Summer na, dalawang buwan na rin ang nakakaraan simula nung nawala siya at kahit paano maayos na ako.
Pero isang araw biglang siyang nag txt at humihingi pa sakin ng isang pagkakataon at dahil mahal ko binigyan ko ng pagkaka taon. Oo tanga na kung tanga o baliw na kung baliw pero mahal ko oo di sapat yung mahal mo lang pero gusto ko ilaban kahit sa pangalawang pagkaka taon. Nagkabalikan tayo at naging maayos ang lahat pero ang mga kaibigan ko di na boto sayo dahil sa ginawa mo, Lahat sila nagalit at nag tampo pero sabi nila kahit anong katangahan pa yan diyan lang daw sila sa tabi ko at susuportahan.
Tumagal tayo ng limang (5) buwan nasa kolehiyo na tayong dalawa ikaw nag aaral sa SFU (Southville Foreign University) at ako naman sa Lyceum of the Philippines Unisversity dun na tayo mag umpisa na laging nag aaway, isang beses sa dalawang linggo nalang magkita at dalawang oras lang tayo magkasama.Pinag seselosan mo lahat, tinatanong mo sino kasama ko, kung may lalaki ba at parang ako pa ang iniisip mo na magloloko sa atin na ako pa ang mahahanap ng ibang lalaki. Kahit anong paliwanag ko na di ako ganun ayaw mo parin maniwala, diba ako mag isip ng ganun pero hindi eh pinag katiwalaan kita muli na di na gagawin yun na ipaparamdam mo sakin na tama ang desisyon ko na pumayag na balikan.
Isang araw nagkaroon tayo ng matinding pag aaway. Yun na yung "Strike 3" na inaantay ko galing sayo, pero parang di yung strike 3 parang strike 5, kasi iniisip ko na "Sige kaya pa to di pa ako bibitaw maayos pa namin to pag mahal mo nga diba ipaglalaban mo". Sa sobrang pagod na pagod na ako sa nangyayari sa amin... naisipan ko na ngang itigil kahit masakit... nag hiwalay tayo nun... iyak ako ng iyak pero sabi ng mga kaibigan ko "YOU DESERVE SOMEONE BETTER, SO MUCH BETTER" at yan ang pinang hahawakan ko hanggang ngayon...