Chapter 1

61 2 0
                                    

"Nasaan ako?"
Tanong sa aking sarili.

Iginala ko ang aking mga mata at natagpuan ang aking sarili sa isang lugar na wala saking ala-ala. Pinilit kong tandaan ang bawat pangyayari, paano ako napadpad dito? Tila nagiisa sa napakalayo ngunit ubod nang ganda na paraiso.
                                                                                       

Ngayon ako ay nasa isang burol nakatapak ang aking mga paa sa isang hardin at sa sentro nito ay nakatanim ang nag-iisang mirasol na napapaligiran ng ibang pang makukulay na bulaklak, mga bulaklak na kakaiba ngunit kay ganda sa aking paningin.

Lumabas ako ng hardin at sa isang malayong dako natanaw ng aking mga mata ang isang kalmadong dagat at mga pinong buhangin. Tirik ang araw pero hindi ko dama ang init at iba rin sa pakiramdam ang bawat yakap ng hangin. 

Wala akong alam, ang huli kong natatandaan ay nagpahinga ako sa aking kwarto at sa aking paggising sa pagmulat ng aking mata nandito na ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin, hindi ko alam kung saan ako tutungo, naguguluhan pa ko pero kailangan ko itong lakbayin at humanap ng daan paalis ng paraiso.

Nag-simula akong maglakad tinahak ko ang daan patungo sa dagat nag babakasakaling may matagpuan akong tutulong sa akin. May kalayuan din ang aking pupuntahan at hindi ko na nasundan ang oras. Parang may mali, mga kamay ng aking orasan ay hindi ko ma wari. Hindi ko mabasa, hindi ko maintindihan parang nililinlang nito ang aking isipan.

Wala ni isang tao o maski tunog akong nakasalubong sa aking paglalakad kaya nagsimulang mamayani ang takot nagsimula ang kaba dahil parang ito na ang wakas.

Sa aking pagdating sa tabing-dagat namangha ako sa napakalinaw nitong tubig, napakalinis at pinong buhagin ngunit nanatili parin akong mag-isa. Naglibot-libot pa ako at sa dulo ay natanaw ko ang isang magarang bahay ngunit base sa itsura hindi maitatanging ito'y nasunog at matagal ng nilisan. Pinagmasdan ko ito ng maigi at napansin ko na parang may tao kaya hindi na ko nag dalawang isip na ito'y puntahan. Wala na din naman akong pagpipilian dala-dala ang pag-asa na sa bahay na to ako ay matutulungan.

"Tao po ! "
kasabay ng pag katok sa pintuan.

Wala sumasagot sa bawat pag tuktok. Sinubukan kong pumasok ngunit nakakandado ang pinto. Hindi ko na pinilit, nagsayang lang ako ng oras at hindi nag tagal ako'y umalis.

Sa aking paglayo biglang may bumasag sa katahimikan narinig ko ang pag bukas ng pinto. Pumasok ako ngunit wala parin akong nadatnan na tao. Dumagdag pa sa aking pagtataka, na sa loob madadatnan ang bakas ng sunog at sira ngunit parang inaayos ito. Madadatnan mo ang mga nakakalat na pang-ayos na gamit. Ang ibang dingding ay bagong pintura. Ang ibang gamit ay bagong palit. Nagpatuloy ako at hinanap ang nagpapasok sakin pinuntahan ko ang mga silid at lahat ng sulok ngunit wala parin akong natagpuan
Kaya't umalis na ko at naghanap ng bagong mapupuntahan. Sa aking paglabas biglang may boses na nagmula sa aking likuran.

"Ginoo, naliligaw ka ata?"
Ayon sa tinig.

Narinig ko ang mala anghel na boses mula sa bahay hinanap ko agad kung kanino nagmula ang tinig at sa asotea natagpuan ang isang binibini na tila isang diwata dahil sa tinataglay niyang ganda. Parang pamilyar sakin ang kanyang muka pero hindi ko maalala.

"Sino ka? Nasaan ako? Maari mo ba akong tulungan?
Napuno ng tanong ang naging sagot ko.

"Ako ang iyong pangarap, hindi mo ba ako natatandaan? Nandito ka sa ating tagpuan, sa ating mundo."
Wika ng binibini.

"Pangarap? Tagpuan? Mundo? Nababaliw kana ata. Hindi nga kita kilala."
Naging tugon ko.

" Hindi mo man ako kilala. Pero ikaw kabisadong-kabisado ko na."
Sagot ng binibini.

Hindi ako nakapagsalita sa kanyang winika
Biglang mas lumala ang nararamdaman kong takot dahan-dahang akong napaatras. Parang may mga ala-alang bumabalik sa bawat salitang kanyang binibigkas. Mas lalo akong naguguluhan sa mga pangyayari, mas lalo akong kinakabahan, ang tanging gusto ko lang ay makabalik ako sa dati. Bumaba ang binibini at pumunta saking kinatatayuan.

"Ginoo, halika't sumama ka sakin"
Utos ng binibini.

Hindi ko alam ang dahilan ngunit ako'y sumama sa kanyang pag alis kahit ramdam ko na hindi ko siya dapat pagkatiwalaan. Ako'y naguguluhan, may bumubulabog sa aking isipan.

Sa tuwing tinitingnan ko siya hindi mapakali ang aking sarili parang may mali, may mali. Napuno ng katahimikan ang aming paglalakad hanggang sa narating namin ang tabing-dagat. Huminto siya parang nagbago ang kanyang pagkatao at humarap sakin kasabay nito ay ang pag pagbanggit ng isang tula na tila may gustong iparating.

"Dagat ang naging saksi sa pagtatagapo ng isang manlalayag at aking pag-ibig
Ikaw ang huling sasakop sa aking babayin, ang hinintay kong manlulupig
Sa hatid mong alon, binura lahat ng sakit na aking naukit sa buhangin
Dito sa paraiso muli nating sisimulang ilathala lahat ng mabubuong lihim"
                     Ang kanyang tula.

Nagulat ako sa kanyang pagbigkas pero mas pinili kong hindi umimik. Ngunit nabakas ko sa kanyang mukha ang lungkot. Nakita ko sa kanyang mga mata ang poot na pilit niyang pinipigilang kumawala. Masyado na akong nalilito. Ano ang gusto niyang iparinig? Bakit parang pamilyar sa akin ang kanyang tinig? Itatanong ko na sana ako kung paano ako makakaalis sa paraiso ngunit

"Malapit nang mag takipsilim hindi ka dapat abutan nito, kailangan mo ng makabalik."
Mabilis na sabi ng binibini.

Hindi ko alam ang aking nararamdaman, takot parin ang namamayani pero may kalakip ito na hindi ko maintindihan. Unti-unting siya humakbang papalit sa akin. Sa paghakbang niya parang mas gusto ko siyang tandaan.

Wala akong ala-ala niya pero parang naging parte siya ng aking nakaraan na ayaw ko ng balikan. Nakatayo siya sa aking harapan halos isang hakbang lang ang pagitan ng aming katawan.

At sa isang sandali ang takot na kanina'y naghahari ay biglang napalitan ng kapanatagan, nadama ko ang kapayapaan ng hawakan niya ang aking mga pisngi. Ipinikit ko ang aking mga mata at wala na kong naintidhan. Ang tanging alam ko siya ang aking nakaraan.

Naramdaman ko ang kanyang labi dahan-dahang lumapit pero nagbago ang lahat ng nakaramdam ako ng hapdi sa aking dibdib. Isang patalim ang nakasaksak saking puso. Dumaloy sa talim papunta sa kanyang kamay ang aking dugo.

Tiningnan ko ang kanyang mga mata at nakita ko ang sakit. Nanghina na ang aking katawan at mata ko'y dahan-dahang pumikit. Sa huling sandali narinig ko ang mahina niyang salita.

"Mahal"
kanyang huling winika.

" Tinutupad mo parin"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Huling TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon