CHAPTER 8

9.4K 159 0
                                    

DUDE, where exactly are you?”

Basta na lang ibinagsak ni Enad ang kanyang katawan sa malambot na kama niya saka tiningala ang ilaw na animo bilog na bilog na buwan.

“I already told you. Nasa Tarlac ako.” Sagot niya sa pinsang si Judd. Ilang araw na rin siya nitong tinatawag-tawagan upang alamin kung nasaan na siya at kung bakit hindi siya umuuwi sa malaking bahay ng mga ito sa Corinthians.

“Okay. So, nasa Tarlac ka. Saan eksakto sa Tarlac?”

Nilingon niya ang labas ng bintana niya. Nagdidilim pa lang pero ang silid na katapat ng sa kanya ay animo inabandona na dahil wala ni isang ilaw na makikita maliban sa kakapiranggot na liwanag na nagmumula sa isang sulok niyon.

Awtomatikong gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Kagabi, pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Cavri sa secret attic ng apartment niya ay hindi pa uli niya ito nakikita. Nagsabi ito sa kanyang babawi ng tulog dahil sa ilang araw nitong pagpupuyat. Pinakain pa muna niya ito ng isang special vegetable dish upang mas madaling makabawi ito.

Napangiti siya.

“Somewhere in San Sebastian Village.”

“What, that one near the College of the Holy Spirit?”

“Yup.” Dinampot niya ang unan saka ipinatong roon ang kanyang mga paa. “Bakit ka nga pala napatawag? Aside from asking my whereabouts again, that is.”

“My Mom’s been asking a lot about you. Alam mo naman si Mama. Kailangan, laging updated sa lahat ng bagay.”

He chuckled. “Pagbigyan mo na. Alam mo namang nagsisisi siya na ikaw at hindi ako ang naging anak niya.”

“Gago!” Napahalakhak na lang siya. “Anyway, kailan mo naman balak na umuwi naman dito?”

Nagkibit-balikat siya. “I don’t know. Nag-e-enjoy na ako sa pananatili ko rito.”

“Well, siguro naman, pwede mong i-postpone kahit isang araw lang ang pag-e-enjoy mo.”

Kumunot ang kanyang noo. “Why? What’s happening?”

“Hulaan mo.”

“John Ulysses.”

“Oh, okay, fine!” Tumikhim ito sa kabilang linya saka bumulong. “Lance and Mina are getting married.”

“What?” Para siyang tinarakan ng isang-libong boltahe ng kuryente nang bigla siyang mapatayo. Naisuklay niya sa buhok ang mga daliri saka nagpalakad-lakad sa silid. “What do you mean they’re getting married? Kababalik lang ni Mina from Japan. And she was gone for eight years!”

“Dude, we all know the real story behind their past. Alam nating hindi naman sila dapat na nagkahiwalay noong una pa lang dahil obvious na obvious naman na sila ang itinadhana para sa isa’t-isa.”

Pinakiramdaman niya ang sarili. Naroon pa rin ang pamilyar na kirot sa kanyang puso sa kaalamang nagkabalikan na sina Lance at Mina. May kirot pa rin ngunit hindi na iyon kasing-sakit ng dati. He could actually feel a little happiness for two of the most important people in his life.

“Dude, are you still there? Enad?” untag ni Judd sa kabilang linya.

“Yeah.” Bumubuntong-hiningang sagot niya. “So, when is the wedding date?”

“Wala pang nababanggit si Lance. But, we have to be at their pre-engagement party. Kabilin-bilinan ni Lance na ‘wag kang hahayaang mawala dahil ikaw ang gagawin nilang bestman.”

“Okay. I’ll be there.” Aniya bago pinutol ang linya.

Bumalik siya sa pagkakaupo sa kama. Naguguluhan siya sa nararamdaman niya. Hindi niya tiyak kung nasasaktan siya dahil may nararamdaman pa siya kay Mina o, hindi lang makapag-move on ang isang bahagi ng pagkatao niya dahil hindi niya binigyan ang sarili ng pagkakataong masabi dito ang nararamdaman niya.

He sighed.

Somehow, at the back of his mind, he knew things were going to end up this way. He wanted things to end up this way. Ayaw lamang talaga iyong tanggapin ng isip niya noon.

Mariing ipinikit niya ang mga mata saka ibinagsak ang celphone sa tabi niya. Mahigpit na dinakma niya ang sariling dibdib. Nang mga sandaling iyon ay isa bagay lang ang hiling niya; ang mabigyan ng isang malinaw na sagot ang lahat ng tanong na gumugulo sa isip at puso niya.

God, help me get through with this. Piping dasal niya habang mariing nakapikit ang mga mata.

Patuloy siya sa taimtim na pagdarasal bago niya dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata. Gano’n na lang ang gulat niya nang kasabay ng pagmulat niya ay biglang nagliwanag ang silid na katapat ng sa kanya.

He first saw a silhouette standing up from the bed not too far from the window itself. Nang tuluyan na niyang makita ang may-ari ng pigura ay unti-unting napalis ang munitng bahid ng sakit na nararamdaman niya.

Pakiramdam niya ay dininig kaagad ng Diyos ang panalangin niya.

Napalingon ito sa gawi niya nang hawiin nito ang kurtina.
Awtomatikong tumayo siya saka tinungo ang veranda.
Pinakiramdaman niya ang sarili nang tuluyan nang makarating roon. Naroon pa rin ang bahid ng sakit sa nalaman niya ngunit unti-unti na iyong natatabunan ngayon ng isang kakaibang damdamin na nararamdaman lamang niya kapag nasa paligid si Cavri.

He smiled.

Funny how he could smile like that gayong kani-kanina lang ay naguguluhan ang isip niya sa mga emosyong nagsasalimbayan sa puso niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang gumanti ito ng ngiti. Napahawak siya sa dibdib niya. Mukhang hindi na niya kakailanganin pang kumonsulta sa espesyalista para lang mabigyang kahulugan ang kakaibang damdaming pumupuno sa pagkatao niya sa piling nito.

Dahil aminin man niya o hindi, alam niyang iisa lang ang ibig sabihin ng lahat ng nararamdaman niya sa tuwing makikita o maaalala man lang ito—he was beginning to fall in-love with her.

Cavalry

Right there and there ay nakapag-desisyon na siya. He had to put things in his past to an official end.

SINABI ko na sa iyo, ‘wag ka na munang masyadong nagpupuyat at hindi pa naman gaanong nakakabawi ang katawan mo.”

Awtomatikong gumuhit ang isang matamis na ngiti sa mga labi ni Cavri nang marinig ang tinig ni Enad mula sa kabilang linya. Sinipat niya ang oras sa ibaba ng monitor niya.

“Eh, ikaw, bakit kaya gising ka pa? Pasado alas-dos na po ng umaga, doc.”

Narinig niya ang paghikab nito sa kabilang linya. “I just woke up to check on you. Kitang-kita mula rito ang liwanag galing sa laptop mo.”

“Hmmm.”

“Don’t ‘hmmm’ me. It’s late. Mamaya mo na ituloy iyang isinusulat mo.” Malambing ngunit tila nag-uutos na wika nito.

“Hindi pwede. Mabilis ang daloy ng mga ideyas. Sayang ang mga iyon kapag nawala.”

“Cavalry.”

“Please? Kahit isang chapter na lang?” Saglit na natahimik ito sa kabilang linya bago siya nakarinig ng mga kaluskos. “You still there?”

“Look out your window.”

“Why?”

“Basta.”

Napapangiting lumapit siya sa bintana saka iyon binuksan. Hayun na nga ito sa veranda ng silid nito at nakapamaywang habang naniningkit ang sinkit nitong mga mata sa pag-aninag sa kanya.

“Good morning, doc.” Nakangiting bati niya rito saka ito kinawayan.

“Hindi ba talaga pwedeng mamayang umaga mo na lang gawin iyan? Hindi sa pinakikialaman ko ang trabaho mo, pero, at least hayaan mo man lang makabawi ang katawan mo.” Mahabang litanya nito.

Hindi niya mapigilang kiligin. Wala pa silang pormal na usapan tungkol sa namamagitan sa kanila. Basta ang maliwanag lang sa kanila ay may unuwaan sila na sila lamang ang nakakaalam. Hindi sana gano’n ang inaasahan niya pero ayos na rin sa kanya. Ang mahalaga ay alam niyang kahit paano ay espesyal din siya para rito.

Ngumiti siya. “Okay. Isang chapter na lang.”

Nakita niyang nagkamot ito sa noo bago niya narinig ang buntong-hininga nito. “Fine. But, you’ll have to talk to me habang nagsusulat ka.”

“What?”

“You know, your aunt’s right. You should really drop that ‘what’ habit of yours.” Napasimangot siya. He chuckled. “Go. I’ll stay here and wait for you to finish.”

“Pumasok ka na lang. Lalamukin ka lang diyan.”

“Kaya nga bilisan mo na po. Dahil hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nasisigurong matutulog ka na.”

“Hey, that’s not fair!”

“What is?”

“You’re blackmailing me.” Napanguso siya.

“Of course not. Sinasabi ko lang naman sa iyong dito lang ako sa labas, hihintayin kang matapos ang isang chapter mo habang pinapapak ako ng lamok.”

Nang tingnan niya ito ay ngumisi ito. Inirapan niya ito. “Matutulog na ako. Mamaya na lang ako magta-trabaho.” Sumusukong wika niya. Narinig niya ang impit na tawa nito sa kabilang linya. “Asar ka. Sige na, matulog ka na nga.”

“Good night, Cavri. Dream of me.”

Napapaililing na papatayin na sana niya ang celphone nang muli niyang marinig ang tinig nito.

“May gagawin ka ba bukas?” tanong nito.

“Wala naman. Bakit?”

Hindi ito sumagot kaya napilitan siyang silipin uli ito. Naroon pa rin ito sa veranda ngunit nakatalikod na ito sa kanya.

“Say, would you come with me tomorrow night?”

Kumabog ang dibdib niya. Iyon na ba ang hinihintay niya? “S-saan?”

“It’s—it’s my bestfriend’s pre-engagement party.”

Eng! “S-saan?” aniyang pilit itinatago ang disappointment.

“They said they were doing it at our old school, sa SAU.”

Sandaling nag-alinlangan siya bago humugot ng malalim na hininga. “Hindi ba ako ma-a-out of place doon?”

“Of course not. Hahayaan ko ba namang mangyari iyon?” paniniguro nito.

“Okay.”

“Really?”

“Oo sabi.” Natatawang wika niya. “O, siya, matulog na tayo. Baka hindi ka na kumpleto ‘pag alis mo diyan sa veranda.”

He chuckled. “Goodnight, Cavri.”

“Good night.”

Nilingon niya ito nang maputol ang linya. Naroon pa rin ito sa veranda at nakasandal sa railing. Hindi niya alam kung bakit ngunit bigla na lamang siya nakaramdam ng kaba sa puso niya. Na para bang may mangyayaring hindi maganda.
Marahang ipinilig niya ang ulo saka tinungo ang kama niya.
Antok lang iyan, Cavalry. Antok lang iyan...

HINDI mapuknat ang ngiti ni Cavri habang nakaharap siya sa salamin. Makailang ulit na niyang sinipat ang sarili upang tiyaking presentable naman siyang tingnan kapag humarap na siya sa mga kaibigan ni Enad.

She was fussing over her bangs again nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid at sumungaw ang kanyang ina.

“Nandiyan na ang sundo mo.” Itinulak nito ang pinto pabukas saka diretsong naupo sa swivel chair sa harap ng computer table niya. “You look happy.” Puna ng mama niya.

Hindi niya itinago ang ngiting gumuhit sa mga labi niya. “I am, ‘Ma. I am.”

“Hindi ako magtatanong kung anong relasyon mayroon kayo. Pero, paalala lang ang sa akin, ha? Take things slowly, Cavri. Hindi naman nadadaan sa pagmamadali ang lahat.”

“Hindi ka galit, ‘Ma?”

“Bakit naman ako magagalit. Malaki ka na. Alam kong matalino ka kaya hindi ka gagawa ng isang bagay na pagsisisihan mo.”

Maang na napatingin siya rito. Nginitian lamang siya nito na para bang alam na alam nito ang tumatakbo sa isip niya nang mga sandlaing iyon. “Alam ko kung gaano mo pinaghirapang patunayan ang sarili mo, Cavalry. Ina mo ako kaya alam ko, nararamdaman ko ang lahat ng nararamdaman mo.”

Nag-init ang dibdib niya kasabay ng kanyang mga mata. “Ikinakahiya mo pa ba ako, ‘Ma? Kayo ni papa?”

Puno ng pang-unawang tumayo ito at lumapit sa kanya. Hinaplos nito ang pisngi niya habang nanunubig ang kanyang mga mata. “Hindi ka namin ikinahiya ng papa mo kahit minsan. Wala kaming ikinahiya kahit na sino sa inyo. Kung may naipakita man kaming negatibong reaksiyon sa iyo noon, hindi iyon dahil nahihiya kami para sa iyo kundi dahil nanghihinayang kami sa maaaring marating mo kung ipinagpatuloy mo ang mga pangarap ng Tita Gammy mo para sa iyo.

“Pero nang makita namin ang pagsusumikap mong patunayan ang sarili mo, ang pagmamahal at dedikasyong ipinakita mo sa naging desisyon mo, natanggap na naming ikaw at ikaw lang ang makakapagpasya kung aling daan ang tatahakin mo. And we’re more than proud of what you’ve achieved, anak. We’re very proud of the person you’ve become.”

Tuluyan ng nagpatakan ang kanyang mga luha nang mahigpit na yumakap siya rito. She felt her heart swell with so much happiness she never thought she could feel again.

“I’m sorry, ‘Ma. ‘Sorry kung hindi ko man natupad ang mga pangarap niyo ni Papa para sa akin.”

Umiling ito saka masuyong pinahid ang mga luhang naglandas sa pisngi niya. “Natupad mo na, Cavri. Matagal na.” nakangiting hinaplos nito ang buhok niya. “Ang tanging pangarap lang namin para sa iyo ay ang makita kang lumaki na isang malakas at responsableng tao dahil hindi habang-buhay na nandito kami ng Papa mo. Na matuto kang tanggapin at mahalin ang mga desisyong ginagawa mo sa buhay mo. And you did, baby. That and more.”

“’Ma…”

Sandaling tinitigan muna siya nito bago pinisil ang magkabilang pisngi niya. “O siya, naghihintay na ang prince charming mo sa ibaba. Sisilipin lang naman dapat kita pero, heto’t nakapag-drama pa tayong dalawa.”

Sabay pa silang natawa nang tuyuin nito ng palad ang kanyang mga mata bago sinipat ang ayos niya.

Kumunot ang noo nito. “Sigurado ka bang engagement party ang pupuntahan ninyo? Baka naman magde-date lang kayo?”

Natawa siya. “’Ma, kasasabi mo lang na may tiwala ka sa akin.”

“Oo nga. Naniniguro lang ako.”
Tumatawang niyakap lang uli niya ito. Hindi naman niya ito masisisi dahil mas mukha nga naman siyang magmo-mall lang kaysa a-attend ng isang pre-engagement party.

She was wearing a silk floral blouse, skinny jeans and a pair of doll shoes na nahalungkat pa niya sa baul niya nang nagdaang gabi. Sinabihan kasi siya ni Enad na casual lamang ang isuot niya dahil informal gathering lang naman daw talaga iyon ng mga malalapit na kaibigan ng mga ito.

Magka-akbay na tinungo nila ang pinto. Pagbaba nila ay naabutan nila ang Papa niyang nanunood ng sports habang masayang ka-kuwentuhan si Enad. Nilingon sila ng mga ito nang tumikhim ang mama niya.

Nagtama ang mga mata nila. “Ang aga mo pa rin, doc.” Biro niya.

Sinipat nito ang suot na wrist watch. “Better late than sorry.” Nakangiting wika nito bago lumapit sa kanya. “You look great, by the way.” Bulong nito.

Sandaling nagpaalam pa ito sa mama niya habang tinambakan naman ito ng bilin ng papa niya bago sila nakalabas. They were on their way out of their village nang huminto ito sa paglalakad at titigan siya.

“What?” natatawang tanong niya nang kumunot ang noo nito.

“You look… different.”

“Dahil mukha akong tao ngayon?” she chuckled.

“No. Something is different about you today. Did I… miss anything?”

Natatawang ikinawit lang niya ang kamay sa braso nito nang pasingkitin pa nito ang singkit nang mga mata saka siya matamang pinagmasdan. Mukhang hindi nga niya maikakaila ang sayang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.

Bakit hindi?

She was with the man she loves. Maging ang pader na nakapagitan sa kanila ng mga magulang niya ay nabuwag na. Ano pa ba naman ang mahihiling niya?

Cavalry's Knight (as published by PHR - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon