My Demon [Ch. 19]
Pinaalalahanan muna ako ni Kyle bago sila umalis na "Kuya" na daw ang itawag ko sakanya at "Ate" naman ang kay Stacie. Wag na rin daw akong mag-opo sakanila kasi apat na taon lang naman daw ang tanda nya sa'kin at tatlo naman ang kay Stacie.
Hinanap ko si Demon sa loob ng Timezone. Nakita ko syang naglalaro ng basketball.
"Shoot! Ang galing mo talaga!" And yeah, nasa tabi na naman nya si Babae na chini-cheer sya ng lubos. Close ba sila?
Hahakbang na sana ako para puntahan sya kaso may mga dumaan sa harapan ko kaya hindi ako nakakilos. Matapos nilang dumaan, pagtingin ko kung nasaan si Demon, wala na sya.
Ang bilis naman mawala nun. Tumingin-tingin ako sa paligid. Di ko sya makita. Naglakad na ko at tumingin-tingin sa mga arcades hanggang sa makuha ng couple ang atensyon ko. Malapit lang sila sa kinatatayuan ko.
Mukhang half-Filipino half-Korean si lalake at sobrang gwapo nya! Kyah! Para syang sikat na artista na tignan mo palang, nakakakilig na. Si girl naman, hindi maganda. Kasi sobrang ganda nya! OMG. Ngayon lang ata ako nagka-idol sa larangan ng couples. Naka-cross arms pa si Ganda at mukhang nagtatampo-tampuhan. Eto namang si Pogi, inaamo at nilalambing.
Haluh, ang kyut talaga nila!
"Louise ko," pagtawag ni Pogi. Kyah! Kung anong kina-gwapo ng mukha nya, ganun na ganun din ang boses nya.
Humawak ako sa parehong strap ng backpack at kinilig-kilig. Magkaroon ka ba naman ng ganyan ka-gwapong boyfriend at malambing, hindi ka pa ba swerte?
"Wala. Tulog. Umalis," sagot naman ni Ganda. Nakatalikod sya kay Pogi kaya hindi nito nakita ang pasimpleng ngiti sa labi nya. Kunyare pang nagtatampo eno? Hehe. Pero ang ganda nya talaga. Yung tipong hindi nakakasawang titigan.
"Meron ka ba? Ang init ng ulo mo eh. Okay lang, Louise ko. Naiintindihan ko."
Napahagikgik ako sa sumunod na sinabi ni Pogi. Naka-grin pa sya habang sinasabi nya ang mga salitang iyon. Tinignan ko si Ganda. Halatang nabigla sya sa sinabi ni Pogi. At nang umikot sya para harapin si Pogi, agad na inalis ni Pogi ang nakakalokong ngiti sa labi nya. Hihi. Ang kyut talaga nilang panoorin.
Nanlaki ang mga mata ko ng sapakin nya sa braso si Pogi. "Kainis ka!" sabi pa nya.
Hindi naman umaray si Pogi, tumawa pa ito. "Edi tumingin ka din sa'kin."
He sent her a sweet smile. Wala ni isa ang nagsasalita sakanila, nagtititigan lang sila. Yung titig na may halong love. Aww! Kitang-kita ko sa mga mata ni Pogi kung gaano sya ka-inlab sa babaeng kaharap nya ngayon. Hindi ko man makita si Ganda dahil nakatalikod sya saakin, alam kong ganun din sya.
Kung makakapasok ako sa isang relationship, gusto ko katulad ng sakanila. Tinginan at ngitian palang, damang-dama na ang love na namamagitan sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
My Demon (When Childish Meets Badboy)
Novela JuvenilThey were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to make everything upside down? Does miracle could make this "MISMATCH" a "PERFECT MATCH"? Maybe not...