Chapter 36- Mukhang Naaninag

140 6 0
                                    

Hindi pa rin makapaniwala si Tamayo na nasa harap niya na si Lim—maayos ang kalagayan at nakakapagsalita na. Sinubukan pa niyang sampalin ang kanyang sariling mukha para malaman kung nananaginip lang ba siya.

"O, bakit parang nakakita ka ng multo diyan? Nagising na ako." Wika pa ni Lim sa kanyang partner na hindi pa rin makapaniwala nang makita siya.

"Kailan lang po kayo nagising?" Tanong pa nito kay Lim habang naglalakad papalapit dito.

"Nu'ng biyernes, last week. Sinubukan kang tawagan ni Dr. Ramirez, pero hindi ka niya makontak. Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?"

"May iniinterrogate kasi akong pers—teka, si Sameer!" Nalito naman si Lim sa sinasabing yon ni Tamayo dahil medyo napapautal ito. At sa mga oras na ito ay hindi niya maunawaan kung ano ang gustong iparating nito.

"Sir! Nakatakas ang taong yun! Kailangan natin siyang hanapin!"

"Sino ba yun?"

Hindi na nito nagawang sagutin ni Tamayo at tumakbo na ito agad-agad sa direksyon na tinahak ni Sameer kani-kanina lang noong paputukan ito ng dalawang kalalakihan. Kasunod no'n ay pinosasan muna ni Lim ang dalawa bago rumesponde ang ambulansya at iba pang mga Pulis na kanyang tinawagan para kunin ang dalawang ito—at saka na lang siya sumunod kay Tamayo.

Tinahak ni Lim ang madilim na kagubatan gamit ang kanyang munting flashlight na dinala at doon niya nakita ang mga bakas ng paa. Sinundan niya ang mga ito—kung saan ay dinala siya sa kinaroroonan ni Tamayo na inaaral din ang bakas ng dugo roon at taimtim na sumusunod dito. Kaya naman ay nilapitan ito ni Lim at tinapik sa balikat.

"HOY, TANGINA!" Nagulat na lang si Lim nang mapasigaw si Tamayo dahil sa pagkakagulat din nito sa kanya.

"Punyeta, kumalma ka. Baka mao-ospital na naman ako nang ilang araw dahil sa kapraningan mo diyan." Pagbati pa ni Lim sa kanyang partner na noo'y pinagpapawisan na.

"Sino ba kasi ang tao na yan?" Pahabol pang tanong ni Lim dito habang dahan-dahan nilang sinusundan ang mga bakas.

"Isa siya sa mga person-of-interest. Siya po ang kumuha sa maleta ni Teresita do'n sa motel. Bale iniinterrogate ko po siya nang bigla kaming inatake nu'ng dalawa sakay ang pick-up truck. Basta ang bilis po ng buong pangyayari, at napag-alaman kong magkakasabwat lang pala sila ni Sameer. May pa-ingles-ingles pa yang hayop na yan nakakapagtagalog nama--"

Bigla na lamang tinakpan ni Lim ang bibig ni Tamayo para patahimikin ito—nang may marinig silang humihingal nang malakas sa 'di kalayuan. Yung tipo na parang pagod na pagod mula sa pagtakbo. At dahil doon ay naghiwalay silang dalawa sa pagtatago—si Lim sa kaliwa habang sa kanan naman si Tamayo.

"Psst." Tawag pa ni Lim.

Tinignan ito ni Tamayo nakita niyang sinesenyasan siya nito na saluin ang ihahagis nitong magazine. Pero noong hinagis na ni Lim ang nasabing magazine ay nabigo si Tamayo sa pagsalo rito. At dahil do'n ay bigla na lang tumakbo si Sameer para makalayo sa dalawa—na siyang agad din nilang hinabol.

Nakailang segundo pa sila sa paghahabol nang bigla na lamang itong natumba dahil sa pagkakatapilok nito sa ugat ng isa sa mga puno roon. Kaya naman ay nagkaroon na ng tyansa si Tamayo para sunggaban ito.

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon