Chosen
Mga pagkakataon na kailangang pumili sa pagitan ng Mahal ko o Mahal ako.Ilang oras na kaming nagbiyabiyahe nang tumigil ang bus sa gasoline station para magstop over. Bumaba na rin ako since kanina ko pa gusto magCR.
"Cassy! Kamusta?!" sigaw ni Maya na parang hindi kami magkachat kagabi at nagkita kanina.
"Ayun, hindi naka busangot ang mukha ko tulad ni Andee."
"Siyempre katabi mo 'yung labs mo. Ako nga gusto ko na magpalipat ng upuan eh," inis na sabi ni Andee.
"Sus ang pabebe mo talaga." Ako naman ang nabatukan ngayon.
Lumabas na kami ng CR at naka salubong namin si Lau sa may Mini Stop. "Uy pang blackmail oh," pang-asar niya habang kinakaway ang phone na may picture namin ni Keith kanina.
"Lau! Idelete mo 'yan!" pagalit na tinig ko. Tawang-tawa naman sila Andee at nacurious sa picture.
"Lau, paki send nga sakin 'yan, magamit din pang blackmail," request ni Maya habang nagpipigil ng tawa.
"Laurence kasi! Akin na 'yang phone mo! Idelete mo na kasi," tawa naman ng tawa 'tong lalaking 'to kasi 'di ko maabot yung phone sa kamay niya. Siya 'yung isa sa mga kaclose kong lalaki kaya ginaganyan ganyan na lang ako niyan.
"Aray sakit mo talaga humampas!"
"Hoy! Tama na harutan at nilalanggam," sigaw ng kaklase namin, napalingon ako at nakita na sila Keith at Alexia pala 'yung tinutukoy niya. Hindi naman ganyan 'yung mga ngiti niya kanina, ewan ko ba kung bakit may kumirot.
Ayokong maging bad mood ngayon kaya umalis na lang ako at naglakad papunta sa chips section. 'Di ko na lang din pinansin si Lau.
"Maya, nasend ko na sayo."
Bigla naman siyang sumulpot sa tabi ko, "Uy sorry na, libre na lang kita ng fried chicken," Nakakainis alam kasi nito 'yung pampahumpa ng galit ko eh, "At 'wag ka na rin maging ampalaya."
"Hindi ako bitter," sabay irap ko sa kanya. Inintay niya ako pumili ng mga chips at crackers bago kami pumila sa may counter.
Since 'di ako natanggi sa grasya ay tinanggap ko rin 'yung offer niya. Hindi ko na lang iisipin 'yung nangyari samin kanina ni Keith. Matapos niya ubusin 'yung binake ko, maglalandian lang sila ni Lexi huhu.
"Uy two pieces chicken yung gusto ko with coke."
"Ang aga aga tapos coke?" I glared at him, "Eh 'di mamaya iinumin."
Naka sabay namin sila Maya sa counter na may dalang sobrang daming chips. "Sa'n mo pa 'yan ialalagay?"
"Eh mamaya ubos nanaman 'to, wrapper na lang kaya nakarating sakin kanina!"
"Infairness cute niyo dito," singit naman ni Andee habang tinitignan 'yung picture na sinend kay Maya. Ang bilis talaga ng teknolohiya, nasend agad kay Andee.
Hindi ko namalayang tapos nang magbayad si Lau kasi inabot na ang paperbag sakin at chill na lumabas ng Mini Stop. Mamaya na lang ako magpapasalamat.
"Ang sweet naman nilibre siya," asar ni Maya.
"Infairness bagay talaga kayo," sabi ni Andee. Nung sumilip ako sa phone ay iba pala 'yung tinitignan niya, picture namin ni Laurence mula sa kanina. Hindi ko na pinadelete sa kanya since wala namang malisya sakin 'yun.

BINABASA MO ANG
Now or Never (The Unspoken Truth)
RomanceLove. One word, four letters, yet it has a lot of meaning. Love can make you happy, but love can be a source of sadness. Love. I always feel it when I see you, I can feel it when I'm with you. Hurt. One word, four letters, yet it has a lot of mean...