Kabanata 33

314 17 2
                                    

Kabanata 33

Lies

I woke up the next morning dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Ang mga braso ni David ay nakabalot sa akin na para bang iiwan ko siyang muli.

I smiled and touched his face. Nanatili kaming ganoon hanggang sa unti-unti siyang namulat. Natigilan ako at agad na nag-iwas ng tingin.

I am happy because of what happened last night. I will treasure it so much. Bumangon siya at sinabing magluluto ng agahan. Pakiramdam ko'y lumambot ang puso ko roon.

I didn't explain everything yet but in his actions, I feel like he's already forgave me.

Bumangon ako. Agad akong napa-igik sa sakit ng katawan lalo na sa ibabang parte niyon. Ngumiwi ako at pilit na lamang tumayo.

He's not that talkative. Umiimik lamang siya kapag kinakausap ko. Naging busy rin siya sa kaniyang cellphone kaya naman malungkot akong nagpaalam ma uuwi na. Hindi niya ako hinatid at sinabing mag-ingat na lamang.

I can feel how cold he is towards me. I cried in so much pain and frustration while I'm going home. I can't predict him anymore. Kagabi lamang ay... Maybe that's his vengeance? Mas lalong nalukot ang aking dibdib dahil doon.

I was shocked when I got home. Kevin is reading some books. Ang akala ko'y ang nag-aalalang mukha ni Nanay ang madadatnan ko.

"Ate, bakit ngayon ka lang umuwi? Nag-text sa akin si Nanay. Hindi daw siya makaka-uwi. Akala ko'y kasama mo siya."

Kumunot ang aking noo.

"Hindi ko siya kasama. Saan daw siya pupunta?"

"Hindi ko alam. Hindi ko na rin tinanong."

"Nag-almusal na ba kayo?"

"Nag-luto si Kuya kanina. Mayroon pa diyan. Ay Ate kailangan ko nga pala ng camera."

Camera? Saan naman ako makakakuha ng pambili ng camera?

May ipon ako pero hindi naman iyon sapat para roon.

"Alin ba yung maliit?"

"Hindi ate yung malaki. Xenon ang tatak. Hindi ko alam ang tawag dun. Basta pinakita lang sa akin ng kaklase ko iyong sa kaniya. Absent kasi ako nung sinabi iyon ni Prof."

Huminga ako nang malalim, "Hala sige. Ipakita mo sa'kin yung picture. Hahanap ako ng paraan para mabili 'yan. Hindi ba p'wedeng manghiram?"

"P'wede naman Ate kaso baka matagal namin 'yun gagamitin e."

Bagsak ang balikat akong pumasok sa k'warto. Dahil nasa special section si Kevin marami siyang kinakailangan na talaga nga namang mamomroblema ka sa kakahanap.

I sighed deeply ng muli na namang sumagi sa akin ang nangyari kanina. Nakakapagtakha na ganun kabilis nag-bago ang pananaw niya sa akin.

Kagabi lamang ay ayos kami. He even brought me to his house. We did it again but when he woke up, he acted as if I am just a picked up girl na nakilala niya kagabi.

Mabuti na lamang at linggo ngayon at wala akong pasok sa Coffee Shop.

Humilata ako sa aking kama. My head is aching so my whole body too. Pagod pa rin akp kaya naman agad akong nahila ng antok.

Nagising ako sa ingay ng aking cellphone. Kinuha ko iyon at itinapat sa aking tainga.

"Kristine... anak."

Pakiramdam ko'y tumigil ang aking pag-hinga ng marinig ang boses ng aking ama.

"Let's talk please. I'm sorry about what happened yesterday. I didn't mean to say that. I just want you to be with us. Ilang taon na rin ang nakalipas noong huli kitang naka-sama."

Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon