Jake's pov
Nagising ako dahil sa araw na tumatama sa aking muka,
Nang bumangon ako'y kaagad nahagip ng mga mata ko ang babaeng natutulog sa aking tabi,
Ang babaeng tinitibok ng aking puso
Si Diana.diana is his girlfriend for almost 2 years, at masasabi nyang mahal na mahal nya ito and he's not doubting her love for him.
Alam naman nyang mahal sya nito.
Alam nya sa sarili nyang eto ang gusto nyang makasama.Pinakatitigan nya ang magandang muka ng dalaga, ang matangos nitong ilong, ang malalantik na pilikmata at ang natural na mapula nitong labi.
He kissed her, and he can feel that diana is moving.She's awake! My baby's awake!
Unti unting bumukas ang magaganda nitong mga mata, gumuhit ang ngiti nito sa mga labi.
Aww so pretty."Good morning" sabi nito, hindi nya iyon natugon.
"Good morning" ulit nito.
Napakurap kurap sya bago tumugon dito" hey, good morning baby, anong gusto mong kainin?"
"Hmm" sagot nitong wari'y nag iisip, "ayokong kumain, gala nalang tayo" sagot nito.
" are you sure?" paninigurado nya,
"Yes i'm sure" then she smiled at him.
" okay, maligo kana iintayin nalang kita sa labas"
tango lang ang itinugon nito sakanya. Ginawaran nya muna ito ng halik sa mga labi bago sya lumabas ng kwarto nila.Alice pov
Kriiiingggggggg! Kriiiiingggggggg!
Nagising si Alice sa tunog ng kanyang alarm clock.
Goodmorning pretty! Today is your first day to work!
Sabi nya sa kanyang isip. Agad syang bumangon at naligo.
Ilang minuto ang nag daan natapos na din syang maligo dali dali syang nag bihis dala nadin ng excitement, dahil ito ang una nyang trabaho.Pag kababa nya sa sala ay agad nyang nakita ang kanyang ina,
"Ma, aalis na ho ako"
Nag angat ito ng tingin sa kanya " san ang punta mo?" tanong ng kanyang ina.
"Ma, ngayon ho kase ang-"
Binitin nya ang sasabihin kaya naman nag tatakang napatingin sakanya ang kanyang ina, iniintay nito ang sunod nya pang sasabihin
"-first day ko sa trabaho!" patili nyang sabi.'Ma, may trabaho napo ako!" tumalon talon sya sa sobrang tuwa.
Niyakap sya ng kanyang ina " galingan mo anak ha?"
"Yes naman po ma" sabi nya.
" o sya ma, alis na ho ako ayokong malate sa first day ko" humalik muna sya sa kanyang ina bago sya lumabas ng bahabahay at nag intay sa bumabyaheng jeep.
Ilang minuto na syang nag iintay ng jeep, pero wala pa ding dumadating. Meron pa naman syang isang oras at kalahati kaya napag pasyahan na lang nyang mag lakad.
Habang nag lalakad ay iniisip nya kung ano kayang mangyayari sa first day nya. Sana naman ay maayos sabi nya sa kanyang isip.
Pero habang papalapit ay kinakabahan sya, palakas ng palakas ang tibok ng puso nya dahil first time nya ito. Kaya ko to! Kaya ko to! Pag papalakas nya sa sarili nya. Kaya mo to Ali- "Ayyy anak ka ng-!" hindi nya naituloy ang sasabihin nya dahil may
"-gwapo"
mahinang sabi nya, dahil may gwapong lumabas sa sasakyan."Ms kung balak mong magpakamatay wag mo na kaming idamay" iritado nitong boses ang narinig nya
" ms nakikinig kaba!?" pasigaw na sabi nito sa kanya dahil nakatulala lang sya sa gwapo nitong muka.
"H-ha?" utal na tanong nya.
Napapantastikohang tumingin sakanya ang lalaki"are you for real?" iritado pa din nitong tanong.
"Ms muntikan kanang mamatay! Alam mo ba yun!? Galit na sigaw nito.
" bat kaba sigaw ng sigaw diyan ha!?" naiinis na sigaw nya rin.
"hindi ko naman alam na paharang harang kayo sa daan!" sigaw nya ulit dito.
" fuck! Alam mo ba kung anong sinasabi mo ms!?, kanina pa kami busina ng busina pero hindi ka tumatabi!" inis na sigaw nito.
"Ang aga aga kase nangangarap kana" bulong nito pero tama lang para marinig nya.
Gwapo nga, gago naman pwe!
"Hoy mister wag mokong masigaw sigawan dyan ha! Papalunok ko talaga sayo yang sasakyan mo nayan!" inis na sigaw nya nanaman."Punyetang buhay naman to oh!, late nako sa trabaho!" sigaw nya nanaman
" ms kung hindi ka kase patanga tanga edi sana okay tayo ngayon!" sigaw nanaman neto, napupuno na sya dito!
" hoy mister, wala kang karapatang sabihin sakin yan! Gago!"
nanggagalaiti nyang sabi. Kung kanina ay gwapong gwapo sya rito ngayon hindi na, ang pangit na nito sa paningin nya."Ms-" naputol ang sasabihin nito ng tawagin ito ng babae mula sa loob ng sasakyan
"baby, hayaan mo nayang-" tinitigan muna sya nito mula paa hanggang ulo "-hampas lupa nayan" nandidiri nitong sabi.
Aba'y gago to ah! Pag ito sinapak ko tulog tong panget na to.
Sa isip na nya lang sinabi dahil napapagod na syang makipag sigawan dito."Ms sa susunod wag kang paharang harang sa daan" inis paring sabi nito bago sya iwan at sumakay sa sasakyan, bago ito umalis ay binusinahan muna sya nito ng tatlong beses na ikinagulat nya
"ang hayop na lalaking yun talaga!" nang gagalaiting sigaw nya. "Malas!, unang araw ko pa naman ngayon! Arghh!" inis na sigaw nya bago nag patuloy sa pag lalakad. Pero habang nag lalakad isa lang ang nasa isip nya......
Papatayin ko yung hayop na lalaking yun!.NAIInis na pumasok si Jake sa opisina nya, hinatid nya muna si Diana bago sya dumeretso sa sariling kompanya.
Hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isip nya ang babaeng nakasagutan nya kani kanina lang.
Hindi mawala sa isip nya ang maganda nitong muka, ang maaamo nitong mga mata, ang may katangusan nitong ilong at ang mapupula nitong mga labi.
Ipinilig nya ang ulo ng pumasok sa isip nya ang imahe ng kanyang kasintahan.I love diana sabi nya sa sarili. Pilit nyang kinalimutan sa isip ang magandang babae at inumpisahan na nya ang pag tatrabaho.
Ilang oras din ang nag daan at paminsan minsan ay naaalala nanaman nya ito pero pilit nyang binabalewala yun.
Dahil hindi sya naniniwala sa love at first sight, at alam nya sa sarili nyang mahal na mahal nya si diana.
Eto lang ang babaeng nag papatibok sa puso nya, wala nang iba. Si diana pa nga rin ba? Tanong ng munting tinig sa isip nya.... Si diana pa nga rin ba? ......o sya na?
YOU ARE READING
she changed me
RomansaJake hates the word love and he hates the feeling of being inlove. isang beses na syang nasaktan at iniwan ng babae, kaya ipinangako nya sa sarili nya na gaganti sya, na ipaparamdam nya sa mga babae ang sakit na naramdaman nya. wala na syang pakiala...