Hae Min's POV
"Wag po kayo mag-alala, magpapakasal na po kami ni Hae Min."
Ano daw?!!
Kakaloka tong boyfriend ko, bigla-bigla nalang nagsasabi ng ganun.
"Sese...?" mahinang tanong ko dito, may halong pagkabigla.
Nagtaas baba ito ng kilay sakin na animo'y sinesenyasan akong makisakay nalang sa sinabi niya.
"What is he talking about?! Is this true?! Nagde-desisyon ka ng basta-basta?!" galit na wika ni mama.
"Oh, akala ko ba umayos tayo in public? Bakit nakasigaw ka ma?" nakangiting sabi ko.
"Sagutin mo ang tanong ko Hae Min!"
"Yes, we are getting married. Kaya ayokong sumama sayo sa Europe. Hindi na ako bata, I'm old enough to make decisions for myself. Dapat noon ka nagkaganyan nung may pagkakataon ka. Pero mas pinili niyo ni papa na iwan kami ni unnie at bumuo ng kanya-kanya niyong pamilya." pagpunto ko kay mama.
"Kahit pa! Hindi biro yang pinaplano niyo! Ni hindi nga namin kilala yang lalake na yan! I'm telling you right now Hae Min, kapag tinuloy mo yang kabaliwan mo, sisiguraduhin kong tatanggalin kita sa family registry!" sigaw ni mama nang nakaturo sa mukha ko.
"Go ahead and do it, ma. Ano nga ba silbi ng family registry sakin na hindi naman naramdaman na may pamilya pala ako? You can't change my mind! Never!" huling sinabi ko sa kanila sabay talikod at dire-diretsong pumasok sa kwarto.
Anong akala ni mama?
Basta ko nalang iiwan lahat dito sa Seoul?
No way!!
_________________________
Sehun's POVNaiwan ang mama at ate ni Hae Min nang nakanganga pagkawalk out nito sa kanila.
Saglit silang natigil, ngunit nang tatalikod narin ako para sundan si Min-Min sa loob ng kwarto, bigla akong hinila sa braso ng mama nito.
"Iho, pwede ba tayo mag-usap?" mahinahong paanyaya ng mama ni Min-Min sakin.
Bakas ang lungkot sa mga mata nito kaya naman napatango nalang ako at sinundan ito sa upuang nasa pasilyo ng ospital.
Hindi sumama ang ate ni Min-Min, bagkus pumasok ito sa kwarto ni Min-Min.
"Pasensya ka na kanina samin. Ayoko naman talaga makipagtalo sa anak ko lalo pa't ganyan ang sitwasyon niya ngayon." panimula nito.
"A-ayos l-lang p-po..." mautal-utal kong sagot.
"Alam mo yan si Hae Min, bata palang, napaka-strong na ng personality niyan. Sumasagot talaga siya lalo na kung alam niyang may pinaglalaban siya. Pero ganunpaman, napakalambing na bata ni Hae Min. Mas malapit siya sakin kumpara sa papa nito. But things started to change, mula nang magkahiwalay kami ng papa niya. Nang magdivorce kami ng papa nila, dun ko na napabayaan silang magkapatid."
"Lalo nang magka-asawa akong muli at nanirahan na kami sa Europe. Mas pinili ni Hae Min magtungo sa New York upang dun mag-aral. Ang ate naman niya, nagstay dito sa Seoul."
Hindi ko alam bakit kinukwento ito ng mama ni Min-Min. Is she trying to point out something to me?
"Pero kahit malayo sila, palagi ko pa rin dinarasal na sana.. sana dumating ang panahon na makapiling ko silang magkapatid muli."
Humarap ito sakin sabay tumingin na animo'y nakikiusap.
"I know I've been rude to you awhile ago, but I hope you understand how I feel about you and my daughter planning to get married. Huwag mo naman sana ilayo ang anak ko sakin na hindi naaayos ang relasyon naming mag-ina. You saw how she was to me. Ayokong magkapamilya siya ng sarili na hindi manlang kami in good terms."
Parang natutunugan ko na ang susunod nitong sasabihin ah...
"Please... Huwag niyo ituloy ang kasal... At please, hayaan mong isama ko si Hae Min sa Europe.. It will be good for her. Mas matitignan siya ng mga espesyalista doon. Hindi naman permanente na magstay siya. Just up until she's well enough at naayos na ang relasyon naming mag-iina..." pakiusap nito sakin habang hawak ang mga kamay ko.
Heck!
Bakit ganito?
Bakit yan pa ang hihilingin sakin ng mama ni Min-Min?
Bakit yung bagay pa na magpapalayo saming dalawa?
Ano ba gagawin ko, juskoooo!
"Umm.. Wala po akong maipapangako sainyo.. Gaya nga ng sabi niyo, strong ang personality ni Hae Min. Alam niya kung ano ang gusto at ayaw niya." sinserong sagot ko.
"Just try to convince her please. Kapag pumayag siya na sumama sa Europe muna, hahayaan ko na ang plano niyo magpakasal once bumalik na siya dito sa Seoul. I will wholeheartedly accept you in our family." nakangiting aniya.
That is, kung hindi ako hiwalayan ni Min-Min kapag pinush ko siya sumama dito.
Huminga ako ng malalim bago tumugon,
"Sige po, susubukan ko po kumbinsihin ang anak niyo. Pero sana, kung ano man maging huling desisyon ni Hae Min, respetuhin nalang po natin."
Kuminang ang mga mata ng mama ni Min-Min at tumayo.
"Maraming salamat, iho. Aasahan kong gagawin mo ang lahat para makumbinsi ang anak ko." nakangiting sambit nito.
Bahala na...
Sana tama tong gagawin ko..
Para naman 'to saming dalawa ni Min-Min..
Isa pa, gusto ko rin maging maayos na sila ng mama at ate niya..
_____________________________
Hae Min's POV"Bakit ka pa pumasok dito hah? Iuwi mo na nga si mama sa Europe! Nananahimik ako dito, tapos ganyan bungad niyo sakin!" mataas ang tono kong sinita si Heidi.
"Oi Hae Min, yang pananalita mo sakin sumosobra na hah. Wala ka manlang respeto, unnie mo ako." inis na sabi nito at dumiretso sa sofa habang ako naman, naupo sa kama.
"Respect begets respect, unnie. Kung gusto mong respetuhin kita, matuto ka rin respetuhin ako. Simple lang di ba?" ngisi ko.
"Whatever, sis." bored na tugon nito sabay kalikot ng phone niya.
"Teka, asan na ba sila mama at Sese?"
"Sese? You mean, your boyfriend a.k.a fiancé? Ayun, nagha-heart to heart talk sila ni mama."
"What??!!" napalakas na sambit ko.
"Aren't you curious kung ano sasabihin ng wicked mother natin sa lovey-dovey mo? At ano naman kaya mga isasagot ng boyfie mo kay mama? Magustuhan kaya ni mama mga sagot niya? Hahaha!" panunudyo ni Heidi.
"I'm not curious at all. And I'm sure, alam na ni Sese kung ano isasagot niya." kumpyansang tugon ko.
Pero sa totoo lang... Ano ba pinaguusapan nila???
Hindi kaya, kinukumbinsi ni Sese si mama sa gusto niyang magpakasal kami???
Tsaka totoo kaya yung sinabi ni Sese o palabas lang yun sa kanila???
But wait...
Did he just proposed to me infront of my mom???
_______________________________
A/N:Hi Guys! It's been 2 months ata since last ako nakapag-update..
And I want to say sorry for the hang up.. 😔
May kailangan kasi tutukan si author na work last summer..
But now, ok na ulit ang sched ko to write and update regularly.. ☺️
Salamat po sa mga nakasubaybay pa rin sa story na ito and patiently waiting for my update ❤️love you guys! 💋
BINABASA MO ANG
EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>
FanfictionA/N: This story contains matured languages and scenes not suitable for very young readers. Though It's not too much and I censored some words. Please don't copy any content of my story as PLAGIARISM IS A CRIME. Also might I suggest if you read first...