Kabanata 23

0 0 0
                                    

Totoo.
   

At... At ako pa talaga ang desperada ha?

  

Ako rin ba nananakit?!

  

"Bakit ba ang sama ng ugali niya?! " Pagmamaktol ko kay Conde. "Iyong kagwapuhan niya? PEKE 'YON! KAHIT PA KAAKIT-AKIT 'YONG LIPS NIYA, HINDI NAMAN MAGAGANDA ANG LUMALABAS SA BIBIG NIYA! MASYADONG MATABIL ANG DILA NIYA PAGDATING SA BABAE! AKALA MO'Y KUNG SINONG GWAPO! "

 

Bumuntong hininga ito.

 

Muling humarap na masama pa rin ang timpla. "GWAPONG-GWAPO SA SARILI PERO ANG SAMA NAMAN NG UGALI! " Galit. Galit na galit. "SA TINGIN NIYA BA'Y MAY MAGTYATYAGA SA UGALI NIYA?! WALA! WALANG MAGTATYAGA SA KANYA! GWAPO LANG SIYA KAYA SIYA NAGUSTUHAN PERO KAPAG NALAMAN NILA ANG TOTOONG SIYA, IYONG TOTOO N'YANG UGALI, WALA! WALANG MAGTYATYAGA! "

"Pero gwapo siya? " Singit ni Tyre sa amin.

  

Umupo ito't tumabi kay Conde.

  

Sinundan ang galaw nito't ngumisi lamang habang seryoso naman si Conde. Tumingin sa kaibigan at para bang may pag uusap sa kanilang kalagitnaan kahit pa walang salitang lumalabas.

"Pero gwapo siya? " Nang aasar kay Conde. "Iyong nilalait mo na pero may salitang gwapo na napasama? "

  

Natigilan ako't napaisip.

  

Oo nga 'no? I'm angry but why can I still be able to praise him?

  

Lumunok at saka pa lamang tumingin sa akin si Tyre. Umayos na rin ng upo si Conde at tumingin na rin sa akin. "Is it okay for you to see hurting your baby cousin? "

Tumango si Al. Kabaligtaran ng sagot. "Of course, not " Sinungaling.

Muling sumulyap sa kanya at muling nagkatinginan. Kahit ata magtitigan ang dalawang 'to maghapon, ako lamang itong nag iisip na magkaka-spark sa pagitan nila? Hindi sila gay pero minsan ay kinukutuban ako.

  

Lalo na kay Tyre, nasa sumpa pa naman naming mahumaling sa angkan nila.

  

"Alam nating pareho ang totoong ugali ni Al "

  

Supladong umiwas ng tingin si Conde.

  

Nagtaka ako sa malalim nitong pag iisip. Bumaling muli kay Tyre at gano'n din ito. Tila ako lamang ang walang kaedi-ediya sa tinutukoy na topiko.

Umupo sa harapan nila't sinagot na rin ni Conde ang bumabagabag sa isipan. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit maraming patay na patay kay Al kahit pa masama ang ugali niya? "

"Kasi gwapo siya! "

"Ayan na naman tayo " Singit muli ni Tyre.

Ngumuso ako sa katotohanang 'yon. Hindi ko napapansin na madalas ko s'yang laitin na may kasamang papuri. O kung hindi man, lalaitin man, hindi pa rin nawawala ang papuri. Kasi gusto ko siya. Siya 'yong itinatangi kong Sepe. Masama man ang ugali niya'y hindi ko pa rin dinidibdib 'yon. Kasi sa huli... Kakainin ko rin lahat ng sinabi ko. Gugustuhin ko pa rin siya kahit pa kaayawan niya ako.

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon