Chapter 23

539 19 1
                                    

-Back to Present-

Pinunasan ko ang namumuong luha sa mga mata ko. Siya naman tulala lang sa kawalan.
"Donato..." tawag-pansin ko sa kanya. Tumingin naman siya sa'kin.
"I need to go." sabi ko at nagsimula nang tumayo.
"Ayaw mong pumunta sa bahay? May konting salu-salo doon. Mom and Dad also expecting you to be there." sabi niya.
"Kasi..." nag-isip ako ng palusot.
"And I think your sister will be there too." dagdag pa niya.
"May dadaanan pa kasi ako sa clinic." palusot ko.
"Malulungkot si Lolo kapag nalaman niyang hindi ka pupunta. Sige ka." pangongonsensya niya. Hindi talaga siya nagbabago.
"Okay fine!" pagsuko ko. I saw his lips curved upward.
"I'll drive you." sabi niya at nagsimula na ring tumayo.
"No need. I have a car with me." sabi ko at tinuro yung sasakyan ko. Napa'ohh' nalang siya.
We bid goodbyes to each other. Nauna na akong maglakad papunta sa sasakyan ko. Bubuksan ko na sana ng pinto ng sasakyan nang pinigilan niya ito gamit ang kamay niya.
I looked at him annoyingly.
"Ano na naman?" inis na tanong ko.
"Ang sungit naman. Please make us sure na pupunta ka." sabi niya nang nakangiti.
"Oo nga. Ang kulit nito." sabi ko. He just laugh. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago ako pumasok ng sasakyan ko. Napailing ako bago inistart yung makina. Hindi ka pa rin nagbabago. I smiled to myself.

Napakagat ako ng labi habang pinagmamasdan yung gate nila. Bakit ba ako kinakabahan? I sighed and reluctantly press the doorbell. Yung gwardiya nila yung nagbukas ng gate.
"Magandang hapon po. Sino po sila?" bungad niya sa akin.
"Si Sharlene po. Nandyan po ba si Tita Maricel?" tanong ko.
"Opo. Bisita po ba kayo? Wait lang po ha. Sasabihin ko po muna kay Ma'am Maricel." napatango ako sa sinabi niya. Umalis siya at dumating din kaagad.
"Pasok po kayo. Sorry po at pinaghintay ko po kayo." sabi niya.
"Wala yun kuya. Ano ka ba! " sabi ko at nagpasalamat na rin bago pumasok.
Si Tita Maricel yung unang sumalubong sa akin.
"Hija! It's nice to see you here. Akala ko hindi kana dadating. Sabi kasi ni Rachelle hindi ka daw makakapunta dito." sabi niya at niyakap ako.
"It's nice to see you too, tita. Lalo kang gumanda ah." sabi ko. Totoo naman. Parang hindi pa rin talaga siya tumatanda. Ganun pa rin yung itsura niya. Napatawa naman siya.
"Ikaw na bata ka oh. Napakabolera mo. Hahaha! Oh siya pasok ka! Andito na yung kapatid mo kanina pa." sabi niya at hinila na ako papasok ng bahay nila.
I looked around. Hindi pa rin talaga nagbabago yung ayos ng bahay nila. Parang umalis lang ako kahapon tapos bumalik ulit dito. I smiled to myself. She dragged me on their dining table.
"Hey guys! Nandito pala si Sharlene!" hiyaw ni Tita at napatingin silang lahat sa akin. Napayuko naman ako sa hiya.
"OMG! Si Sharlene na ba to? Gosh! Ang ganda-ganda mo na!" sabi ni tita Marites, kapatid ni Tita at Mom ni Blaire.
"Hello po sa inyo." bati ko na parang nahihiya. I looked at them one by one. I saw Tito Antony, Lyndon and Dennis, they grew up well. Ang gagwapo na nila ngayon. I saw Rachelle looking worriedly at me. Bakit na naman? I widen my smile as I looked at Donny but my brighten mood suddenly disappeared and turns into confusion as I saw the unfamilliar girl beside him. Who is she?
"Hija, umupo ka. Come and join us!" pag aanyaya ni Tito. Tumango naman ako at ngumiti. I sat beside Blaire. Kaharap ko pa ang hindi ko kilalang babae. Pinsan din ba to ni Donato? Akala ko si Blaire lang?
"Ano ka ba, ate? Bakit nandito ka?" bulong sa akin ni Rachelle na katabi ko din.
"Donny invited me." bulong ko rin.
Napailing naman siya. What's with her?
"Congrats Hija! You've done so far. Ang successful mo na. Balita ko magbubukas kana ng sarili mong clinic dito?" excited na sabi ni tita Marites.
"Oo nga Shar. Pwede ba kaming pumunta sa opening ng clinic mo?" excited din na tanong ni Tita Maricel.
"Thanks po. Of course, Tita. Besides, balak ko rin naman po sana kayong imbitahan lahat." sabi ko.
"Omg! I can't wait." tili ni Tita Marites.
"Ang OA ng reaction mo, sis." sabi ni Tita Maricel sabay irap.
"Oo nga Mom. Nakakahiya ka." dagdag pa ni Blaire na nakairap din. Napatawa naman kami.

"So...kamusta kana hija? Ang tagal mong hindi umuwi ng Pinas ah." sabi ni Tito.
"Busy po kasi eh. Tumutulong kasi ako kay Tita ko na nasa Japan at tsaka nag aral din po ako doon para makakuha na rin ng master's degree." sabi ko.
"Wow! Iba ka talaga Shar. Bukod sa isa ka ng psychologist, isang vlogger kana rin!" sabi ni Tita Maricel. Napatawa naman ako ng kaunti.
Napansin ko naman ng parang tahimik lang yung babae. Habang si Donny naman nilalagyan siya ng pagkain sa plato niya. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Parang may kung anong kirot.
"Masaya ako at naabot mo yung pangarap mo, Hija." bati sa akin ni Tito.
"Thank you po." sabi ko.
"Kamusta na yung lovelife mo? Siguradong may napupusuan kana ngayon. Ang swerte naman niya pag nagkataon." tanong ni Tita Marites.
"Ahh...ehh...wala pa po. Wala pa sa vocabolary ko yun." biro ko.
"What? Sa ganda mong yan? Buti pa si Donato lumalovelife niya. And speaking of, hoy abnoy! Pakilala mo naman sa kanya yung nililigawan mo." sabi ni Tita Marites na ikinatigil ko. Nililigawan?
Napailing naman si Donny at napatawa.
"Hahaha. Tita naman! Inunahan mo na naman ako." sabi ni Donny. Parang naestatwa lang ako sa kinauupuan ko.
"Awkward ba ate?" bulong ni Rachelle pero hindi ko siya pinansin.
"Shar, she's Janina, my...uhh...future girlfriend." nag aalinlangang sabi niya.
"Hi Sharlene. Nice to meet you." sabi ng babae at nag alok pa ng shakehands. Nanginginig na tinanggap ko iyon at ngumiti ng mapait.
"N-Nice to meet you, Janina." sabi ko.
Yan nga ba ang sinasabi ko eh.

Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)Where stories live. Discover now