Chapter 19

509 19 24
                                    

My small treat since I was still in my vacation.

Paninindigan

Hindi ako umalis sa tabi nila Mommy pagkabalik ko sa loob ng Hotel kung saan ang Birthday party ni ate Nics. Sumunod din naman pabalik sa akin si Grae pero hindi ko na siya magawang tingnan pa. Sinigurado kong hindi siya makakalapit sa akin kaya hindi na ako humiwalay pa sa gilid ni Mommy.

"Yash, c'mon.. join us here!" Yaya sa akin ni Darcy dahil nagkakasayahan na sila kasama ng iba ko pang mga pinsan. Hindi ko nalang siya sinagot at nanatiling naka-upo sa tabi ni Mommy.

Narinig ko pang nag-iinuman na daw ang mga pinsan kong lalaki. Gusto ko sanang tingnan kung kasama si Grae pero wala akong lakas ng loob na tumingin sa kanya.

Maaga akong umuwi kasama si Mommy kahit pinipigilan pa nila ako. Gusto ko mang sumama pa sa kanila pero mas pipiliin kong 'wag nalang. Mas kailangan sila ni Grae. Kung sasama pa ako do'n  pareho lang kaming mahihirapang pakisamahan ang isa't isa.

Pagkapasok ko ng aking kwarto ay muli nanamang nagbagsakan ang aking mga luha. Bumabalik sa isipan ko ang lahat ng nangyari kanina. Lahat ng sinabi ni Grae at ang ginawa kong desisyon. My chest suddenly skipped.
Alam kong hindi ko gusto ang ginawa kong desisyon pero iyon ang tama. I made the right decision to save him, to save our family yet it destroy not only my heart but also his.

Humarap ako sa salamin at tiningnan ang aking sarili. Pinunasan ko ng aking kamay ang pisngi kong basa ng sariling luha. Ibinaba ko ang zipper ng suot kong dress at tiningnan ang bakas ng operasyon ko sa aking dibdib.

Yash, I'm sorry to our parents pero Mahal kita and I can't stop it. I can't fucking stop it.

Muli akong napaluha nang bigla nanamang bumalik sa isipan ko ang mga sinabi ni Grae kanina.

Hinaplos ko ang bakas ng operasyon sa aking dibdib. This scar. I'm wandering how could he even like me despite that he have seen all my imperfections. Meron akong sakit at minsan na ring nagkaroon ng taning ang buhay ko, at alam kong puro paghihirap lang ang maidudulot ko sa mga taong nagmamahal sa akin.

Buong araw akong nag-kulong sa aking kwarto.
Natatakot akong lumabas at harapin si Grae. Natatakot akong buksan niya ulit ang tungkol sa bagay na iyon dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya.

"Princess, hindi ka pa kumakain ng tanghalian?" Ani mommy habang bitbit ang isang tray ng pagkain.

Inilapag niya iyon sa bedside table ko at umupo sa kama ko.

"Thank you my." Ngiting sagot ko.

"Why are you isolating here? You're not feeling well?" Nag-aalalang tanong ni Mommy at hinaplos ang pisngi ko.

Mabilis akong umiling.
"No, I'm okey my. Gusto ko lang po mag-pahinga." Sagot ko.

"Nagliligpit na nga pala ng mga gamit sina Marco at ang mga pinsan mo, baka bukas lilipat na sila sa bagong bahay nila sa Molo."

Natigilan ako sa sinabi ni Mommy. Bumangon ako at humarap sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot sa narinig. Kung lilipat sila ng bahay, madalang ko ng hindi makikita si Grae at mas madali sa akin ang iwasan siya, pero nalulungkot ako dahil hindi ko na sila palaging makakasama. Si ate Nics, Israel at maging si... Grae.

Nagpaalam na rin si Mommy sa akin dahil may lakad nanaman  sila ni daddy mamayang hapon at bukas pa sila ng umaga makaka-uwi. Kinain ko ang dinalang pagkain ni Mommy sa akin at muling bumalik sa pagkakahiga.

Hindi ko nagagawa ang payo ng doctor sa akin ngayong araw. Hindi pwedeng magpahinga lang ako buong araw dahil kailangan ko rin daw ng ehersisyo.

Napa-tayo ako nang bigla kong marinig ang malakas at sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng kwarto ko.

Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon