VI

2.4K 130 28
                                    



From here mas mapapadami ang flashbacks haha. Again thank you pa rin sa nagbabasa haha. Guys feel free to comment your reactions or even suggestions sa story na ito.

Thanks!



"Maya matagal pa ba yan? Bilis na tatanghaliin na tayo sa kakupadan mo. Ano ba yan?" aligaga kong pangungulit dito habang isa-isa kong chinecheck ang mga dadalhin ko.


"Saglit lang Ken, apurado ka. 7:30 am pa lang oh saka mamaya pang tanghali gigising yun si Clifford tulog mantika kaya yun" irita namang sagot nito habang chinecheck niya ang kanina pang nakasalang na cookies sa oven. Well isa lang yan sa mga dadalhin kong favorites ni Clifford ngayon. For sure ubos na naman tong mga dala ko sa katakawan nun.



"Oo nga bakla ka, OA mo diyan. Magrelax ka nga. Dumating ka nga ng maaga doon pero haggard ka naman. Ay naku day babalik sa tulog si Clifford niyan. Pabeauty ka muna diyan" singit ni Janice na kasalukuyang nakikialmusal ngayon dito kela Maya kahit pa sa kabilang subdivision ito nakatira. Well masarap din kasing magluto si Maya eh kaya hindi ko rin masisisi itong si Janice.



Nandito kami ngayon sa bahay nila Maya and as you can see busy kami well to be honest ako lang ang busy. Hay paano ba ito pero I dont want to sound so cheesy pero kasi uhm... Second anniversary namin ngayon ni Clifford and I am planning to surprise him before his day start. Ang alam niya kasi ngayon ay nasa Pangasinan ako to visit lola at sa weekend pa uuwi. Kaya naginarte pa ang gago, na ni hindi man lang daw namin macecelbrate ang anniversary namin. Well akala niya lang yun hahaha.



And para din maiba naman,ayoko namang ipa-feel sa kanya na siya lang ang gumagawa ng efforts sa relationship namin. Mabuti na lang talaga at ready si Maya tumulong, nagkataon lang na nakiki-breakfast tong si Janice dito kaya damay na din siya sa plano na to kahit pa wala naman talaga siya naitutulong kung hindi mambwisit lang.



"Haggard na ba akong tignan?" Nag-aalala kong tanong kay Janice



"Uhmm hindi ka naman kagwapuhan bhe pero sakto lang. Pero mas gwapo pa rin sila Seb,Choy at Clifford sayo. So basically haggard version ng tatlo ang kafreshan mo" prenteng sagot nito na ikinasimangot ko. Bat ang harsh magsalita nang hayop na to? Gaganti na sana ako nang makita kong binato ni Maya nang kutsara ang gaga.


"Aray ko Maya! Punyeta ka ha. Wag mong sabihin bahay mo to, dahil hawak ko ang pamilya mo" reklamo nito habang hawak hawak yung sintido niya na natamaan.


"Huwag kang makinig diyan sa baliw na yan Ken. You look good. And Clifford loves you dahil simple ka and yun ang importante. Naiinggit lang yan dahil wala siyang syota" pagpapagaan ni Maya sa loob ko sabay irap kay Janice



"Atleast may sex life" sagot ni Janice na tinawanan lang namin. Gaano ba kabalahura ang bibig ng babaeng ito?


Few more minutes and nagdecide na kaming lahat pumunta sa bahay nila Clifford. Mabuti na lang din at same ng tinitirhang subdivision sila Maya at Clifford kaya mabilis lang sa amin para pumunta doon and mabilis naman talaga dahil may kotse si Maya kaya saglit lang talaga. Basta ang alam ko tanghali magigising si Clifford ngayon dahil galing pa ito sa inuman ng basketball team after their championship game kung saan siya MVP. I guess naiimagine niyo na kung gaano ka famous si Clifford sa university, nagkataon nga lang ata na sa normal lang nainlove ang gago. Ewan ko ba, mabait lang talaga ata si Lord haha.


By the way, tita lang ni Clifford ang kasama niya sa bahay dahil nakabase lahat sa ibang bansa ang parents niya kasama ang younger sister niya and legal na din naman kami sa kanila kaya tuloy tuloy na din kami sa pagpasok ng bahay nila. Ilang beses na din naman kasing nakatulog ang barkada dito kaya kilala na din kami ng tita at mga kasambahay nila.



Oo naTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon