Thirty

33 2 0
                                    


Rey Evan Cadwell

"Pre pasa mo dito!" Sigaw ko kay Jenen. Pero binabantayan siya nina Coach Ramuel at Kirk.

"Oh! Ipasa mo 'yang bola kay Evan Jenen!" Sigaw ni Coach habang sinusubukan niyang butain si Jenen. Ganito ang extreme training namin, kalaban namin si Coach at talagang binabalyahan niya kami. Pero napasa naman sa'kin ng maayos ni Jenen at agad ko 'tong tinakbo papunta sa gilid ng court namin.

"Takbo Kirk! Bantayan mo si Evan! Bilis!" Sigaw ni Coach.

"Yes Coach!" Sagot agad pabalik ni Kirk. Kaya naging alerto agad ako sa pagtakbo ko. Dahil mabilis mang agaw ng bola 'tong si Kirk. Pero alam kong alam na niya ang tactics ko kaya binago ko agad ang plano ko. Hinintay ko munang mahabol ako ni Kirk bago pinagmasdan ko ang mga susunod na gagawin niya. Bago nag fake crossover ako sakanya and yeah baby, three point shot.

"Prrrrrt!" Pito ng Referee namin habang napalakpak. Kaya tumigil na kaming lahat pati na 'rin si Coach Ramuel sa paglalaro. Nakatingin siya sa'kin habang nakangiti kaya ngumiti 'rin ako sakanya pabalik.

"Great game guys! Great game!" Sabi ni Coach Ramuel samin. Kaya nag apir kaming lima pati na 'rin ang 2nd five namin.

"Thank you po Coach!" Sabay sabay naming sagot sakanya.

"Okay. Break muna tayo for about 1 hour. Then mamaya new game set ulit."

"Yes po Coach." Nagsipuntahan na kami sa bleachers para uminom at magpunas ng pawis.

"Pareng Evan ang galing mo kanina ah!" Pang aasar sa'kin ni Kirk. Habang umakbay naman sa'kin si Jenen at sina AJ at Marko naman ay nagtutulakan na parang ewan.

"Nasunod lang ako sa utos ni Coach." Nakangiti kong sagot sakanya.

"Wushu! Ang sabihin mo inspired ka lang." Pang-aasar naman sa'kin ni AJ.

"Oo nga! Yieeeee! Pumapag-ibig si Captain oh! Sana all!" Sabi naman ni Marko sa'kin.

"Tumigil nga kayong mga ulol kayo!" Sigaw ko sakanila. At nagtawanan nalang sila ng malakas. Nung nakapunta na kaming bleachers sabay sabay kaming umupo at kinuha ang kanya kanya naming mga towel.

"Grabe nakakapagod!" Sabi ni AJ. Nag-usap nanaman sila about sa mga nangyari sa loob ng court. Nakakatuwa lang ngayon dahil talagang nagiging ka-close na namin lahat ng basketball team. Lalo na ang 2nd five. Gumagaling na 'rin sila. Nakakatuwa lang ang achievements ng team namin. Sabay sabay kaming naakyat. At walang naiiwan sa baba.

"Hi boys!" Sabay kami lahat napatingin sa nagsalita.

"Mother Ping!" Sabay 'rin naming tugon sakanya pabalik. Natawa lang siya at napailing iling. Pero natigilan silang lahat nang pumasok sa loob ng court si Cloudinia.

"Whoaaaa! Hot chick pre!"

"Shit mga pre! Ang ganda niya!"

"Hi miss! Bago ka lang ba dito?"

"Anong pangalan mo Miss?"

"Pwede bang makipagkaibigan sa magandang binibini?" Napailing nalang ako sa mga kalokohan nilang pinagsasabi.

"Jusko boys! Tigil tigilan niyo 'tong alaga ko! Hindi 'to free, okay?" Sabi ni Mother Ping. Habang inaalalayan niyang maglakad si Cloud. As usual, nakangiti lang si Cloud habang nakatingin sa mga kasama ko.

I'm Crazy In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon