KAI POV
"My Amnesia? Ayoko," matipid kong sagot.
"Eh pano yan pas, request daw ng reyna eh," sabi ni Roel.
Wala akong pakialam kahit sino pang reyna yan. Wala ako sa mood. Muli kong pinag-aralan ang piyesa ng tutugtugin namin sa weekend. Andito kami ulit sa practice room.
"Sino ba yang reyna na yan?" tanong ni Dreads aka Favs. "Maganda ba?"
"Mataray," sagot ni Budds.
"Hahaha," tawa naman si Zach.
"Sexy?" tanong ulit ni Favs.
"Maarte," comment ni Budds.
Tawa ulit si Zach.
"Maputi?" Favs.
Bakit ba andito na naman tong kulot na to? Gusto daw niyang sumama sa jam namin sa weekend sa San Fernando eh.
"Retarded," banat pa rin ni Budds.
"Bwahhahaha," bentang-benta naman kay Zach.
"Pwede ba magpractice na tayo," naiirita kong sabi. Nasasayang ang oras sa kalokohan ng mga 'to eh.
"Okay, mula umpisa?" tanong ni Budds.
"G!" sabi ko.
Hinintay namin si Roel na magbilang pero hindi siya kumikilos.
"Roel's meat products, ano pang hinihintay mo?"
Nagsimula siyang magbilang but he stopped halfway. Anong problema nito?
"Si Miss PS daw yung ka-face off niya."
Miss PS? Bigla na lang lumukso ang puso ko.
"Miss PS?" tanong ni Dreads. "Aaaah.. si Wren?"
"Siya nga pre," sagot agad ni Budds. "Malamang si Piyaya ang naghamon. Ayaw talagang patalo ng reyna."
"Sino ba yang reyna na yan?" tanong ulit ni Favs.
Inexplain naman ni Budds kung sino ba si Pia. Habang nag-uusap sila, siya namang lipad ng utak ko. Tangna! Gusto ko ulit siyang marinig kumanta. Hindi ko siya napanood ng live nung recital dahil dumating bigla si Ginger.
Teka, what was her favorite song again? Hindi ko yata alam. Looking back, I never dared to ask her kasi naiirita ako at ayokong malaman. But the the hell, it doesn't matter dahil memorized ko naman buong album ng My Amnesia.
Agad kong iniwan yung mga mokong. Nagulat na lang sila at narinig kong tinatawag ako ni Budds.
"Baby Kai!!! Pastor!? Hala nagalit na, gulo mo kasi Pabio!"
"Teka bakit ako?" dinig kong reklamo ng huli.
Habang naglalakad ako sa hallway, hindi inaasahang nakasalubong ko si Wren. Pinaglalaruan yata kami ng tadhana.
Pagkakita niya sa akin, agad naman siyang tumalikod. Aba! Balak pa yatang tumakas ah. Damn! I remember, she said she hated guys like me!
BINABASA MO ANG
My Amnesia Band: Two Worlds Season II
Romance"Basta bandista, heart-breaker! Chickboy! Manloloko! Hindi dapat pagkatiwalaan! Hinding-hindi na ako maiinlove sa isang drummer!" Meet Wren Micayla Reyes - a first year art student and musician wannabe. Gusto niya sa music, pero ayaw sa kanya ng mus...