Vice President
Ericka's POV
Uminat inat pa muna ako bago tumayo. Kaka gising ko lang. Tinignan ko ang nasa baba at nakita ko roon si Angela, mahimbing pa ring natutulog. Ngumiti ako, para siyang anghel na nalaglag sa langit.
Totoo ba o panaginip na nag good night siya sa akin at hindi naging malamig ang boses niya? O inaantok na talaga siya? Hays. Bumaba na ako.
Nag hilamos muna ako bago lumabas. Naabutan ko naman sila doon na nag luluto. Lumapit ako kay Shawn.
"Anong niluluto mo?" tanong ko.
"Bacon, egg at hotdog may tinapay rin tino toast ni Cedric." sagot niya. Tumango ako.
"Mag dadala ba tayo ng armas pag ka pasok natin? Incase lang naman."
"Siguro dalhin nating lahat ay yung espada, nagiging maliit naman siya diba? Edi yun nalang." sagot niya.
"Okay."
Anong oras na ba? Alas otso ang pasok namin. 6:30 na.
"Luto na pala to Ericka tawagin mo na si Angela." ani Shawn.
Biglang bumukas ang kwarto namin at iniluwa nito si Angela. Nag to toothbrush siya.
"Gishing nako." malamig na sabi niya. Akala ko hindi na magiging ganyan ang boses niya. Ang cute niya mag salita kapag nag to tooth brush haha. Napa ngiti ako.
"Kakain na." sabi ko. Tumango siya at pumasok sa kwarto. Di kalauna'y lumabas na rin naman. Umupo na kami. Nag dasal bago kumain. At nag start nang kumain.
Tiningnan ko si Angela, kumakain lang siya ng bacon at tinapay. Nang naramdaman niya ang tingin ko ay tinaasan niya ako ng kilay, umiling nalang ako. May kaibigan kaya siya?
"Angela may kaibigan ka ba?" Di ko sinasadyang nasabi ang nasa isipan ko. Bad mouth!
"Wala." malamig na sabi niya.
"Ahh sige tutal naman tapos na tayo lahat kumain kami na ni Shawn ang mag huhugas ng plato." sabi ko. Nakita ko pang tiningnan ako ni Cedric pero umiwas rin naman.
Sinamaan ako ng tingin ni Shawn pero nginitian ko nalang siya.
"Maligo na muna kayo." matabang na sinabi ni Shawn. Okay lang yan.
"Yeah tara ate." sabi ni Cedric.
Tumayo na silang dalawa at dumiretso sa kani kanilang kwarto.
"Halika na Shawnieeee." pang aasar ko. Sinamaan niya ako ng tingin. Tumawa lang ako.
"Bleh!" Aba nakuha pa akong belatan.
Pumunta na kaming lababo at nagsimula nang mag hugas. Tahimik lang si Shawn. Ang kilala kong Shawn makulit at maingay. Anyare?
"Shawn..." tawag ko. Napa tingin naman siya sa akin.
"About doon kay Cedric, ano na?" Baka kasi nakaka limutan na niya.
"I have these feeling na its just a self defense kaya siya naka patay nung araw na yun." bulong niya. Ayaw niyang may maka rinig sa amin dahil nasa iisang bubong nalang kami.
"Maaari nga." sagot ko at nag kibit balikat.
Pinag patuloy nalang namin ang pag liligpit hanggang sa natapos kami.
Naligo na rin ako. Dalawa kasi ang cr sa isang room. Bale apat ang cr dito sa dorm.
Pag katapos ko maligo ay nag bihis na ako. Wala na si Angela sa kwarto, mukhang naka bihis na siya at lumabas na.
YOU ARE READING
Pillar Academy
Mystery / Thriller-Completed- Are you ready to hold the knife, in order to live? For you to be alive, the only choice is to be one of them. Book cover by @josevfthegreat thank you!