-SIMULA-
*SOMEONE*
Hindi ko alam kung ano talaga yung tunay kong dahilan, kung bakit nahulog ang loob ko sa kaniya. Kung bakit ako nagkagusto sa isa kong guro, na tawagin na lang natin sa pangalang 'CLARA'. Mabait, masipag, mapagmalasakit, at isang mapagmahal na guro sa kaniyang estudyante. Ganoon ko siya ilarawan. Nakapagtataka nga lang, kasi guro ko siya noong nasa ika-pitong baitang palang ako. Sa totoo nga lang, parang wala naman talaga akong pakialam sa kaniya. Pero noong tumuntong ako sa ika-walong baitang at siya pa rin ang guro ko, doon na nag-umpisa ang lahat. Napalapit na ang aking loob sa kaniya. Gusto kong mapansin niya ako kaya nagpapapansin talaga ako, nalulungkot kapag hindi siya nakikita, at pinagmamasdan lang siya tuwing klase niya. Parati rin akong kinakabahan at bumibilis ang tibok ng aking puso kapag nakikita ko siya. Noong ako'y nasa ika-siyam na baitang naman, doon ko na napagtanto na totoo nga, totoo ngang gusto ko na siya. Na nahulog na ako sa kaniya. Kahit hindi na siya ang guro ko, nagkakaroon pa rin ako ng pagkakataong makita siya, ang bawat ngiti at pagtawa niya. Ang kagandahan niya, na siyang humalina sa akin. At ang taglay niyang kabutihang, parang palaso ni kupido na tumama sa aking puso, dahilan upang ako'y magkagusto sa isang binibining tulad niya. At noong tumuntong ako sa ika-sampung baitang, hindi man pinalad na maging gurong tagapayo ko siya, pero masaya na ako dahil guro ko ulit siya sa parehong asignatura. Mas lalong nahulog ang aking loob sa kaniya, sa palagay ko, hindi ko na siya gusto. Kasi mahal ko na siya. Sa loob ng tatlong taon, ngayon kaya ko nang sabihin sa sarili ko ang katagang, "Mahal ko si Ma'am 'CLARA'." Naging inspirasyon ko siya sa mga nagdaang panahon. Sa tuwing malungkot ako, siya lang ang lagi kong iniisip at sa isang iglap, bigla akong napapangiti. Humaharap ako sa salamin, at sinasambit ang mga salitang gusto kong sabihin sa kaniya sa personal. Sa buong taon ko sa ika-sampung baitang, mas pinagbutihan ko pa ang aking pag-aaral dahil sa kaniya. Gusto ko kahit kaunti, maging proud siya sa akin, kahit hindi ako isa sa pangkat na hawak niya. Kaya ginawa ko lahat ng makakaya ko, para mapansin niya ako sa mga mabubuting bagay na ginagawa ko. At gusto kong ipagmalaki na isa siya sa naging dahilan ko, kung bakit nakaakyat ako sa entablado, tumanggap hindi lamang ng sertipiko, kundi pati medalya dahil nagkamit ako ng with honors. Ngunit hindi pa doon nagtatapos ang kuwento. Binalak kong umamin sa kaniya, pero natakot ako noong una. Natakot ako sa sasabihin niya, ayaw kong malaman iyon. Pero dahil sa pagpupumilit ng ilan sa akin, nawala ang takot ko. Napagtanto ko na, mas maganda na ang umamin at masaktan, kaysa magpakabulag ako sa kasinungalingang walang katotohanan. Lumakas ang aking loob kaya nito lang April 17, 2019 (Wednesday) sa oras ng 10:01 P.M. nagpadala ako ng message sa Messenger App. Kinabahan pa rin ako noong mga oras na iyon sa kung ako ang sasabihin niya. Natakot ako bigla.
[A/N: Ito po ang totoong messages. Ngunit maingat ko pong ilalahad upang hindi makilala ang mga tauhan.]
YOU
:Ma'am, may sasabihin po sana ako.Nag-umpisa po kasi ito nung grade 8 pa po ako. Noong una, hindi ko pa po alam kung ano ang ibig-sabihin, but later on, mas nauunawaan ko na po yung nararamdaman ko. When I was in grade 9, doon ko na po nasasabi sa utak ko na oo nga, "MAY GUSTO NGA TALAGA AKO SA KANIYA" May paghanga at pagtingin sa isang babae. Habang tumatagal, lumalalim din po ang nararamdaman ko. Sa tuwing nagkikita po kami, masaya ako. Sa tuwing nakikita ko po yung ngiti at tawa niya, tila ba mas lalo po akong nahuhulog. Hanggang sa tumuntong ako sa ikasampung baitang, mas lalo pa pong nag-alab ang aking damdamin. Kung dati po ay parang normal lang, ngayon ay mas lalo ko pong naramdaman ang importansya niya. Hindi sa kung ano po ang pagkakakilala ko sa kaniya. Kundi sa kung ano po yung nararamdaman ko para sa kaniya. Almost 3 years ko na po siyang gusto, like parang itinuturing ko na po siyang mundo ko. At yung babaeng tinutukoy ko po ay si C, ikaw po ma'am 'CLARA'.
BINABASA MO ANG
She's my Teacher [COMPLETED]
Short StoryDESCRIPTION: "Sa ngayon, iyon muna ang ipagpapalagay ko. Pero kapag dumating ang tamang panahon, na bumalik ako, at ikaw pa rin ang gusto ko. Masasabi ko na talagang mahal kita." AUTHOR'S NOTE: Based on a true STORY... But not my EXPERIENCE... Lahat...