Paalam Classmate
Wala nang linggo ang itatagal ng ating pagsasama.
Dahil mabibilang na natin sa mga daliri natin kung ilang araw nalang...
Tayo ay magpapaalam na.
Magpapaalam na sa saya. Ang mga nangyari sa Sampong buwan
Ay magiging isa nang ala-ala.
Ala-ala, na maaaring malimutan kapag tayo ay nagkalayo layo na.
Naaala nyo pa ba?
Nung sa unang markahan ay medyo nagkakahiyaan pa?
Pagdating ng Pangalawa, may maiisue nalang na may mag jowa na?
Sa Pangatlong markahan naman, diba sumusuko ka na? Bukang bibig mo na sana magbakasyon na?
Pagdating ng Pang-apat na markahan. Nagsisimula na ang pagdadramahan.Na si ganito si ganyan ay lilipat na next year sa ibang paaralan.Dumating na tayo sa sandali...
Kung saan ang ating silid aralan.
Na pinuno ng ingay at mga tawanan.
Na minsan pa ngang nabansagan na pinaka ma ingay na section sa buong paaralan.
Ang ating walang sawang kwentuhan,
Na itinuring mong pamilya at masasandalan.
Tuloy ang kasiyahan na hangga't merong mapapagtripan.
Ito ay magtatapos sa isang sandali na ginusto mo nung una ngunit pagdating ng araw na maghihiwalay hiwalay na.inaayawan mo na. Bakasyon...Eh naaalala mo pa ba? Nung tinago naten yung cellphone ni ano?
Yung tipo na kung saan saan sya nagtanong kung na kanino?
Tapos hihintayin natin na magluha at magsumbong sa ating guro?
Ei yung Bag ni ano? Na nilagyan natin ng bato?.Ang pinaka malupet Sa quiz time naten nagiging Group Study?
Ei yung 1 hour na nagiging 20 minutes 1st to 4th Monthly?
Assignment mo assignment nya?
Score ko score din nya?
Yung Sagot na kung saan saan napapadpad?
Tapos may isang papel na lumilipad.
Syempre di mawawala yung adviser naten na mabuti lang ang sa atin ay hinangad.
Mga kwento nya na kapupulutan ng aral
Lalo na kapag love, lahat tayo hindi makadaldal.
Pano kasi humahanga sa ibinibigay na halimbawa.
Tapos may biglang sisigaw na "Oooowww Tama".Diba ang saya? Itinuring mo na pamilya?
Pero dahil lang sa isang araw na magkakalayo layo na kayo.
Makakalimutan ka na nila?H'wag naman sana....
Kahit na sumapit ang araw na gusto nating makamit.
Magkalayo layo man tayo kahit na masakit.
Pumikit... Alalahanin ang lahat ng saya.
Ang mga problema na nalagpasan dahil sa tayo ay nagkakaisa.
Ang lahat ng tampo,ang lahat ng Oras na ipinaramdam sa iyo na mahalaga ka.
Hindi ka mag iisa may alaala ka na katulad ng sa kanya.
May alaala ako na katulad ng sa inyo.
Di ko makakalimutan na kayo ang naging classmate ko.Paalam sa inyo mga kaklase ko.
Salamat sa inyo.
Kahit na paglalayo layuin tayo ng mundo.
Kayo ay mananatili dito sa isip at puso ko.
BINABASA MO ANG
Paalam Classmate.
PoetryAng Classroom natin ang isa sa pinakamasaya sa lahat ng lugar.Nagdudulot sa atin ng kasiyahan pero sa isang sandali ay lilisanin ng dahil sa Pagtatapos.