#AGBGwherehaveyoubeen
"Saan ka galing kagabi? "
STORM's POV
'Yun ang bungad sa'kin ni Victoria, naka sandal siya sa pinto nang kwarto namin at naka cross arms pa.
"Nag-overtime ako." Saad ko.
"Overtime? Dumaan ako dun kahapon at maaga kang umalis!" Sigaw niya. "Saan ka nagpunta!?"
Pumasok ako sa kwarto pero 'di niya ako pinapapasok, sa halip nilabas niya ang mga maleta na may lamang damit ko.
"Lumayas ka na dito!"
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya, layas? Eh bahay ko 'to, kahit asawa kita sampid ka pa din.
"Ba't 'di kaya ikaw ang lumayas? Bahay ko 'to..." Pinasok ko ang mga malita
"Saan ka ba galing! Ba't 'di ka umuwi!"
Nilingon ko siya, gusto ko nang magsawa sa ugali ni Victoria, kunti na lang..
"Nag-bar ako, nakipagsiping ako sa kaibigan ko!"
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko, tumalikod lang ako... Oo nasaktan ko siya at nagkamali ako, pero mas may mali at pagkukulang siya. 'Di na niya nagagampanan ang trabaho niya bilang asawa.
"Pano mo nagagawa sa'kin 'to!?" Sigaw niya. "Paano!"
"Tanungin mo ang sarili mo!" Sigaw ko pabalik sa kanya. "Madami ka ding pagkukulang! Ni hindi mo na magampanan ang pagiging asawa mo!"
Natahimik naman si Victoria, napaupo na lang siya at umiyak. Napaupo na lang din ako, parang nanamlay ako.
"Hindi ko na maalala kaylan ka huling naging asawa sa'kin."
"Hindi mo ba maintindihan na busy ako sa shop!" Sigaw niya
STORM: "Oo alam ko! At lumala ka pa nang makita mo si Steven at Isiah sa magazine na masaya!" Sigaw ko ulit sa kanya. "Sabihin mo sa'kin mahal mo pa ba siya!?"
-----------
OTHER PEOPLE's POVDinig na dinig ang sigawan ni Storm at Victoria sa labas na ipinag-alala na ni Miss Katana.
"Nag-aaway yata ang Young Master at Young Madam" nag-aalalang sambit ni Miss Katana.
"Naririnig ko ang pangalan ng Young Master Steven at Young Madam Isiah." Ani Mr.Hyung.
"Nako, masaya na ang dalawang yun.." Sagot naman ni Mr. Park.
"Nako, nako, tara na at baka maabutan tayo dito"
Pag-aaya ni Miss Katana sa mga kasama, dali-dali silang bumalik sa kanilang mga gawain. Binilinan pa ni Miss Katana ang mga katulong na huwag pag-uusapan ang kanilang narinig, kung gusto pa nilang may trabaho sila.
-------------
"Pwede ba Storm!? 'Wag mo idamay si Steven dito!"
"Napapagod na ako sa pag-iintindi sa'yo, mas mainam pang mag-devorce na lang tayo."
STORM's POV
Nanlaki ang mata ni Vicky at napatakbo siya sa akin, niyakap niya ako.
"No," iyak niya. "No Storm... Honey.. Please... 'Di ko kaya honey... Pangako ko gagawin ko lahat mapasaya ka lang... Please honey... Im sorry." Pagmamakaawa niya.
Naawa naman ako at nilingon ko siya para yakapin, at nag-sorry na din ako sa kanya. Hinalikan ko siya sa noo at niyakap ulit.
-----------------
************

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...