CHAPPTER 10 (END)

13.8K 346 35
                                    

ANAK, kumain ka naman.”

Walang kagana-ganang nilingon ni Cavri ang mama niya nang maglapag ito ng isang tray ng pagkain sa tabi ng computer niya.

“Mamaya na lang, ‘Ma. Tatapusin ko lang itong ginagawa ko.” Pilit niyang ibinalik sa monitor ng laptop ang kanyang pansin.

Narinig niyang bumuntong-hininga ito bago tinapik ang ulo niya. “Lahat ng bagay, may dahilan, Cavalry. Hindi dahil writer ka, eh, mabibigyang-kahulugan mo na ang lahat ng bagay na nakikita at naririnig mo.”

Hindi niya nilingon ito. Hindi lingid dito ang nangyari sa kanila ni Enad mag-i-isang buwan na ang nakakaraan. Wala naman itong ibang sinabi pa. Her parents just hugged her and comforted her the best way they can.

Sinubukan naman niyang ibalik sa normal ang buhay niya. Ang kaso, sa tuwina ay umiiyak pa rin siya kapag naaalala ang mga sandaling kasama niya ang lalaking minahal at patuloy na minamahal ng puso niya.

“I’m okay, ‘Ma. Magsusulat na muna ako.”

Walang nagawang hinalikan na lang siya nito sa pisngi bago lumabas ng silid niya.

It had been a month sine she last saw Enad. Ni hindi man lang siya tinawagan o i-ti-next nito. Para itong bula na bigla na lamang lumitaw at naglaho sa buhay niya.

Mariing kinagat niya ang ibabang labi ng maramdaman ang muling pag-i-init ng sulok ng kanyang mga mata. No. Hindi siya dapat magpatalo sa sakit na nararamdaman niya. Kailangan niyang bumangon at ayusin ang sarili niya.

HINANG-hina ang pakiramdam ni Cavri nang magising. Para siyang lumulutang na hindi niya mawari. She felt light-headed and giddy. Dahan-dahang iminulat niya ang mga mata.

Madilim ang paligid niya at tanging ang tunog ng aircon ang maririnig sa silid niya. She tried to reach for the bedside lamp ngunit ayaw umangat ng braso niya.

“That’s what you get for abusing yourself like that.”

Biglang nagising ang inaantok na diwa niya nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Pilit niyang inaaninag ang paligid. Gano’n na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang dumako sa gawi ng bintana ang kanyang mga mata.

A tall, broad shadow was leaning against the window. Kahit na madilim ay alam niyang pinagmamasdan siya nito.
Tinipon niya ang lahat ng lakas saka sinubukang tumayo.

“Don’t bother. I gave you some sedatives. It will take at least three to four hours more from now before the effect wears off.”

“What are you doing here?”
aniya. Hindi na niya pinilit pang tumayo dahil talagang nanghihina siya. “Sinong nagpapasok sa iyo rito para i-sedate ako?”

“Your whole family did. Sinabi nila sa aking pinapatay mo nga raw ang sarili mo. So I flew here straight from an almost seventy-two-hour hospital duty.” He said between gritted teeth.

Sa halip na matuwa ay bumangon ang inis sa dibdib niya. “Hindi ko sinabing lumipad ka pabalik rito dahil lang tinawagan ka ng pamilya ko.”

Why did her family call him anyway? Makakatikim talaga ang mga iyon sa kanya. Gusto pa atang kaawaan siya ng lalaking ito at magmukha siyang miserable.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cavalry's Knight (as published by PHR - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon