Chapter 2: Stealing Glances

38 2 4
                                    

Tapos na ang klase namin,

syempre what do you expect, maaga talaga natatapos ang klase pag first day of classes, nasa public school ata kami, take note, PUBLIC SCHOOL.

 Syempre, di mapigilan umabsent ng ibang mga teacher at estudyante kasi hangover pa rin at ‘di pa nakarecover sa Summer Vacation.

 Paminsan-minsan kasi, ang daya ng oras.

Matumal ang pagtakbo kapag na-bored kana at bigla namang bumibilis pag nag-eenjoy ka. Kaya nga Time is really ironic.

Pababa na kami ng hagdanan.

Nang biglang nadatnan ko si Lovely.

Dati ko siyang kaklase sa 2ndyear, at medyo close rin kami.

Nagkalabuan lang ang friendship namin ni Lovely dahil din sa isang kaklase namin noon na parang inuubos lahat ng kaklase niyang babae at ginagawa niyang syota. Napaikot niya rin kami kaya’t nagkaroon kami ng ‘di pagkakaintindihan ni Lovely noon.

“Oy Pam! Kamusta kana?”

“Oy Lovely, okay lang naman ako. Ikaw?

Sorry nga pala sa nangyari sa atin noon.

Malay ko ba na pinag’disketahan din pala kayo ni Dana ni Josef.”

“Ano ka ba, ayos lang yun. Di rin naman natin kasalanan yun eh.

Pareho lang tayo nasaktan. Past is past na Pam!

Ang drama natin oh.”

“Thank you Lovely ha? Pinagaan mo loob ko.

Teka nga, anong section mo?

Sayang ‘di tayo nagka-klase.”

“ Section 9 ako.

‘Di ko kasi alam san kayo matatagpuan nung enrollment eh.

Pero ayos lang, magkikita at magkikita rin naman tayo.

Nasa iisa lang tayong campus Pam.”

‘Di ko namalayan na iniwan na pala ako ng mga kasama ko habang nakikipag-usap ako kay Lovely.

Bad Trip naman oh. Saan ko sila hahanapin ngayon?

“Ah, Lovely. Masaya ako’t nagkausap tayo kaya lang ‘di ko napansin na naiwan na pala ako ng mga kasama ko.

Baka hinihintay na nila ako sa gate.

Mauna na ako ha? Salamat ulit! :)

“Sige Pam! Mag-ingat ka.”

Iniwan ko na si Lovely at lumingon-lingon,

Ngunit ‘di ko talaga sila nakita.

Itetext ko na lang si Dana.

Si Dana yung bestfriend ko since last year.

Since last year lang kami nagkakilala at naging magkaklase.

Isa rin siya sa mga na-biktima ng unggoy na si Josef.

Si Dana ay maputi, pareho lang kami ng height,

Sobrang mahinhin, maputi at masasabi ko ring may

hitsura siya dahil sa kadami-daming lalaki na nagkakandarapa sa kanya.

Anonymously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon