"Binibini, handa na ang inyong pampaligo" sabi sa akin ng isang babae.
Lutang pa din ako at hindi makapaniwala. Hindi pa din nagsisink in sa utak ko na nasa taong 1899 ako. "Sino ka nga ulit? Ano ang iyong pangalan?" Tanong ko sa kanya.
Nagulat pa ito sandali pero kaagad din namang sinagot ang tanong ko sa kanya. "Ang ngalan ko po ay cedes, at isa ako sa inyong mga alipin" sagot niya pa sa akin.
Napaawang ang aking bibig. "At ako? Sino ako?" Naguguluhang tanong ko pa din.
Matamis niya akong nginitian. "Binibining celestina agoncillo..." sagot niya sa akin na para bang akala siguro nito ay nakikipagbiruan ako sa kanya.
Napaawang ang aking labi kaya naman napahawak na lamang ako sa aking dibdib. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng bahay. Luma ang lahat ng gamit duon.
"Binibini, handa na po ang inyong pampaligo" paalala pa niya muli sa akin kaya naman kaagad ko siyang tinanguan.
Hawak hawak ko ang laylayan ng suot kong puting kamesita dahil sa haba nuon.
Pagpasok ko sa palikuran ay kaagad kong naramdaman ang lamig ng simentadong sahig. Ang tapo ay gawa sa kawayan at ang lagayan ng tubig ay gawa sa kahoy. Kahit nagaalinlangan pa ay naligo na lamang ako.
Pagkatapos ay kaagad iniabot sa akin nung babaeng nagngangalang cedes ang isang kulay puti muling bestida pa aking isuot. Pero pagbalik ko sa aking kwarto ay may nakalatag ng isang kulay puting baro at magkahalong itim at pula na saya.
Kinikilabutan ako habang tinutulungan ako ni cedes na isuot iyon. Naalala ko tuloy yung nga itsura ng mga babae sa history class namin.
"Umupo na po kayo sa harapan ng salamin binibini, susuklayin ko na ang inyong buhok" sabi pa niya sa akin kaya naman nagulat ako.
"Hindi po, kaya ko na pong suklayin ang buhok ko" pagdadahilan ko pa sa kanya pero hindi siya nagpapigil.
"Hindi niyo po kakayanin magisa iyan binibini, hayaan niyo po akong pahsilbihan kayo" sabi pa niya sa akim kaya naman kaagad akong humarap sa may salamin at nagulat ng makita ko kung gaano kahaba ang buhok ko ngayon.
Itim na itim iyon, bagsak hanggang sa aking pwetan. Sa huli ay tahimik na lamang akonh umupo duon at tsaka hinayaan si cedes na suklayin at ayusin ang aking buhok.
"Sina ama at ina?" Kunwaring tanong ko sa kanya dahil hindi ko naman talaga ang buhay ni celestina. Hindi ko alam kung may mga magulang pa ba siya o mga kapatid bukod kay joselito barrientos na nakilala ko.
"Nasa kabilang bayan ang inyong mga magulang binibini, sa makalawa pa ang kanilang balik" sagot niya sa akim kaya naman napatango tango pa ako.
"Eh kapatid?" Pahabol ko.
"Naglilingkod sa simbahan ang limang taong gulang na si joselito, binibini...nakalimutan niyo na po ba?" Nagtatakang tanong pa niya sa akim kaya naman kaagad akong napailing.
"Hindi" sagot ko sa kanya.
Pagkatapos niya akong ayusan ay pinaghanda pa niya ako ng makakain. Magisa lamang akong kumakain sa may hapagkainan habang si cedes at ang ilan pang kasambahay ay nakatayo sa gilid ng lamesa habang nakatingin sa akin.
"Hindi ba kayo kakain? Samahan niyo ako" paganyaya ko sa kanila pero tipid lamang silang umiling sa akin.
Habang kumakain ay nay nahagip ang aking mga mata na isang babaeng lumbas ng pinto galing sa may salas. Para akong kinilabutan. Hindi kaya minumulto na ako?
BINABASA MO ANG
His last Comeback
Ficção HistóricaHanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong pagibig na hinubog ng mahabang panahon? "Muli tayong mabubuhay, at hinihiling kong muli tayong magkita mahal ko..." "Susubukan ko" nakayukong saad ng lalaki. Sunod sunod na tumulo ang luha ng babaeng ngay...