chapter2

45 8 1
                                    

INis na pumasok si Alice sa kompanyang pag tatrabahuhan nya.

Sumakay Sya sa elevator at pinindot ang nasa may pinaka taas na palapag kung saan naroon ang opisina ng magiging boss nya.

Ilang malalalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Alice habang nasa loob sya ng elevator. Panandaliang nawala ang inis na nararamdaman nya at napalitan iyon ng kaba.

Ilang minuto pa ang hinintay bago sya makarating sa pupuntahan nya.
Pinagpapawisan ang kanyang noo dala nadin ng kaba.

Whoa! Alice kaya mo to! Pag papalakas nya sa loob nya bago sya kumatok sa may pintuan at tsaka nya ito binuksan.

Nakatungo lang sya habang dahan dahang pumapasok, ayaw nyang makita ang nakakatakot na muka ngg boss nya.

"Ahm sir, ako ho yung bago nyong sec-"

"Secretary?" pag tatapos nito sa sasabihin nya.

Bumilis ang tibok ng puso nya ng marinig ang pamilyar nitong boses, dahan dahan syang nag angat ng tingin at hindi nga sya niloloko ng kanyang pandinig.

Sya nga! Inis na sabi nya sa isip.

Nginitian nya ito alam nya sa sarili nyang peke iyon.

"Hi sir, good morning po ako nga ho pala si Alice de leon bago nyo hong secretary"

Nakatitig lang ito sakanya, wari'y pinag aaralan nito ang muka nya.
Tumikhim ito bago nag salita.
"I'm jake walts, siguro naman kilala mo nako?"

tanong neto, agad naman syang tumango.

"And by the way, maaari ka nang mag umpisa" sabi neto.

Agad naman syang napairap sa hangin, tss kung hindi ko lang boss tong lalaki nato, kanina pato duguan dito.grr!.

"Opo boss" magalang na sabi nya.
Ayun nanaman yung titig nito sakanya, naiilang na nag baba sya ng tingin.

Maya maya lang ay narining nyang bumukas ang pintuan narinig nya ang napaka sakit na boses ng babae. Hmm sounds familiar.

And hindi nga sya nag kamali, pamilyar nga eto dahil eto yung babaeng nang maliit sakanya kanina!
Kala mo naman kagandahan muka namang clown lintek!

Dumako sakanya ang paningin nito, agad na nalukot ang muka ng babae.

"Good morning ma'am" magalang na bati nya dito tsaka nginitian ng pag katamis tamis na kulang nalang e langgamin yang babae.
Inirapan lang sya nito.

Agad na lumapit ang babae kay sir jake. Sir? Nakakainis!

"Hi baby, miss me?"

Nangaakit ang tanong nito.
Tumuon ang mata nya sa mga braso ng babae na nakapulupot sa leeg ng sir jake nya.

linta ba tong babae nato? Inosenteng tanong nya sa sarili nya.

"Yes baby, i miss you" malambing na tugon ng binata.

Sabay halik sa babae , agad naman syang napapikit.
Hindi ba alam ng dalawa nato ang salitang privacy? Tss!

"Baby, pwede mo bakong samahang mag shopping?" napakalandi ng pag kakatanong ng babae.

"Yes ofcourse baby" agad na tugon ng lalaki, habang naka plaster ang malawak nitong ngiti.
Bumaling sakanya ang boss nya.

"Alice, ikaw muna bahala dito,linisin mo tong opisina ko" nag uutos na sabi nito sakanya.

"H-ha?" utal na tanong nya.
Naningkit ang mata nito bago sumagot

" i said, linisin mo tong opisina ko, malinaw ba yun sayo?" inis na tanong nito. Dahil sa takot na baka mawalan sya ng trabaho agad syang tumango at ngumiti.

Saglit muna sya nitong tinitigan bago lumabas.

"Whoa!" pag hinga nya ng malalim, maya maya lang ay nag uumusok nanaman ang kanyang ilong.

"Ang lalaking yun talaga! Secretary ang ipinasok ko dito hindi janitres!gigil na sigaw nya.

Natigilan sya ng makita nya ang boss nyang naka silip sa pintuan
Agad nya tong nginitian kahit na napaka bilis na ng tibok ng puso nya dahil sa kaba.

"Ano ho yun boss?" magalang na tanong nya dito.
Tinitigan muna sya neto bago sumagot.

"Alice mag out kana pag dating ng 6pm" sabi nito tsaka tuluyang umalis
Agad naman nawala ang bigat sa dibdib nya,
kanina nya pa pala pinipigilan ang kanyang hininga.
He called me Alice? Bat parang ang sarap sa tenga? Tanong ng malandi nyang isip.

Napabuntong hininga si Alice tsaka pinaka titigan ang kabuuan ng opisina.

Akala ko pa naman masaya ang 1st day ko dito, sumpa pala ang ipinunta ko dito!

Nababagot na si Jake sa kakaintay sa kasintahan, kanina pa ito paikot ikot dahil sa dami nitong pinipili.
At alam nyang sya ang mag babayad ng lahat nang iyon, pero wala naman sakanyang problema yun.

Habang iniintay nyang matapos si Diana, bigla nalang pumasok sa isip nya ang kanyang sekretarya.

Naalala nya ang muka nito habang hinahalikan nya ang kasintahan nya, halata sa mata nito ang disgusto sa tanawing nakikita. At bago sya umalis kanina ay alam nyang galit na galit ito sakanya
Pero ang mas lalong hindi nya makalimutan ay bakit may nararamdaman syang kakaiba.

Bakit may nararamdaman sya kay Alice na hindi nya nararamdaman kay Diana?

Pero pilit nyang inaalis iyon sa sistema nya, dahil alam nyang kalokohan lang iyon.

Dahil alam nya kung anong ibig sabihin non, hindi sya ipinanganak kahapon para hindi yun malaman.

Pero bakit? Bakit nya yun nararamdaman? Sigurado sya na mahal nya si Diana kaya dapat ay hindi sya nagkakaganito.

Kailangan kong pigilan to, simpleng atraksyon lang to. Pangungumbinsi nya sakanyang sarili.

"Baby!" sigaw na tawag sakanya ng kasintahan, ng makita nya ito ay hinanap nya yung pakiramdam na dapat ay dito nya lang nararamdaman, pero wala syang maramdaman.

Wala.

Napapikit nalang sya, dahil mali ito, maling mali. Hindi ito maaari .

she changed meWhere stories live. Discover now