First time kong gumawa ng One Shot Story hope you like it :'))) And if you want please read my other stories :'))
---
I'm Zero Xien Fortez, 17 years old. Isa akong lalaking walang pakialam sa nararamdam ng kung sino. Libangan ko? Mahilig akong mag bar everynight, meeting girls, flirt with them, pag wala akong magawa nambubugbog ako. Isa akong basagulerong lalaki. Mayaman kami, panganay ako, may kapatid ako babae, si Xeena she's just 5 years old. Wala pa syang alam sa mga ginagawa ko. Kung bakit minsan may sumusugod na babae sa tapat ng gate namin at magwawala. Minsan naman nasa kulungan ako nambugbog kasi ako.
But.. I changed. I changed a lot. Nagbago ako dahil sa isang babaeng nakilala ko. She's Crystal Angelica Reyes. She's my schoolmate, she's an scholar kaya sya nakapasok sa school namin. Hindi naman ako matalino kaya di ako pilot section kaya di ko sya kaklase. Iba syang babae. Palagi ko syang nakikitang seryoso. Walang pakialam kahit na gulo-gulo na ang itsura nya. She's very lovely. She's like an angel.
Ganito ko sya nakilala.
--
Nakatanga ako sa isang bench dito sa may field wala lang trip ko lang. Wala akong magawa eh. Palipas oras lang kumbaga.
"Crystal wait!" May sumigaw na babae. Yung babaeng naglalakad ata na matulin at mukhang nerd sa dami ng dala nyang libro at ewan ko sakanya kung di man lang ba sya natatakot na may makabangga sya dahil masyado pa syang busy sa binabasa nya at ang tulin pa nuang maglakad. At dahil wala akong magawa tumayo ako at naglakad pasalubong sakanya.
"Ay!" Sigaw nya. Nabunggo ko kasi sya kaya yung mga hawak nya ay nagkalat na sa sahig. "Mister, next time tiringin ka sa dadaanan mo hayyss, dami ko pa naman dala-dala." Sabi nya sakin habang pinupulot ang mga gamit nya.
"Ako pa ang hindi nakatingin sa dinadaanan ko? Eh ikaw nga dyan ang hindi eh busyng-busy ka sa pagbabasa!" Sabi ko sakanya. Hanep din naman kasi sya mangbintang eh. Ala akong masabe.
Tumingin sya sakin at inayos ang bangs nya. Wala naman syang salamin kaya mukha namang di sya nerd totally nerd. Pero bakit ang ganda naman ng babarng to? Atsaka diba dapat nagpapacute na sya sakin? Di ba sya tinatablan ng kagwapuhan ko?
"Oh? Nakita mo naman pala yung ginagawa ko eh edi sana umiwas kana!" Tapos ayun nag-umpisa nanaman syang pulutin yung mga gamet nya.
What the? Pahiya ako dun wah!
"Gosh! Crystal! Ikaw kasi eh kung ano-ano ginagawa mo habang naglalakad ka ayan nakakabunggo ka pa tuloy. Nako mister pa.. sen.. sya.. ow Hi haha!" Bakit eto nagpapacute agad ng makita ako? Samantalang etong Crystal na to wala man lang reaction. "Oy Crystal nagsorry kana ba sakanya?" Sabi ng kaibigan nya ata to habang sakin pa din nakatingin at hinahayaang syanh mag-isa ang magpulot.
Natapos na syang magpulot at tumayo atsaka tumingin sakin ng masama KAKAIBANG BABAE. "At bakit ako magsosorry sakanya? Sya nga etong nakabunggo sakin eh! Psh! Tabi!" Sabay bangga nnya sakin.
"Pasensya kana kay Crystal wah?? See you ulit Mr. Pogi." Sabi nung kaibigan nya.
Syempre after ng klase sa bar na kaagad ako nagpunta. Lagi naman eh. Nakakamarami na din akong inom ng may lumapit saking babae. Teka eto yung babae kanina wah. "Crystal?" Sabi ko sakanya.
"Crystal? Duh! I'm nkt Crystal!" Pinikit ko yung mata ko atsaka ako dumilat ulit. Yeah she's right. She's not Crystal. Ano bang nangyayari sakin? Bakit nakikita ko yung mukha ng babaeng yun sa iba? What's wrong with me?
Sa sobrang bored ko umuwi na lang ako. I park my car in our garage and then I went in.
"Kuya!" Bigla akong niyakap ni Xeena. Teka anong oras na ba at gising pa to? Tiningnan ko yung wrist watch ko, maaga pa pala it's 9 o'clock in the evening palang. "Ang aga mo ata kuya?"