"Ahy! Teh! Ganon talaga ang buhay, parang life. Kaya nga may tinatawag tayong one-sided love eh. Di ka pa nasanay sa mga wonders of nature. "
Kita mo tong si Anne, wonders of nature wonders of nature pang nalalaman.
Pambihira naman kasi! Bakit ang hirap magmahal.
Ay! Teka muna. Baka sabihin nyo, ang impolite ko. Nagddrama ako, di nyo man lang alam kahit pangalan ko lang. Saya no? Sige na nga.
Ako nga pala si Venice Frances Monteverde. Oh! Anong say nyo naman daw sa pangalan ko. European na european. I am 17 y/o, and fourth year high school. Ang late ko no? Wala lang, feel ko lang magstop for a year. Nakakatamad kaya. Ahahaha. K. Ang corny ko, wala na ding katuturan tong sinasabi ko.
Siguro naman, medyo na notice nyo nadin sa aking nagniningning na surname, oo, mayaman kami. Lahat ng gusto ko, nakukuha ko. Lahat ng luho ko, naibibigay nila. Sabi nila, ang swerte ko daw. Actually, hindi eh. Kulang pa. Kasi, hindi ko masabing akin sya. Mahal ko sya kaya lang merong isang napakalaking karatulang nakaharang saming dalawa na nagsasabing, 'Mahal ka din ba nya?' Oh! Diba ang saya? Nakakawalang ganang mabuhay.
Sya nga pala si Ian Paolo Evangelista. Yes, mayaman din sila. Sa totoo nga nyan, sila ang pinaka kalaban ng pamilya namin sa field ng business. Ano pang chance ko diba? Walang wala. As in capital Z-E-R-O.
Ay, teka! Ano nga ba naman ang pakialam nyo diba? Di nyo naman ako matutulungan. Lezzgo! Laslas tayo ng pulso.
Bakit nga ba ako nagddrama? Andito kami ni Anne na bestfriend ko sa cafeteria. Eh kasi, dumaan si Ian kanina. Kasama si Samantha. Teka! Alam ko na kung ano itatanong nyo, 'Sino naman si Samantha?'
Si Samantha Santos ay kilalang bestfriend/girlfriend/childhood sweetheart/puppy love/fiancè ni Ian. At arranged marriage sila.
Oh diba? Gasgas na gasgas na itong lovestory na to. Kung hindi M.U. as in magisang umiibig or matagal ng umaasa, ipinagkakasundo ng mga magulang. Nice no?
Eto pa, alam na nang buong campus, ultimo barkada nya na mahal ko sya, ang lagay eh, manhid ata yung tarantadong yun at hindi ata maramdaman ang lihim kong pagsinta sakanya. Ay teka! Hindi na nga pala lihim yun.
Pano nila nalaman? Ipinagsigawan ko. As in. Ang kaso, nung matapos kong isigaw kinalabit ako ni Anne nun sabay sabing, 'Ay grabe! Desperada ka na teh? Kawawa ka naman, absent pa mandin yung gagung yun. Nonsense yung pagsigaw mo ng pangalan niya.'
Sabi ko noon sa sarili ko, baka kaya absent sya kasi hindi talaga kami para sa isa't isa. Na baka kaya hindi siya pinapasok ni Lord noon kasi ayaw nya akong masaktan sa isasagot ni Ian.
Simula noon, itinigil ko na yung pantasya ko sa kanya. Kaya lang, putragis na puso to eh. Malat na malat na nga kakasigaw ng pangalan nya eh ayaw pang tumigil. Natatakot na nga ako eh. Na baka dumating yung araw na mapagod na yung puso ko sa lahat ng nararamdaman ko na baka maging dahilan kung bakit hindi na ako magmahal ulit.
"Kung tubig lang sana yang iniisip mo, kanina pa kami nalulunod dito. Ang lalim ha!"
Isa din tong si Carlo eh. Lakas lang maka-interrupt ng moment?
Yan naman si Gian Carlo Evangelista. Kakambal ni Ian at kaclose ko. Ang saklap no? Yung kakambal, kaclose pero mismong yung taong mahal, ayun, badum tss! Anlayo masyado.
"Tigilan mo nga ako, Carlo. Teka, asan si Anne?" Asan nagpunta yung bruhang yun, biglang nawala?
"Hanep ha! Magkarhyme yun, pansin mo? Pumunta sa CR kasi daw baka may makasalubong syang pogi mamaya."