Chapter 3: Message from the Past

413 79 363
                                    

Nana's image above
--**--

Chapter III: Message from the Past

Bella's POV

"So in order to find 'x' we need to use this formula... "

Wala pa nga sigurong kensi minutos mula nang dumating ako rito galing sa principal's office pero tulad nila nabagot na rin kaagad ako sa pakikinig sa aming guro.

Malamig pa rin ang hangin kahit magtatanghaling tapat na. Tahimik rin ang buong klase, hindi dahil nakikinig sila kundi dahil natutulog ang marami sa kanila.

Sino ba naman ang hindi antukin sa mga nakakadugong ilong na mga lessons ni ma'am Pennington. Isama mo pa ang malamig na hangin na pumapasok sa classroom na tila ba nang-aakit sayo na matulog.

Nasa kalagitnaan ng pagtuturo si ma'am Pennington nang tumunog ang speaker ng school.

All student proceed to the gymnasium
All student proceed to the gymnasium

"Okay class, since may gagawin kayo sa gym putulin muna natin itong lesson." Nagsigisingan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni ma'am. 'Yon lang pala ang magpagising sa kanila eh.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa narinig. Sa wakas hindi ko na kailangan pang makinig sa nakakarinding caculations n'ya.

Binalik ko ang librong kasalukuyan kong binabasa sa bag at sumunod sa mga classmates ko na mabilis ring nagsilabasan.

Maayos na nakapila ang lahat at tamad na tamad naman akong dumugtong sa kanila.

"Hey, doon ka nga sa gitna. Feeling mo naman ang tangkad tangkad mo." Isang boses ang sumaway sa akin mula sa likuran ko. Lumingon ako at sumalubong sa akin ang mga nagtataasang mga kilay ni Katrina.

Maliban kay Tracy, isa rin si Katrina sa mga pabidang estudyante ng school na ito.

Speaking of Tracy, napansin kong hindi yata sya pumasok. Baka siguro maga ang mukha no'n.

I silently smiled.

Hindi ko pinansin ang pagsasaway sa akin ni Katrina at nanatili lang ako sa linya ko. Wala na syang nagawa pa dahil nakita nya naman siguro ang nangyari kahapon kay Tracy diba? Kung ayaw nyang sumunod kay Tracy pwes tigilan nya ako.

Napansin ko ring hindi rin pala pumasok si Vee ngayon. She's acting strangely yesterday. I wonder what's bothering her.

Nang makarating sa gym ay maayos kaming pinaupo ng mga facilitator, at ang malas ko naman dahil katabi ko si Katrina. Great, just great.

Sa kabila ng lamig ng panahon, hindi pa rin iyon naging sapat upang pawiin ang init na namumuo sa loob ng gymnasium.

Ilang minuto na rin ang lumipas pero hindi pa rin nila sinisimulan ang programa.

Abalang-abala ang lahat sa harapan sa pag-aayos ng court para sa gagawing programa.

Bakit kasi di na nila inayos kaagad bago pa sila nagpatawag? Ang init init pa naman dito sa loob.

"Sorry for the inconvenience everyone. I hope everyone would be patient enough to wait." Isang babaeng naka-CAT uniform ang nagsalita sa harapan.

Napuno ang buong gym ng mga ungol at reklamo.

Nagsalita ang school principal sa harap dahil sa mga inasal ng mga estydyante. "Come on students para namang ikakamatay nyo ang maghintay. Nakayanan nyo ngang maghintay sa mga jowa nyo ng ilang buwan para lang sagutin kayo pero ito hindi nyo kaya? "

After Past (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon