Day One

96 5 0
                                    

Kagigising ko pa lang, pero parang hindi ako nakatulog. Gusto kong bumangon pero ayaw sumunod ng katawan ko. Siguro dahil madilim, malamig at tahimik ang lugar. Maganda ang paligid, pupunta muna ako sa balcony. Masarap ang simoy ng hangin, napaka presko. Maganda talaga sa lugar na ito di tulad sa Manila na puro usok ng sasakyan at maingay sa dami ng mga tao. Malapit sa bahay na ito ang beach, kaya mas lalong gumaganda ang bahay na ito. Papanuorin ko muna ang pagsikat ng araw. Ito ang unang araw ko dito na masisilayan ang pag sikat ng araw, napakatahimik ng lugar, naalala ko yung mga panahon na magkakasama kami buong pamilya. Kamusta na kaya si Inay at bunso? Siguro kung hindi namatay si Itay may magbabantay ngayon kay Inay at bunso. Kaylangan ko talaga magtrabaho para mabuhay ko ang pamilya ko, makapagaral at mapagaling si bunso, ako na lang ang inaasahan nila. Dati lagi kaming nagtatawanan, punong-puno ng masasayang araw noong buhay pa si Itay, napaka-masiyahin na tao nun kaya pati kami laging masaya. Nakaka-antok, masarap matulog ulit. Masyado pa naman maaga, kaya itutulog ko muna ito.

_____________

5:00 ako nagising at 6:30am na ngayon. Tapos na ako maligo at mag-ayos ng kwarto. Lalabas na akong ng kwarto at pupunta sa kusina, para uminom ng kape. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Manang Iday.

"Iha, alam mo na diba ang mga gawain mo dito?" sabi ni Manang Iday

"Opo, uumpisahan ko na po pagkatapos ko magkape at mag-almusal, kumain ka na po ba? Sabay na po tayo" sabi ko.

"Tapos na ako, iha. Kanina pa ako kumain maaga kasi akong nagising ngayon. Alis na ako may tatapusin pa akong gawin. May pagkain na diyan yun na kainin mo" paalam niya

Matanda na si Manang Iday, pero nagtratrabaho pa rin. Siya raw ang nag-alaga kay Sir mula bata, kaya matagal na niya itong kilala.

_____________

Malaki ang kusina at madali lang linisin. Maganda ang sala, kumpleto sa kagamitan at lahat mamahalin halatang mayaman talaga ang may ari. Konti lang ang gagawin ko ngayon kasi nalinis na ni Manang Iday ang iba. Pagkatapos ko sa mga gawain ay tutulong ako sa pagluto.

Patapos na ako rito sa garden konting dilig na lang at tapos na ako.

"Angel !"

"Bakit ka naparito?"

"May ibibigay kasi ako sa pinsan ko, sipag mo naman," puri sa akin ni Joseph

"Syempre naman, at ito talaga ang trabaho ko kaylangan ko pagbutihan, pumasok ka muna sa loob ang pagkaka-alam ko wala pa si Sir, masyado kang napa-aga ng dating" sabi ko.

"Sinadya ko talaga, para makapagusap tayo. Sige, punta muna ako sa loob pagkatapos mo na lang tayo magusap para di ako nakaka-abala" sabi sakin ni Joseph

Hindi ko pa nakikita si Sir, nagtataka lang ako sa mukha niya at ugali, kung mabait ba siya? Si Manang Iday at Joseph pa lang nakilala ko. Mabait sila pareho, lalo na si Joseph masayahin na tao parehas sila ni Itay. Tapos na rin ako sa mga gawain ko, medyo nakakapagod lang pero kaya naman sanay na ako. Mapuntahan nga muna si Joseph

"Joseph, gusto mo ba ng juice?" tanong ko.

"Wag na, magaabala ka pa, okay lang ako"

"Okay lang sa akin iyon, trabaho ko rin yun. Sige, kukuha lang muna ako"

Mabait si Joseph, hindi tulad ng ibang mayaman. Siya simple lang kahit mayaman. 

"Eto na yung juice mo"

"Salamat, nagabala ka pa, sabi ko sayo wag na"

"Yun lang naman ginawa ko, isa pa bisita ka rito"

"Angel, ano pangarap mo sa buhay? Single ka ba? O may boyfriend na? Anong gusto mo sa isang lalaki?" tanong ni Joseph na ikanagulat ko sa dami

"Pwedeng huminahon, haha. Dami mo agad na tanong. Pangarap ko maging Model, Flight Attendant at maahon sa buhay ang pamilya ko. Single pa ako, di pa ako nagkaroon ng karelasyon dati pa, inuuna ko kasi ang pamilya ko"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

31 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon