Chapter 1

26 0 0
                                    

ROSE's POV

Hi! Ako pala si Rose Garcia, simple maganda syempre at may ibubuga din naman sa klase. At andito ako ngayon sa isang convinience store nag t-trabaho. Well, it's a part time job because I also want to help my family gayundin ang pagbili ng mga gamit na gusto ko. 

Mag c-college na ako this coming June, aga ng pasukan diba? Kung bakit pa kasi hindi pa sumunod yung school ko sa utos na sa August na ang pasukan. 

"Rose, what time ka out ngayon? Kasi mauuna ako may gagawin lang ako bahay" Sabi ni Claire. Co -worker ko sa store. Actually nasa early 20's na sya pero nagka anak ng maaga kaya ayun hindi na nakapag tapos ng pag-aaral, pero still maganda parin buhay niya, swerte nga siya nakahanap sya ng lalaking responsable at madiskarte. 

"Sege Ate Claire, ako nalang muna bahala dito hintayin ko nalang yung papalit satin" tugon ko naman. 

Tapos ay isinandal ko ang ulo ko sa pader, pagod na ako gusto ko na umuwi. Umidlip ako ng konti ng marinig kong may pumasok at naghanda na akong e scan mga items na kukunin ng buting customer na ito.

5 minuto, 10 minuto hanggang sa mag 20 minuto hindi parin nagpupunta dito sa cashier area yung pumasok. Kaya ayun kinabahan ako, pumunta ako saglit sa staff room para e check kung may tao ba thru CCTV. Pero wala naman, hindi ko naman nakitang lumabas. Kaya tinawag ko guard ng store sa labas at tinanong if may pumasok ba?

"Ay Iha, wala akong napansin na may pumasok. Bakit naman?" sabi ng guard.

"Kasi po kuya Guard may narinig ko tumunog yung wind chimes ng store" sabi ko naman.

"Hehehe nako iha baka sa stress mo lang yan kaya nag iisap ka or may naririnig ka na ikaw lang ang nakakaramdam" sabi naman ni kuya guard.

Pero sure ako eh, may pumasok. 

Habang papasok ako sa changing room namin kinabahan ako. Well, hindi ko naman naisip na multo yung kasi hindi anman ako naniniwal sa mga ganun, pero ang nasa isip ko baka magnanakaw yun. At baka hindi lang pagnanakaw sa store ang gawin niya, baka makita ako at patayin. Naku jusko wag naman sana. 

At dali dali akong nag bihis at nag pa-alam sa pumalit samin at umalis.

Bago ako tumungo sa paradahan ng tricycle eh, naisipan kong bumili ng fried chicken para sa pamilya ko. Siguro hindi payun kumakain. 

"Ate pabili nga po ng 5 manok yung breast po na part ate ha" 

Gusto ko kasi yung breast na part kasi maraming laman. Pero habang naghihintay ako sa order ko di ko parin ma alis sa isip ko ang nangyari kanina. 

Matapos mabigay ni ate ang order ko ay sumakay na ako ng tricycle para umuwi.

"Oy Ma! andiyan na pala si Ate" sigaw ng kapatid ko.

"Oh, kumain na kayo bumili na ako ng fried chicken sa labas, alam ko favorite mo to" at hinawakan ko ulo niya. Hay ang lambot talaga ng buhok ng batang to. 

"Oy Rose, andiyan ka na pala halika na sumabay kana samin kumain, ano yan dala mo?" sabi ni nanay

"Ah nay fried chicken po naisipan ko po kasing bumili sa labas sakaling magkulang yung ulam natin" sabi ko sabay mano kay mama.

"Ganun ba sege ilagay mo na yan sa platito at ihain mo na dito pakatapos" utos ni nanay at tumungo na ako sa kusina.

Pagkatapos namin kumain at pumunta agad ako sa kwarto ko at humiga dahil sa pagod. Umidlip ako ng konti nang marinig kung tumunog ang phone. 

Unknown number ang tumawag.

"Hello" sabi ko

Pero wala akong narinig na response sa kabilang linya.

"Hmmm hello? hindi ako nakikipagbiru-an ha, pagod ako ngayon" sabi ko sabay end call. 

Kainis pagod na nga ako mang tri-trip pa! Ughh. 

After 5 minutes tumunog ulit phone ko pero this time it's a text. 

/Hi Rose/ 

Hindi ko alam kung bakit kinilabutan ako pagkabasa ko sa text. Galing kasi yun sa unknown number na tumawag sakin kanina. 

Shet, sino yun? Bakit parang kakaiba ang feeling ko. Something's not right. 

Soul SearchingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon