Charles
Pagkadating namin sa holding area ay tinawag siguro ni Ate Chelsea si Niña kaya ito'y nagpaalam saakin "Charles, puntahan ko lang si Ate Chelsea ha"
"Ahh sige sige, mauna na din ako magbibihis pa ako eh. Kita na lang tayo sa after party" pagkatapos ay tinapik ko lang siya at naglakad na patungong dressing room
Pagdating ko sa dressing room ay nakita kong nagaabang na dun ang aking handler. Linapitan ko ito at agad niya naman akong binigyan ng isang mahigpit na yakap
"Congrats on another successful show Charles! You never fail to make me proud. Ang galing galing mo kanina tsaka ang gwapo gwapo mo, feeling ko nga lahat ng babae na nandun biglang nagkagusto sayo nung nakita ka eh hahahahaha"
"Hahahhahaha thank you po for your unending support Mother, sobrang naaapreciate ko pag naririnig kong naging ok yung performance ko kanina lalo na of it came from you!"
"You're always welcome hijo"
" Sige po magbibihis lang po ako"
"O sige sige, pagkatapos no diyan sumunod ka na saakin sa after party ha!" nagbeso kami pagkatapos ay umalis na din ito
Pagkaalis ni Mother Glenn ay pumasok na ako sa loob ng dressing room upang makapagbihis na. Habang nagbibihis ako ay naalala ko nanaman yung mga nangyari kanina. Sobrang nag enjoy ako sa experience ko kanina at mas lalo itong naging memorable ng dahil kay Niña.
Pagkalabas ko ng dressing room ay iniwan ko lang ang mga sinuot kong suit at sapatos pagkatapos ay sumunod na ako sa after party.
May mga ushers na gumabay saamin papasok ng venue. Pagdating ko doon ay agad kong hinanap ang aking handler. Buti na lang at mabilis ko itong nahanap dahil nakatambay lang ito malapit sa dessert table.
Nilapitan ko ito at kinalabit upang malaman niyang nandun na ako "Mother Glenn"
"Ohh hijo, andyan ka na pala. Kumuha ka na ng makakain mo pagkatapos ay umupo na tayo doon sa may sofa"
Sinunod ko naman ang sinabi nito, dahil sa hindi naman ako sobrang gutom ay kumuha lang ako ng pasta at mga prutas tsaka ng maiinom. Pagbalik ko sa tabi ng aking handler ay naglakad na ito papunta sa uupuan namin kaya sumunod na lang ako
Tahimik akong nakatingin sa mga nagkakatuwaang mga tao sa harap ko habang kumakain ng biglang magsalita ang aking handler "Hijo, bat ang tahitahimik mo diyan? Magkuwento ka naman about sa experience mo kanina"
"Well wala naman po masyadong bago sa experince ko kanina bukod sa kinabahan ako nung nalaman kong wala akong partner ahahahahahha"
"Oo nga eh, kahit ako sobrang kinabahan din dahil syempre papangit tignan yung ramp mo kung wala kang partner. Buti na lang at nakahanap sila ng proxy. By the way ang galing niyo kanina ni Niña ha!" medyo may pang aasar pa sa boses ni Mother Glenn
"Oo nga po eh, buti na lang po at nakahanp sila ng kapalit. Nakuu Mother Glenn sobrang galing ni Niña, di mo aakalaing first time niya"
"Ang galing niya nga eh, ang lakas ng chemistry niyo!" nakangiting sambit niya na parang kinikilig
"Magaling din kasi siyang kapartner, kaya nadala niya din yung performance namin kanina of course with my help. Nagtulungan kami para mapaganda yung walk and we're happy dahil maganda naman pala yung kinalabasan"