CHAPTER 6

647 21 1
                                    

GABRIEL's POV

Kahit napakabigat ng pakiramdam ko ay itinuloy ko na lang ang balak ni Carl. Ayaw ko naman agawin ang kuya niya sa panilya nila. Kaya kahit masakit ay iiwanan ko na lamang siya. Pero ano yung ibig sabihin niya kagabi na inagaw ko ang kuya niya before? Sino ba sila? Ano bang naging parte ko sa nakaraan nila?

Matapos kong bumaba sa bangka na sinakyan ko ay sumakay na ako ng bus. Nakakapagod, masakit, ang bigat ng pakiramdam ko ng mga na ito. Gusto kong bumalik pero marahil tama nga si Carl, inaagaw ko ang oras ng kapatid niya sa kanila. Kinapa ko ang bag ko at napansin ko doon na wala ang cellphone ko.

"SHEMAAY NASAN ANG PHONE KO??"

Natatarantang nagkakapa ako at nag iisip kung saan ko ba nailagay ang phone ko.

"MY GEE WAG NAMAN SANA NANAKAW PHONE KO" Kinakabahan kong sabi sa sarili ko.

Habang nag iisip kung saan ko nailagay ang phone ko ay naalala kong naiwanan iyong sa bangka kanina kasama ng maliit kong bag.

"Tanga tanga ko naman! Ngayon pa nawal cellphone ko oh!" Nabubwiset kong bulong sa bintana ng bus.

Walang gana akong bumaba ng bus at bigat na bigat sa sarili habang nag aantay ng jeep. Napansin kong may jeep na dumating pero malayo pa ako kaya mabilis akong tumakbo papunta sa jeep na iyon. .

Hindi ko napansin na may babae pala akong makakasalubong, si Trixie!. Nabangga ko ito at tumumba. Tinignan ako ng masama nito at dali dali kong tinulungan siyang tumayo.

"Hala beh sorry hindi ko napansin may hinahabol kasi akong jeep"

"Gab? Ikaw ba yan?" Biglang ngiti niyang sabi ng makilala ako nito.

No doubt ang tagal ko itong naging bestfriend kaya hindi maikakailang kilalang kilala ako nito. Gumanda siya lalo kumapara sa huling nakita ko siya. Ang daming nagbago sa kaniya mas pumuti siya at kuminis. Pero ang hindi nagbago sa kaniya ay ang pagiging pandak niya.

Binatukan niya ako ng napansin niya akong tumatawa.

"At bakit ka tumatawa?"

"Bakit kasi pakalat kalat kang duwende ka" at tuluyan na nga akong tumawa ng malakas dahil nairita nanaman siya.

"Letse ka porket tumangkad ka lang eh" Naiinis niyang sabi.

Mag aalas onse na ng umaga ako nakauwe sa bahay. Nakita ko si papa na tahimik na nagbabasa ng dyaryo samantalang si mama naman ay masinsinang naghihiwa ng kaniyang iluluto  para sa aming tanghalian.

Nang mapansin ako nila mama at papa ay dali dali silang lumapit sa akin at kinamusta ako. After namin mag kamustahan ay umakyat ako sa kuwarto at nagpahinga.

Habang nakahiga ay patuloy pa rin ang pagtakbo ng mga kaganapan kanina sa aking isipan at kasabay din nito ang pagtakas ng aking mga luha. Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako.

----------------------------------------------

"Oy Dexter samahan mo ako sa canteen" sigaw ko sa kaibigan kong bakla na pinakaclose ko sa lahat ng aking kaibigan.

"Ih nakakatamad kaya mo na yan. By the way alam mo na ba yung balita?" sabi niya at sabay lapit sa akin

"Huh ano yun?"

"Dai may bagong jowa na si Stephen. Hiwalay na sila ni Faye. Balita ko taga section 8 siya at pangalan daw niya is Rhea."

"Ah ganoon ba? Okay. Tara na kain na tayo please libre ko" pagpupumilit ko sa kaniya

At tila sumigla ang bakla ng marinig niya ang huling linya na sinabi ko at dali dali akong hinila papuntang canteen.

Nakakalungkot lang dahil noong kami ay grade 7 ni stephen ay napakaclose namin. Best Friend ko siya at ganoon din ako. Lalo kaming naging close noong nagscouting kami. Lagi kaming magkadikit at marami ang nagiisip na may something sa amin. Dahil doon ay lumayo sa akin si Stephen. Nakakalungkot pero wala akong magagawa dahil desisyon niya iyon. Nagkaroon siya ng bagong kaibigan at hindi na niya muli ako pinansin.

STAY WITH METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon