Please Love Me Back(One Shot)

73 5 5
                                    

VENICE'S POV

May boyfriend ako. Sobrang mahal na mahal na mahal ko sya na parang di ko na sya kayang pakawalan. Yung tipo na gusto ko lagi lang syang nasa tabi ko. Pero ewan ko ba pero hindi ko maramdaman na mahal rin nya ako? Hahaha. Nakakatawa diba? Ewan ko ba pero nakatagal kami ng 1 year? Shet diba? Nakakatanga lang. Alam ko namang may minahal sya bago ako. Ang gusto ko lang naman ay mahalin nya ako pabalik. Yun lang.

"Hoy Girl! Ano? Magpapakatanga ka pa rin ba sa kanya? Ano? Tanga-tangahan na ba ang laro nyo?" nandito kami sa kanila. Wala kwentuhan lang.

"Ano ba best! Wag ka ngang ganyan magsalita. Ang hard mo masyado alam mo yun?"

"Alam ko. Ano ba naman Venice! Naiinis ako sa ugali mo dahil patuloy pa rin ang pagpapakatanga mo dyan sa lalaking yan! Tsk."

"Best alam mo namang mahal na mahal ko sya eh. Di ko sya kayang mawala." malungkot na sabi ko.

"Bakit? Parehas ba kayo ng nararamdaman ha? Hindi naman eh! Ni hindi ka nga ata minahal nun. Oo sige sabihin na nating minahal ka nya nung UNA. Oo nung UNA lang. Alam mo yun? Parang naging past time ka lang ata nun eh." Galit na sabi nya sakin.

"Best! Chill ka nga lang. Tsaka matututunan nya rin akong mahalin. Wag ka ngang HB dyan."

"Sino bang hindi maha-high blood dyan sa ugali mo ha? Grabe! Wala na akong masabi sayo. Best! Hindi natututunan yan, NARARAMDAMAN yan!" sinasabi nya yan habang tinuturo nya ako. Naku po!

*riiiiiiing* *riiiiiiing*

Calling....

Jared❤

Agad ko itong sinagot.

"Hello?"

(Nandito ako sa labas ng condo mo. Nasaan ka ba? Kanina pa ako katok ng katok.)

"Ah-eh. Na-nandito ako sa bahay nina Katelyn."

(Ano? Kanina ka pa ba dyan? Anaknang! Pinaghintay mo lang ako sa wala. Ge susunduin kita dyan. Hintayin mo ko.)

"Ahh. Oo si--"

*tooot* tooot*

Haaay nako. Lagi na lang nya akong pinapatayan ng tawag. Pasalamat sya mahal ko sya. Okay. Siguro nga TANGA na ang maitatawag sakin dahil sa kakaasa sa kanya. Pero kasi di ko mapigilan yung pagmamahal ko sa kanya. Nakailang break na ba kami sa loob ng isang taon na yun? Siguro anim? Sya yung laging nakikipagbreak pero ako naman ang nakikipag balikan. Ewan ko pero napayag naman sya.

Minsan nga nakita namin sya ni Katelyn na may kasamang babae. Hindi lang ito ang una naming nakita sya na may kasamang babae. Siguro pangatlo na to. Pero inintindi ko na lang sya. Sabi ko na lang sa sarili ko na, KAIBIGAN nya lang yun at hindi KA-IBIGAN. Pero itong si Katelyn? Naku po. Naging machine gun ang kanyang bibig hanggang sa pag uwi namin sa condo ko. Minsan nga nakakabibingi na sya. Yung tipong gusto ko syang sigawan ng "PWEDE BA KAHIT ISANG MINUTO LANG TUMAHIMIK KA?" pero hinayaan ko na lang sya.

Sinundo ako ni Jared. Akala ko nga magd-date kami pero hindi pala. Inuwi nya lang ako sa condo ko at umalis na sya. Pinigilan ko pa nga syang umuwi eh pero may pupuntahan pa raw sya. Itatanong ko sana kung saan pero umalis na sya. Ni wala man lang goodbye kiss kahit sa cheeks lang. Napangiti tuloy ako ng mapait. Kailan kaya ako mapapagod na mahalin ka? Kailan mo kaya mar-realize na mahal mo rin ako? Minsan kasi naiinis na ako na ako lang yung nagmamahal dito sa relasyon na to.

****

Isang linggo. Oo, isang linggo na syang hindi nagpaparamdam. Ni "Ha", ni "Ho" eh wala man lang akong narinig mula sa kanya. Ganito na lang ba palagi ang role ko sa mundong to? Ang maghintay sa mahal nya na di naman kayang suklian ang pagmamahal mo? Maya-maya ay may nag-vibrate sa bulsa ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Please Love Me Back (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon