Tumakbo ako papalayo sa kanya pero hinabol niya pa rin ako kahit na umuulan ng malakas.
"Babe!" sigaw niya.
Tumigil ako sa pagtakbo kasi hindi ko kaya. Hindi ko kaya.
"Baby please." sabi niya nang naabutan niya ako.
Nanghina ang mga tuhod ko ng tawagin niya akong baby. Parang gusto kong bawiin ang desisyon ko pero hindi pwede. I stepped back from him, "I'm sorry but we're over" sabi ko sa malamig na tono pero hindi ko na napigilan ang luha ko. Umuulan naman kaya hindi niya ito makikita.
"Please, I don't wanna lose you." sabi niya. Lumapit siya sakin at niyakap niya ako ng mahigpit. "Please baby. Please."
Again with the Baby!
Paulit-ulit niyang sinasabi iyon pero hindi na talaga pwede.
May humintong itim na sasakyan malapit samin at kilala ko na kung sino yun.
Pumiglas ako sa yakap niya at nakawala. Tumakbo ako papunta sa sasakyan. Bumukas ang pinto sa likuran at nakita ko sila.
"Bilis! Maabutan ka niya!" sigaw nila sakin.
Binilisan ko ang pagtakbo ko sa sasakyan at agad na sumakay.
Pinaandar nila ang sasakyan at naramdaman ko ang pag-alis namin.
Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang hinahabol pa rin ang sasakyan sa gitna ng ulan.
Tumulo ang luha ko kasi masakit. Mahal ko siya pero hindi talaga pwede. Yumuko na lang ako at patuloy na umiyak.
Sorry. Malalaman mo rin kung bakit. I love you. I promise babalikan kita. I'll find you again my lost boy
—
101314
BINABASA MO ANG
Lost Boy
Teen FictionIt's true that when love is true and you lose it, you also lose yourself. Zack lost himself when he lost his twin brother. Gwen lost herself when she lost her first love. Will they find themselves in each other or entirely lose themselves this time?