Chapter 1

15 1 2
                                    

Unang araw ko sa klase. Kinakabahan ako. Pano kung maging loner ulit ako? Kailangan kong baguhin ang image ko.

By the way, my name is Ysavelle Athena Perez. But you can call me Ysa. 16 years old na ako. 1st year college na ako sa isang university. And gaya nga ng sabi ko kanina, first day ko at medyo kabado ako.

Nagmamadali akong pumunta sa building namin and hinanap ko na yung room namin. COB 16. Ito yung class ko. Nakakapagtaka nga lang kasi walang tao sa room. 7 am na ha? Oh well. Baka late lang sila.

Naghintay ako until may dumating na isang girl. She looks kind. She's wearing eyeglasses and she smiles bright at me.

Pagkakataon ko na to, magkaron ng kaibigan.

"Hi! Basic Finance?" masaya kong sinabi.

"Ah. Oo. Haha. Bat walang tao?" tanong niya sakin.

"Ewan ko nga eh. Kanina pa ako nandito. 30 mins na yung lumipas, ikaw pa lang dumating. Anong name mo?" pag-open ko ng topic sa kanya.

"Belle Sanchez. Ikaw?"

"Ysa Perez. BSA ka din?"

"Yeah. So classmates tayo sa major mamaya no?"

"Oo nga eh. Grabe. Ikaw pa lang una kong kilala. Kwentuhan muna tayo. Hanggang sa mag end yung class period." Sabi ko

"Hahahaha. Sige."

Mabilis kaming nagkasundo ni Belle. Mabait siya pero sa period na yun, napansin ko lang na ako yung palakwento. Ang dami kong nakwento sa kanya and feeling ko aliw na aliw siya sa kadaldalan ko. At least, konti konti magkakaron din ako ng mga friends.

Natapos ang class period and pumunta na kami sa next class namin. Hindi kami magkaklase so naghiwalay kami ng landas. Filipino 1. Yan ang next class ko. Hinanap ko yung room ko and buti na lang di ako naligaw sa paghahanap.

Natapos yung araw ko and ano nga ba? Si Belle pa rin lang ang naging kaibigan ko. May bukas pa naman eh. Kaya to. Hahaha. Think positive.

Umuwi na ako samin and ginawa yung daily routines ko and natulog na ako.

Picture of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon