYD si Ate Ales un. Kabaliwan lang to ng shipper ng ChiUn. Don't break my fangirl heart pagbigyan niyo na ko kahit na sobrang napakarandom lang nito :")
Sometimes love comes unexpectedly as well as friendships. Hindi ko maalala kung kelan at kung paano kami humantong sa ganto ang alam ko lang naman dati eh pinadalhan ko siya ng friend request. Chat dito, text doon; kain dito, usap doon hanggang sa hindi ko na namamalayang...
"Jun ang dyosa ko talaga no bwahahahaha" bawat ngiti, bawat salita eh parang nabibighani ako. Parang lumulutang ako sa ere. Hindi ako nagshabu nakakita lang ako ng dyosa kaya ganto.
"Pre magkasama ba kayo ni China?" tanong sakin ni Pip sa telepono habang pinapanuod ko si China at Michie na kumakain. Hindi na ko umasang bibigyan pa nila ako sa takaw ba naman nilang yan, pag kumuha akong isang slice nakakahiya naman.
"Oo pre bakit?" Sana mas nauna kitang nakilala ano, para baka sakaling mas napansin mo ko. Yung tipong higit pa sa kung paano mo ko pansinin ngayon.
"Pakisabi namang sagutin niya phone niya oh." Sumagot lang akong 'oo' at ibinaba ang telepono. Lintek naman kasi ano ba role ko dito mensahero?
"Junny sino yun?" tanong sakin ni Michie. Ang bantot ng palayaw nila sakin pero di ko man lang magawang magreklamo more like hindi na ko makakareklamo pa.
"Si Pip sagutin daw ni China yung tawag niya" nakasimangot kong sabi. Nakakainis, nakakaselos bat kasi di ako ung unang nakakilala sa kanya.
"Ayoko nga! Maglaro siya kamo ng tetris niyang bulok!" Sigaw niya naman sakin habang puno yung bunganga niya ng pizza. Minsan napapaisip ako kung galing ba siya talaga sa mental o ipapaadmit pa lang. Kung sabagay di naman kayo mababansagang crazy trios ng pinsan at kapatid mo kung di kayo baliw. In a good way na minsan bad pag nasasali ako sa dares nila.
"NagLQ sila Junny hihi" Kinikilig pang sabi ni Michie. Napailing na lamang ako, parati naman kasi mamaya bati na naman sila. Hay
"Ewan, ge alis na ko. May trabaho pa ko bukas" nakakadismayang kahit gustuhin mo hindi pwede, may masasagasaan ka kasi. Yung tipong sana wala na lang talagang balakid baka sakaling pag wala eh may pagasa naman ako.
"If I know, you know Michie, we know na makikipagdate ka lang sa hipon mo eiw" Pati loyalty ko sayo pinagdududahan niya. Ang unfair talaga mundo. Hanggang kailan ba ako magtatyaga sa role na ito.
'Bili mo kong foods' pag nagugutom 'Dalhin mo ung shopping bags ko' pag nagmamall 'Ipaglaba mo naman ako oh walang labandera' 'ibili mo naman akong napkin o naubusan kasi kami' anak ng tekwa sa gwapo kong to yayo na lang talaga ang role ko para sayo.
Yung dadalhan nga akong food sa condo LBM naman ang punta ko. Bat kasi tropa ko pa bat kasi bespren pa kita. Bat kasi ikaw pa, pwede namang iba. Gago kasi talaga yung batang nakadiaper na yun sarap hambalusin ng yero. Bat kasi sayo pa?
"Tsaraaaaaaaaan!" nakangiti mong pakita ng mukha ko kela Maggie, Michie at Jack. Okay sana eh okay na okay sana kung di mo ako nilagyan ng make up. For a moment mas maganda ako kaysa sa kanya. Ang tunay na gwapo pag nilagyan ng make up maganda at ako yun. Napatanong ako bigla sa aking sarili, hanggang dito na lang ba talaga tayo? Kaibigan na lang ba talaga? Gagawin mo na lang ba akong katawatawa habang buhay? hay
"Lul mo pre ang sagwa mo. Smile ka nga sa picture oh ipapakita ko to sa iba" kantyaw sakin ni Jack
"Gago" ang tanging nasabi ko. Siya kasi pilit ka kasi ng pilit alam namang niyang di ko siya matatangihan. Tapos nung araw ding iyon may nibake na na namang lason este pagkain nag pass yung tatlo syempre sino na naman ba ang kakain kundi ako. Hindi nakakapagod yung mahalin siya nakakapagod lang yung pabalik balik sa banyo. Si niya alam na may stock na kong gatorade at loperamide sa condo bigla bigla na lang kasi siya nasulpot habang dala ang mga niluto niya. Ewan ko ba kung san yun nagmana panigurado hindi sa Lola niya kasi mabait un sakin masarap pa magluto eh, siya inaalila na lamang ako.
BINABASA MO ANG
Bestfriendzoned (A Talk back and You're Dead Fanfiction)
FanfictionTBYD's China and Jun's fanfiction. Push pa more na may chemistry silang dalawa.