Koleen's POV
SIYA NA NAMAN?
Sinusundan nya ba ako, o coincidence lang?
Psh. Grabe makatawa.
Teka nga, san na ba ako?
Ah. Patulo na nga pala yung luha ko.
Kaso bakit nung nakita ko si Ivan, hindi natuloy ang pagtulo nito?
Zachary's POV
3:00 pm na. Hanggang ngayon, di pa rin lumalabas si Justinne sa kwarto nya. Naiinip na ako.
Makalabas nga muna.
Nanahimik akong naglalakad nang...
*bogsh*
"Aray naman!"
Grabe. Sa dinami-dami ng pwedeng matamaan, ako pa? Malas nga naman oh.
BIglang may lumapit sa akin na lalaki.
Kung idedescribe ko sya, kasing tangkad ko, maputi din, matangos yung ilong, manipis yung labi, kaso mas maliit mata ko sa kanya. Yung buhok? Parang kakalabas lang sa kama. Buti pa ako, sobrang ayos ng buhok ko. Para din syang model.
Ayoko sa mga lalaking ganyan. Yung mga "bad boy" ba?
Nako. Subukan nya lang lapitan si Justinne. Nako.
Kaso, may 'something' sa kanya na parang nagsasabi sa akin na wag ko syang lalapitan.
"Uy sorry. Di sadya."
"Di nga sadya, masakit naman,"
"Kaya nga nagso-sorry diba? Sali ka nalang sa laro namin."
"Ayoko. Pagpapawisan ako."
"Sus. Ang arte mo."
"May sinasabi ka?"
"Wala. sabi ko, libre na lang kita ng ice cream. Pampalamig ng ulo mo."
"Sige ba."
"Saglit lang ah."
Pumunta sya sa mga lalaking kasama nya. His friends, I suppose.
Tapos sumigaw sya,
"HOY! ALIS LANG AKO SAGLIT! SWERTE NYO MAKAKAHABOL KAYO SA SCORE NAMIN! MABABAWASAN NG EXPERT! :D"
Naglakad na kami papunta dun sa ice cream parlor.
"Ano nga palang pangalan mo?"
"Zachary"
"Ako nga pala si Ivan Angelo."
"Aah. Okay."
Mukha naman pala syang mabait.
Nung nakapasok na kami,
"Anong flavor?"
"Cookies and cream."
Bigla akong napangiti. Cookies and cream kasi yung favorite namin ni Justinne.
"Size?"
"1 tub."
'Sige 1 tub-----SAGLIT LANG! Sa pagkakaalam ko, isang tao lang ililibre ko ah!"
"Sige na. Pinainit mo ulo ko kanina."
"Oo na po."
Haha. >:)
Habang bumibili sya, may umupong babae sa tapat ng upuan namin. Halatang nagpapacute sa akin. May itsura naman, kaso mukhang malandi.
After 3 minutes, kumindat naman sa akin.
MALANDI NGA.
Thankfully, tapos na bumili si Angelo. Lumabas na rin kami.
"May kasama ka ba dito?" tanong niya.
"Ah hindi. May kasama ako."
"Sino?"
"Bestfriend ko."
"Nasaan?"
"Nasa cottage."
"Babae o lalaki?"
"Babae.---- Teka nga, bakit ba andami mong tanong?"
"Let me guess. May gusto ka sa bestfriend mo kaso hindi nya alam dahil natatakot kang ipagtapat yung totoo?"
Natahimik ako. Talaga bang natatakot akong ipagtapat yung totoo?
Pero may plano naman talaga ako diba? Dapat nga kanina pa, kaso may mga 'pumipigil'.
"Bullseye." sabi nya.
"H-hindi ah. Hindi yun totoo."
"Sus. Kunwari ka pa. Halata naman sa mukha mo."
"P-paano mo nalaman?"
"*sigh* Napaka-typical na kasi ng mga sitwasyon na yan. Sawang-sawa na rin ako. Cliche, kumbaga."
Pagtingin ko ng orasan, 3:45 pm na.
"Sige. Dito nalang ako. Kunin ko nalang number mo just in case."
"Sure."
Tapos, sinave nya na yung number ko. Mukha naman kasi syang katiwa-tiwala.
"Zachary, right?"
Tumungo ako.
"Payo ko lang. Kung ako sayo, sabihin mo na dun sa bestfriend mo yung nararamdaman mo hangga't hindi pa huli ang lahat. Malay mo, malalaman mo nalang bigla na may iba na pala sya. Eh di parang umasa ka lang sa wala nun diba. Lalo ka pang masasaktan nun pag nagkataon. Kahit pa sabihin mong negative yung maging reaction nya tungkol dun sa sasabihin mo, at least, nasabi mo kung anong nilalaman ng puso mo."
"..."
"Sige, una na ako. Regards sa bestfriend mo ah."
Pagkatapos nun, tumalikod na sya at nagsimulang bumalik sa mga kaibigan nya.
"A-angelo!"
Lumingon sya. "Bakit?"
"Thanks."
Ngiti lamang ang tinugon nya sa akin.
Siya, babalikan nya ang mga kaibigan nya.
At ako? Susunduin ko na ang may-ari ng puso ko.
------
YEY. 2 Updates na yan in one day ah. :)
BINABASA MO ANG
A Thousand Years (On Hold)
Novela JuvenilA story of friendship, betrayal, hope, tears, regrets, 'what ifs', and love. xx