Tawa ng tawa si Sarah habang kumakain sila ni Gerald. Kinukwento niya kasi dito ang kanyang first impression sa binata.
"Oo.. grabe ka! bakit ang yabang yabang ng dating mo nun ha?' tumatawang anang dalaga.
"Eh paano naman kasi para kang AK-47 walang tigil sa kakadada!" natatawa ring tugon ng binata.
"Hay naku... eh ganun talaga ako masanay ka na noh!" pabirong irap ni Sarah. "Anyway, bakit bigla bigla naisip mong magchange image? eh nung nakaraang araw sabi mo lang sa amin ni Myka eh WHATEVER!" ginaya pa ni Sarah ang pagkakasabi ni Gerald nun.
"Can you keep a secret?" tanong nito.
"Oo naman!"
"At hindi mo ako pagtatawanan??" paniniguro nito.
"Hindi nga po.. sige na ano yun?' pamimilit ng dalaga.
Huminga muna ng malalim si Gerald bago nagsalita.
"There's this girl that i really like. College pa lang ako talagang gusto ko na siya.. but she's out of my league, and i think may iba siyang gusto."
Tila nadissapoint si Sarah ng marinig na may babae pala itong natitipuhan.
"Siya ba yung babaeng nasa picture frame at saka sa magazine?" tanong ni Sarah.
"Siya nga. Her name is Megan. She's a famous model, nung nagpunta ako sa party nung isang gabi eh nagkaroon ako ng chance na makipagusap sa kanya."
"So what happened? Kinausap ka ba niya ng maayos?"
"At first it was ok.. but then.. dumating itong karibal ko at nabaling na yung atensiyon niya dun. kaya ayun..." seryosong kwento ng binata.
Saglit na hindi nakaimik si Sarah. Parang di niya kasi kayang sabihin o gawin ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon.
"Oh well... ibang Gege ka na ngayon. Im sure magugustuhan niya ang new you!" iwinagayway pa ni Sarah ang kanyang dalawang kamay sa tapat ni Ge na animo nagshoshowcase ng papremyo sa isang game show.
"Gege? Bago yun ah.. ikaw lang ang tumawag sa akin nun.' natatawang wika ng binata.
"Oh bakit? maganda naman ang Gege ah.. cute pakinggan!" nakangiting tugon ni Sarah.
'Ok. whatever you want Sasa!" panggagaya nito sa kanya na ikinatawa ng dalaga.
Gabi na ng makauwi sila. tahimik na ang buong kabahayan at ang lahat yata ay nasa kani-kanila ng kwarto at nagpapahinga. Papunta na sana si Sarah sa kanyang silid ngunit napahinto siya ng tawagin siya ni Gerald.
"Sasa..." hindi niya alam kung imagination niya lang ba yun o talagang malambing siyang tinawag ng binata. Nilingon niya ito.
"Uhm baket?'
"Thankyou..." tugon nito.
"Asus! bukas ka na magthankyou! Gusto ko gwapong gwapo ka paglabas mo ng kwarto mo ha!" nakangiting wika ng dalaga.
'Hmm.. i don't know bout that.' napapakamot sa batok na anito.
"Hwag ka ngang ganyan! Kailangan confident ka! Papano ka magugustuhan ni Megan niyan kung wala kang bilib sa sarili mo?? ayyyyy.... mali mali... babawiin ko yun! Sobra ka nga palang bilib sa sarili mo."
"Ikaw ha... inuumpisahan mo na naman ako." napapangiting wika ni Gerald. "Matulog ka na nga! Puyat ka ng puyat ayan tuloy mas malaki na yung eyebags mo kesa sa mata mo!"
BINABASA MO ANG
ASHRALD FANFIC PRESENTS; KUNG AKO NA LANG SANA
Fiksi RemajaNang pumanaw ang Lola ni Sarah ay nagdesisyon ang kanyang ina na paluwasin na siya ng Maynila at doon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Ang hindi alam ng dalaga ay nakatakdang mag-krus ang landas nila ni Gerald, Isa sa mga anak ng amo ng kanyang...