alas tres ng madaling araw. byernes a trese naroon na sya sa silong ng kanilang bahay na puno ng basura at burak bago pa tumaas ang tubig sa dagat umuusal ng kung ano. walang hangin ngunit sumasayaw ang apoy ng kandila. nagsimulang kumahol ang kanyang aso.
"Inaalay ko sa 'yo ang kaluluwa ko, kapalit ng isang kahilingan."
Lumutang ang usok kasabay ng naakakilabot na halakhak at nagkaanyo
""NAng tawagon mo ang pangalan ko, akin na ang kaluluwa mo. Ano pa ang mapapala ko sa'yo?"
"Kung ganoon, ano pa ang gusto mo? Sawang sawa na 'ko sa buhay naming ito. Gusto ko namang maiba?" tinitiis nya ang amoy ng burak para lang magpatirapa
"Maliban sa kaluluwa mo, kailangan ko pa ng isang mahal mo sa buhay. Hm Tatay mo kaya o Nanay mo ?"
"Di maaari. Sila ang dahilan kaya handa akong makipagkasundo sa'yo. Gusto ko silang guminhawa sa buhay tapos pahihirapan ko naman sila sa kabilang buhay? gusto kong patamain mo ako sa lotto."
"Pera ba ang gusto mo? Kala ko aayusin yun karakas mo para makapasok ka sa showbiz" habang nilalaro nito ang kanyang buntot tulad sa luksong lubid
"Kapag marami akong pera. marami na din ang magkakagusto sa akin. Patamain mo ako sa lotto"
"Yun lang pala. Call. Kaluluwa mo at saka.. 'yang alaga mong aso ialay mo sa akin ngayon din."
Nilapitan nya ang kanyang alaga. naiiyak sya at nanginginig. Mahal na Mahal nya ang kanyang matalik na kaibigan. Ngunit naiisip nya ang kalagayan nila sa buhay. sa dilim ng kapaligiran.kinaladkad nya ang kanyang kaibigan papunta sa baybayin. nabasa ang buong katawan sa tubig dagat. natikman na rin nya ang alat ng luha.
bumalik sya sa pampang na kaladkad ang bangkay ng alaga
"Labintatlong oras mula ngayon, tayaan mo ang anim na numerong ito." humahalakhak itong iginuhit ang anim na numero sa katawang ng kanyang alaga sa pamamagitan ng talim ng kiko. umuusok ang nagbabagang numero sa katawan ng alaga. sabay tuklap sa balat ng alagang sinulatan. tinilansikan sya ng dugo nito sa mukha. napahagulgol sya at dinukot ng kausap ang puso ng kanyang aso"
"Tumikim ka! inuutos ko!"
pikit mata syang sumunod. matigas. malansa. at mainit-init pa ang puso ng kanyang pinakamamahal na matalik na kaibigan. pakiramdam nya ay tumitibok-tibok pa ito. humahalkhak muli ang kanyang kausap. tapos, sinubong lahat ang puso at biglang naglaho.
Alas sais.nagising sya sa kaguluhan ng kapitbahay
"May halimaw na gumagala, anak. kaya wag kang maglalalabas kung gabi lalo na't namamalaot kami ni itay mo. kita mo na si bantay. nawawala ang puso at wakwak ang balat sa tyan."
Umiyak sya. Umiyak ng Umiyak. Inalo sya ng mga magulang.
Alas dose. Luto na ang huling isda ng kanyang tatay. ayaw nyang kumain. umiiyak pa rin sya. tinatanong sya ng kanyang mga magulang kung anong ulam ang gusto at ibibili na lang daw sa labasan. humingi na lang sya ng sampung piso. Binigyan sya ng kanyang ina. buhat sa pinagbentahang huli
Bago mag alas kwatro kinuha nya ang balat ng alaga mula sa pinagtaguan sa silong ng bahay. isinalin nta sa papel ang anim na numero. tumungo sa palengke
alas nwebe ng gabi. Pinakinggan nya sa radyo ang resulta. umiitak sya. nanginginig ang kanyang buong katawan. tinanong ng mga magulang ang dahilan. inilabas ya ang ticket inaninag sa kukurap-kurap na gasera. Tumama nga sila sa lotto. BUkas, may makukubra silang beynte pesos