CHAPTER FORTY-TWO

717 16 0
                                    

PLAN TO END THE WAR

sumakay na sila sa helicopter

Ng makataas na ito at nagsimulang lumipad papasok na sana kami ng biglang may helicopter na sumabog

"fvck" sigaw ni phil

Lumabas kami may isang helicopter ang bumagsak

Agad na tinawagan ni phil si aya

"Hon" pagkasagot ni aya sa phone tumingin silang lahat sa akin

Parang tumigil ang mundo ko .

"Mom" sigaw ko

KATH'S POV

Ang bilis ng pangyayari hindi namin lubos na maisip na ganto ang mangyayari

"mag hunos dili ka dale" sabi ni Marvin kay dale na nakaluhod na sa may kalsada pinapanuod na masunog ang helicopter na bumagsak kung saan nandoon yung mommy niya

"Mom" panay pa din ang sigaw nito

Nagtulungan ang 12 hades at ibang taong natira dito sa highest empire para mailabas ang mama niya ruon ngunit wala na talaga . Dahil pagdating ng katawan ng mama niya sa hospital ay hindi mo na makilala dahil sunog na sunog ito ..

Pumunta ako sa hospital para pirmahan yung document na nagsasabi na patay na ang mama ni dale . Wala kasi sila mommy na pwedeng gumawa nun kaya ako ang kailangan gumawa

Ginagawa yuon ng mga hari at reyna para malaman kung ilang tao ang namamatay sa isang taon .

"Nasaan si dale?" tanong ko sa 12 hades

"Hindi pa din lumalabas sa kwarto niya eh" sabi ni rex

Pagkatapos ko ayusin ang documento sa hospital dumiretsyo ako sa bahay ni dale nakita ko tyler at sid na naglalaro ng bara sa salas

"Lumabas na?" sabi ko

Umiling sila pumasok ako sa may kwarto nito at natagpuan ko siyang nakaupo sa may left side ng kama nito .

Lumapit ako sa kanya at tumayo sa harap nito

"ipapa cremate ko na lang si ---" hindi ko pa napapatapos yung sasabihin hinila ako nito kaya napaupo ako sa lab niya at agad niyang isiniksik ang ulo nito sa aking katawan

"hindi ko na alam ang gagawin ko , iniwan na nila akong lahat. Saan pa ba papunta itong buhay ko?" umiiyak na sabi nito

Hinawakan ko ang mukha nito at pilit na inihaharap sa akin

"ako nandito ako. Hindi ko alam kung ilang beses ko sinasabi sayo na nandito lang ako pero ilang beses ko din itong hindi tinupad . Pero nandito pa din naman ako sa tabi mo ngayon. Dale mahal na mahal kita, paglalayuin man tayo ng tadhana babalik at babalik ako sayo. Nandito pa ako . Hayaan mo akong maging lakas mo . Panghawakan mo lang ako mahal . Sabay natin itong malalagpasan"

Pagkatapos iyon ay nakatulog ito habang nakayakap ng mahigpit sa akin

"Don't leave me again" bulong ko sa kanya . Parang ako laging umaalis pero lagi siya ang nawawala sa landas . Dapat lagi kaming magkasama kaya dapat hindi pwedeng magbago yun

DALE'S POV

Gumising ako at agad hinanap si kath pero wala siya sa kwarto nag hilamos ako at tinignan ang sarili sa salamin

"Kaya mo yan Dale, hindi ka pinanganak para maging duwag" sabi ko sa sarili ko

Lumabas ako ng kwarto para hanapin sana si Kath pero laking gulat ko ng makita ko lahat ng tao sa baba

"Ano ito?" sabi ko

"King" sabi nila at sabay sabay na nag bow kasama si kath at ang 12 hades

Pagkatapos nun nagsilabasan sila

"Ano ito?" sabi ko ulit sa kanila

"Inaantay lang namin ang utos mo at plano mo King Dale para makasugod na tayo" sabi ni Callix

"Mag pla-plano na tayo mamaya. Pero kakagising ko lang hindi na pwedeng mag breakfast muna" sabi ko

"Nagluto ako Dale kain na tayo" sabi ni Sid

Tumango ako . Pagtalikod nila hinalikan ko si Kath

"Goodmorning" sabi ko sa kanya agad naman itong natulala

"Hindi tayo nag break sabihin mo ng nagkalayo lang tayo pero girlfriend pa din kita" sabi ko sa kanya

Nagsimula na kaming kumain

"Ganito ang plano susugod tayo ako at ang 12 hades sigurado akong sa abandonadong building nilagay ni Adine si King Lei at Queen Ella . Susugod tayo doon para mailigtas sila . Marvin ipapakita ko sayo mamaya yung itsura ng lugar na yun at kung saan may possibleng may bantay" sabi ko

"Anong gagawin ko?" tanong ni Kath

"Ikaw ang aasahan kong mag hahandle sa mga bantay sa baba . Kasama mo ang kalahating kawal ng highest empire" sabi ko

"Anong balak mo sa iba?" tanong ni Marvin

"Ang mga mamamayan at ibang kawal na matitira . Lalakbay sila sa hadria mula sa dagat ng makasalanan papunta dito . Dahil siguradong ako na walang kawal ang zotopia na naka bantay doon kasi akala nga nila wala ng tao sa hadria" sabi ko

"sasalakay lang sila pag kailangan na kailangan . Ayaw ko na may pamilyang umaasa na ligtas ang kanila mga ama o kapatid at sa isang iglap isang maling galaw lahat sila ay mauubos. Mas mauuna ang kaligtasan nila kaysa sa kaligtasan natin . Lahat tayo dito ay makapangyarihan . Tayo ang bubuhat sa kanila hindi dapat tayo ang pabigat" sabi ko sa kanila at agad naman silang nag agree

"Oras na maliligtas ko si King Lei at Queen Ella . Doon kita tatawagin kath at mula sa baba tataas ka para ikaw ang sumundo sa kanila" sabi ko

"At paano si Adine?" tanong nito sa akin

"Ako ng bahala sa kanya, ipahatid niyo itong balita sa mga kawal at mamamayan upang makapag simula na silang lumakbay papunta sa hadria bukas ng madaling araw" sabi ko

"anong gagawin namin?" nagulat ako at agad na nagpakita ang mga magulang ng 12 Hades

"Dad what are you doing here?" tanong ni Marvin kay Tito Jzeart

"I can't just sit down while my sister is in danger" sabi nito

"Kung mamarapatin niyo po hindi ko na kayo isasabak sa gera dahil tapos na po kayo doon madami na kayong napagdaanan hayaan niyo na lang kami ang gumalaw . Pero may isa akong bagay na hindi kayang gawin pero kaya mong gawin Prince Jzeart Del Fwente" sabi ko

"Ano iyon iho?" sabi nito

"Alam kong bago pumanaw ang isang hari at reyna na original na may ari ng buong lugar na ito . Nag iiwan sila ng code kung saan pag nilagay mo iyon ay masisira lahat ng pader na nag seseparate sa bawat lugar. Alam kong bago pumanaw si Queen Carolyn sinabi niya sa inyong dalawa ni Queen Ella ang code . Sana pagkatapos ng war eh masira na lahat ng pader na naghihiwalay sa 6 na lugar .. hadria,zotopia,epriona,contraxia,dasyl at highest empire . Tapos na ang war oras na para magkasundo sundo" sabi ko agad naman itong tumango

Who Will Kill Me? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon