CHAPTER 9

9.4K 158 0
                                    

RELAX.”

Marahang pinisil ni Enad ang kamay ni Cavri nang maramdaman ang panlalamig niyon. Nang lingunin niya ito ay namumutla na nga ito habang naglalakad sila sa maluwang na entryway ng SAU.

“Sigurado ka bang okay lang itong suot ko?” hindi mapakaling tanong niya. “Baka naman hindi ako papasukin ng mga kaibigan mo.”

Natatawang umiling lang ito saka siya hinila sa pathway. “Hindi naman nangangain ng tao ang mga kaibigan ko. Mukha lang silang mga tarantado pero ang totoo, medyo tarantado lang sila.”

Nag-a-alangang tiningala niya ito. “Are you sure it’s really okay for me to be here?”

Sa halip na sagutin siya ay sinapo nito ang mukha niya saka siya masuyong tinitigan sa mata. She could see flicker of different emotions in his eyes as he gazed down at her.

“Look, I brought you here with me because I want you to meet the people who have been a part of my life. Naipakilala mo na ang sarili mo. I think it’s only fair that I let you see my other side, too.”

Dinampian nito ng masuyong halik ang mga labi niya. Unti-unting kumalma ang puso niya nang maramdaman ang pamilyar na init na nagmumula sa mga labi at palad nito.

“Let’s go?” anito nang muling gagapin ang kamay niya.

Ilang minuto rin silang naglakad bago niya natanaw ang pamilyar na mga buildings na naroon. Minsan lang siya nakapasok sa unibersidad na iyon noong college siya pero namangha talaga siya sa ganda ng ambiance at amenities na naroon.

Nagtaka siya nang igiya siya nito sa business and accountancy building ngunit hindi na siya nagtanong pa. Umakyat sila sa ika-apat na palapag patungo sa nakabukas na AVR room.

Humigpit ang kapit niya sa kamay nito nang makapasok sila at salubungin ng malakas na tugtog na nagmumula sa speaker na naroon.

“Enad, my boy! At last, nagpakita ka na rin.” Bati ng isang matangkad at morenong lalaki kay Enad. Pa-simpleng itinago niya ang sarili sa likuran ni Enad nang literal na yumuko ang ito sa kanya. “Oh, I see. You brought a girl with you.”

“Leave Cavri alone, Kirk.” Kinawayan nito ang lalaking tahimik na nakatayo sa isang tabi. “Steven.” He acknowledged. Itinaas ng lalaki ang iniinom nito bilang pagbati.

“Dude!”

Muntik na siyang mapatili nang mula sa kung saan ay sunggaban ng cute na cute na tsinito si Enad. Mabilis na pumiksi naman ang binata. “Judd, you’re gross!”

“Gross ka diyan.” Nakasimangot na binato nito ng hawak na tissue ang binata. “Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinahanap ni Lance.”

“Well, we—“

“Did I just hear my name?”

Sabay-sabay na naglingunan ang mga kalalakihan sa gawing likuran niya nang marinig ang nagsalita. Nagtatakang sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ng mga ito.

A tall, gorgeous guy was standing just outside the door holding out two bottles of champagne and a pair of glass. Kasunod nito ang isang babaeng hindi pa niya mapagdesisyunan kung maganda o hindi.

Hindi niya maintindihan kung bakit ngunit bigla siyang nakaramdam ng inis nang makita ito. The girl was wearing a pair of cargo pants, white spaghetti-strapped shirt na pinatungan ng isa pang itim na shirt na gano’n din ang style, at itim na sneakers. Nakalugay lang din ang maiksing buhok nito. Wala itong ibang accessory sa katawan maliban sa isang itim na relo at…

Engagement ring?

Dagling napalingon siya kay Enad nang humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Blangko ang mukha nito habang nakatingin sa dalawang bagong dating. Partikular na sa babaeng ka-akbay na ng matangkad na lalaki.

“I thought you were gonna ditch my pre-engagement party.” Bati nito nang makalapit. “Long time no, see, dude.” Ngumiti lang si Enad bago ito binigyan ng bear hug. “Of course, you remember my fiancée, Mina.”

“Hello po.”

Hindi nakaligtas sa kanya ang pagdaan ng sakit at lungkot sa mga mata nito bago ngumiti. “Hello, Mina.” Anito bago binitiwan ang kamay niya.

Nilukob ng kakaibang sakit ang puso niya habang pinagmamasdan ang pagyakap at paghalik nito sa pisngi ng babaeng tinawag nitong Mina. Alam niyang walang basehan ngunit nakaramdam siya ng paninibugho at selos sa paraan ng pagkakatingin ni Enad dito.

Nagbaba siya ng tingin. Pilit niyang iniiiwas ang tingin sa mga ito nang may biglang tumabi sa kanya. Napa-atras siya nang makitang malapit na malapit ang mukha ng tsinitong sumunggab kanina kay Enad sa mukha niya. Mataman na mataman ang pagkakatitig nito sa kanya bago biglang ngumiti.

“And who, may I ask, is this pretty lady?” nakangiting tanong nito sa kanya.

Bago pa man siya makasagot ay mabilis na nahatak na siya ni Enad sa tabi nito. He possessively put his arms around her shoulders and pulled her closer.

“Guys, I want you all to meet Cavalry Samaniego. Cavri, these are the jerks in my life. Steven, Judd, Kirk, the groom-to-be Lance and of course, his lovely fiancée, Mina. Don’t let them get too close to you. Baka magka-rabies ka.” Nakangiting wika nito.

Wala na ang bakas ng mga emosyong nakita niya kanina sa mga mata nito. He was smiling and holding her so close na para bang walang nangyari. Talaga bang nakita niya ang mga iyon o guni-guni lamang niya?

Sandaling nagkatinginan ang mga naunang ipinakilala nito bago siya isa-isang binati ng mga ito. Pilit niyang inignora ang mga bumabagabag sa kanya. She composed herself and put up a smile. Her Mom was right. She should take things slow.

GUSTO mo?”
Nilingon ni Cavri ang nagsalita. Mina was holding two sticks of hotdog. Ibinigay nito sa kanya ang isa bago naupo sa tabi niya.

“Ang gulo nila, ‘no?” anito habang nakatanaw sa gawing harap ng AVR kung saan kasalukuyang nagkakagulo ang limang lalaki. Pinag-a-agawan ng mga ito ang Magic Sing na naroon.

“Oo nga. Para silang mga bata.” Sagot niya.

Hindi niya alam kung bakit ngunit naiilang siya rito. Pakiramdam niya ay may kung ano sa pagkatao nito na ayaw tanggapin ng isang bahagi ng isip niya.

“So, gaano na kayo katagal ni Enad?” tanong nito.

Hindi siya sigurado kung kinakausap siya nito dahil sila lang ang babaeng naroon o dahil talagang ayaw lang nitong makigulo sa fiancé at mga kabigan nito.

Alanganing ngumiti siya saka nagbaba ng tingin. “We’re not really—you know, together.”

“You’re not?” tila takang-takang kumunot ang noo nito.

Umiling siya. “Tenant lang namin siya sa apartment namin.”

Hindi niya napigilang mailang ng husto nang matamang titigan siya nito. She had eyes that demanded authority and attention. Gustuhin man niyang mag-excuse at lumayo ay hindi niya magawa dahil sa mga mata nito.

Ngayong nakikita niya ito ng malapitan ay saka lang niya napagtantong maganda ito. She had that rare kind of beauty na hindi nakakasawang pagmasdan at mas lalong nakaka-attract habang tumatagal na tinitingnan.

Sabay silang napalingon sa mga kalalakihan nang sabay-sabay na mapasigaw ang mga ito.

“You broke it!”

“I did not. You did.”

“Bakit ako? Si Kirk kaya.”

“Lance was the one holding it.”

“Judd took it!”

Maging siya ay hindi napigilang mapangiti nang mag-rumble ang mga ito. Tatawa-tawang tumayo si Mina sa tabi niya saka hinatak ang nobyo mula sa mga nagkakagulong magkakaibigan.

“’Wag na nga kayong mag-wrestling diyan. May dala naman akong extra.” Puno ng pagmamahal na binalingan nito si Lance. “Kukunin ko lang sa kotse ‘yong mic.”

“Samahan na kita.”

“Hindi na po, Kuya. Asikasuhin mo kaya ang mga bisita mo.”

“Natin.”

“Oo nga, natin.” Kinuha nito ang susi sa nobyo bago nakangiting nagpaalam. “Gusto mong sumama sa akin, Cavri?”

Marahang umiling siya. “Hindi na. Dito na lang ako.”

“Sure ka?” tumango siya. “Okay.”

“I’ll go with you.”

Napalingon siya kay Enad nang magsalita ito. Hayun na nga ito sa tabi nila at nakangiting nakatingin sa kanila.

“Huwag na. Kaya ko naman nang mag-isa.” Tanggi ni Mina.

“I insist. Mahirap umakyat mula sa first floor hanggang dito.” Binalingan siya nito. “Stay here for a while, Cavri. Sasamahan ko lang sa baba si Mina.”

Tumututol ang kalooban niya ngunit wala na siyang nagawa pa nang mabilis na nakalabas na ang mga ito.

Pakiramdam niya ay pinipiga ang puso niya habang pinagmamasdan ang masayang mukha ni Enad na nakangiting nakikipagkuwentuhan kay Mina habang palabas ng pinto.

Hindi siya gano’n Katanga para hindi malaman ang indikasyon ng mga nakikita niya. Writer siya kaya alam niya kung kailan totoo o pinepeke ng isang tao ang nararamdaman at ipinapakita nito.

And at that moment, the happiness etched in Enad’s face was as genuine as a crystal.

Masakit mang aminin, ni minsan ay hindi niya ito nakitang gano’n kasaya sa tuwing magkasama sila. Hindi na siya nakatiis. Tinipon niya ang lahat ng lakas ng loob niya saka sinundan ang mga ito.

SO, how was Japan?” tanong ni Enad kay Mina habang pababa sila ng hagdan ng B.A building kung saan ginawa ang maliit na get-together nilang magkakaibigan. Mabuti na lamang at malakas si Kirk sa director ng SAU kaya pinayagan silang gamitin ang AVR ng BA building kahit na holiday.

Naniningkit ang mga matang nilingon siya nito. “You should know. You came back from Japan the exact same day that I did.”

Napamaang siya. “You knew?”

“Nope. Lance told me.” Nakangiting huminto ito nang makarating sila sa first floor. “Sinabi niya sa akin na sa TMPH ka nga nagtatrabaho. Nando’n ka lang pala. You could’ve at least said hi.”

“You want me to repeat what you’ve just said?”

Napangiwi ito. “Yeah. Right. Good thing you didn’t afterall.” They both laughed. “Lance said you were gonna be his bestman.”

“Yeah. And I said, I don’t want to.”

“What?”

Natigilan siya. Saglit na napatitig siya sa mukha nito nang biglang lumitaw sa isip niya si Cavri saka marahang natawa.

“You really remind me of her. Mahilig din siya sa ‘what’, eh.” Natatawang ipinatong niya ang kamay sa ulo nito saka bumuntong-hininga. “I have to tell you something.” Panimula niya.

Hindi ito sumagot. Tiningnan lang siya nito na tila inuudyukan siyang magpatuloy. Ilang beses pa siyang humugot ng malalim na hininga bago niya ito tinitigan sa mga mata.

“I know, I shouldn’t be saying this to my bestfriend’s fiancée. Pero, hindi ako matatahimik at habang-buhay kong pagsisisihan kapag hindi ko ito nasabi sa iyo.” Kumunot ang noo nito. “I love you, Mina. I’ve always had since that first day you locked Lance up inside the computer lab.”

Hinintay niyang mag-react ito. Hinintay niyang itulak siya nito palayo ngunit nanatili lamang itong nakatingin sa kanya. Wala ni kaunting bakas ng pagkagulat, inis o kahit man lang awa sa mga mata nito.

“You don’t believe me, do you?” aniya nang hindi na siya makatiis.

She chuckled. “Hindi naman sa hindi ako naniniwala. Kaya lang kasi…” kinuha nito ang kamay niyang nakapatong sa ulo nito. “Narinig mo ba ang sarili mo? Kung noon mo siguro sinabi sa akin ang mga ‘yan, baka tinablan pa ako. Pero ngayon? I don’t think you mean that anymore.”

It was his turn to knot his forehead. “What do you mean?”

“Have you seen the way you look at her? Have you seen how you held her hand? Nakikita mo ba ang sarili mo sa tuwing nasa tabi ka niya? You look like a completely happy and satisfied person. Now tell me, how on earth would I believe a confession like that coming from a guy who looks at another girl like she was the only piece of puzzle who would and could fit and complete him?”

Manghang-manghang napatitig lang siya sa mukha nito. Paano nito nagawang sabihin ng gano’n kadali ang mga bagay-bagay na maging siya ay nahirapang ipaliwanag sa sarili niya?

He bursted out laughing. “You really are something, Miss. How did you know all of those?”

“If it weren’t written all over your face, then, maybe I would’ve had a harder time guessing.” Pinaikot nito ang mga mata bago siya tinalikuran at tuluy-tuloy na lumabas ng building papunta sa parking lot.

Naiwan siyang tumatawa at napapailing sa sarili niya. How could he have missed that? Marahil sa likod ng isip niya ay alam na niya ang lahat ng sinabi nito. Gusto lang niyang magkaroon ng matinong closure ang anumang damdaming mayroon siya noon para dito.

Napangiti siya. tapos na niyang harapin ang nakaraan niya. Now, he was ready to face Cavri. He was ready to accept his present and, hopefully, future with her.

TULALA pa rin si Cavri habang nakaupo siya sa baitang ng hagdan sa ikalawang palapag. Dinig na dinig niya mula roon kung paanong nagtapat ng pag-ibig ang lalaking inakala niyang sagot sa mga dasal niya.

Pagkatapos niyang marinig ang pagtatapat nito ay tila kusang nag-shutdown ang utak niya. Awtomatikong i-bi-nlock ng utak niya ang anuman sa paligid niya. Manhid na manhid ang pakiramdam niya habang nakatitig sa salamin ng bulletin board sa tapat niya.

Biglang nag-sink-in sa utak niya ang lahat ng makita ang repleksiyon niya sa salamin. Ngayon niya lubos na naiintindihan kung bakit naiilang siya sa presensiya ni Mina. Iyon ay sa simpleng kadahilanang nakikita niya ang sarili niya rito. Hindi. Baliktad nga pala iyon. Nakikita niya si Mina sa kanya dahil hindi maipagkakaila ang malaking pagkakahawig nilang dalawa.

Mapait na napangiti siya nang unti-unting mapagtagni-tagni ang mga pangyayari. Enad had always been in-love with his bestfriend’s girlfriend. Ito rin ang sinasabi nitong “something” sa Japan kaya doon nito piniling mag-trabaho kahit na may mas magandang offer ito sa US. Si Mina rin ang dahilan kung bakit nagkakilala sila nito sa airport.

Sinundan nito si Mina nang umuwi ito sa Pilipinas sa pag-asa marahil na magkakaroon din ito ng pagkakataonng maiparating dito ang matagal na nitong nararamdaman. Nang makita nitong wala na itong pag-asa ay saka naman siya dumating sa buhay nito. A living replica if the girl he loved.

Hindi siya nag-abala pang tumayo nang marinig ang masayang tinig ng mga ito habang pabalik marahil ng AVR.

“O, Cavri, bakit nandito ka?” tanong ni Mina sa kanya.

Hindi siya sumagot. Nanatili lamang siyang nakayuko.
“It’s okay. Ako na ang bahala rito.” Narinig niyang wika ni Enad.

Nang maka-akyat na si Mina ay tumabi ito sa kanya sa pagkakaupo sa hagdan. “Hey, something wrong?” Pumiksi siya nang haplusin nito ang buhok niya. “Cavri?”

“You couldn’t have her so you settled for someone who looks and acts a little like her.” Garalgal ang tinig na wika niya.

“What?”

Sa halip na sagutin ito ay marahas na tumayo lang siya saka humakbang pababa ng hagdan. Maagap na pinigilan siya nito sa braso.

“Let go.”

“No. Tell me what’s wrong—“

“Wrong? You want to know what’s wrong?” itinuro niya ang repleksiyon sa salamin. “This is what’s wrong! Sabihin mo nga, Enad. Kaya ba hindi ka na tumanggi pa ng alukin ka ni Tita na tumira sa apartment naming ay dahil nakakita ka ng pagkakataong gamitin ako? Bakit? Dahil kahawig ako ng babaeng mahal mo?”

“For Christ’s sake, Cavalry! What the hell are you talking about? Anong ginamit kita?”

Hindi na niya napigilan pa ang pagtulo ng mga luha niya. Mabigat na mabigat ang dibdib niya habang pinagmamasdan ang kalituhang unti-unting bumabalot sa mukha nito. Gustuhin man niyang paganahin ang rasyunal na bahagi ng utak niya ay hindi na niya magawa. Masyado na siyang nilamon ng sakit at selos na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon para mag-isip pa.

Marahas na pinahid niya ng likod ng palad angmga luhang umagos sa pisngi niya. “Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Alam ko namang wala akong dapat asahan sa iyo dahil, sino nga ba naman ako?”

“Damn, Cavri. We’ve already been through this—“

“Bakit, Enad? Ano ba talaga ako sa buhay mo maliban sa pagiging panakip-butas para sa babaeng alam mong hinding-hindi magiging iyo?”

“Hindi ka panakip-butas lang! You—“ frustrated na bumuntong-hininga ito bago lumapit sa kanya. “Look, can we talk about this later? Just—just go back upstairs so you can have something to calm you—“

“Isa lang ang gusto kong malaman, Enad.” Ilang buntong-hininga ang ginawa niya upang kahit paano ay mabawasan ang paninikip ng dibdib niya. “Si Mina ba ang dahilan ng pagbabakasyon mo dito sa Pilipinas? Siya ba ang dahilan kung bakit naroon ka sa airport nang araw na mabangga kita?”

“Cavri—“

“Just answer me.”

Nakita niyang nagtagis ang mga bagang nito bago marahang tumango. Pinigil niya ang sariling mapahagulgol sa harap nito. She bit her tongue and tried to calm herself. No use. Because the wound in her heart was so big that the bleeding just won’t stop.

She tried to fake a smile but she failed. “Thank you for being honest. At least, alam ko ‘di ba?”
“Cavri, please…”

She shook her head. “I just hope you find someone who could take your heart away from…her.” Aniya nang talikuran ito. “’Wag mo akong susundan at ‘wag mo akong pipigilan. Hayaan mo man lang na ayusin ko ang sarili ko bago mo ako saktan uli.”

Hindi na niya ito binigyan pa ng pagkakataong makapagsalita. Mabilis na humakbang na siya palayo sa lugar na iyon. Palayo sa tanging taong nagparanas sa kanya kung paano ang magmahal at masaktan ng lubos…

Cavalry's Knight (as published by PHR - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon