Chapter 2

10 2 0
                                    


Kakarating ko lang sa school at nagmamadali akong maglakad dahil malalate na ako dahil napuyat ako kagabi kakanood ng Running Man, sobrang nakakatawa ba naman kaya na-hook agad ako.

"Aerith!!" Sigaw sakin ni Tiffany nang makita niya akong papasok ng room kaya hinintay ko na siya sa hallway. Ang aga-aga pero ang taas agad ng energy level.

"Good morning din Tiffany. Muntik na tayong mapaaga ah?" Bati ko sa kanya at nagtawanan kami papasok sa room. Close na kami kahit last week lang kami nagkakilala. She's super friendly kasi tapos ang comfortable pa niya kasama. Para bang walag awkward moments at puro tawa lang.

"Good morning Monic!" I greeted her as I sat beside her. Nagnod lang siya bilang sagot. Sa last row kami nakaupo at si Monic naman ay nasa tabi ng bintana atsaka wala naman din naman sitting arrangement sa subject na to eh.

"Good morning din Monic!" bumati din si Tiffany sa kanya and as usual nag-nod lang siya. Kaming tatlo na ata ang magiging magkaibigan. Hahaha. Kung anong palatawa ni Tiff siyang ikinatahimik ni Monic eh.

"Ano nanaman iniisip mo at nakangiti ka?" Napatingin ako bigla kay Monic pagkasabi ni Tiffany na nakangiti. Kasi hindi ko naman ineexpect na nakangiti siya.

"Stupid. Ikaw hindi ako." Wala pa akong sinasabi nakapag react agad tong si Monic.

"Ah ako ba? Hehehe. Iniisip ko lang saya siguro kung tayong tatlo na ang makakaibigan." Bigla akong napakamot sa batok. Naakahiya naman sinabi ko hehe. Pero mas masaya siguro kung magopen na din si Monic soon.

"Masaya yon! Ipapakilala ko kayo kay Patrick pero mas gusto niya if tatawagin niyo siyang Patricia. Ibang course kasi niya ih." The more, the merrier. Gusto ko yon.

And kung hindi pa kayo aware, Business Admin nga pala ang course namin. May mga business kasi family naming kaya itong course na ito ang pinakukuha samin. Amin is real estate, kina Monic is itong school na to, at kina Tiff is hotel and restaurant.

"Uy oh yung may crush sayo." Bulong ni Tiffany na may halong pang-aasar. Sabay kaming napatingin ni Monic kung sino ang pumasok sa pinto.

"Si Clarence?" Galing ko naalala ko usually kasi nakakalimutan ko agad name eh kaso ewan ko ba kung bakit naalala ko name niya. Pero para kasing familiar eh.

"Clarence?" Monic asked habang nakataaas ang isang kilay.

"That's what he told me yesterday." Nagtinginan si Monic at Tiffany. Kahit madalas naka poker face si Monic eh alam kong may meaning ang mga tingin na yon. And nag-nod lang sila sa isa't-isa.

"Be careful ka na lang sa kanya kasi madami yang fangirls. Mga warfreak pa!" she warned me

"Why? Anong me—"

"Good morning, class!" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pumasok na pala prof naming sa room. Na-curious pa naman ako kung bakit may pa fangirls pa siya. Artista ba siya?

--

"Bakla halika dito!" excited na sigaw ni Tiffany kay Patrick este Patricia daw habang kumakaway kaway pa. Tumakbo siya papalapit samin at mukhang excited na excited.

"Ay bakla iba ka din ha? Ang gaganda ng kasama mo di mo kalevel!" Bungad niya with hand gestures pa. Yung gingawa ba ni Vice pag maganda. Gets niyo? Gets niyo na siguro.

Nasa cafeteria kami ngayon kasi vacant pa kami and we only have 1 hour and 30 mins. And buti na lang nagsabay vacant namin sa vacant ni Pat. Pat na lang para maikli hahaha

Marry Me, ZoeWhere stories live. Discover now