Chapter 2--Weird Guy

73 6 1
                                    

(A/N:) Dedicated this to Matthew_14. Thank You po sa Vote and Comment nung Last Update.

ENJOY READING!

===========

Chapter 2--

Weird Guy

===========

Ash's POV (Saterday,3:21 P.M.)

Papauwi na ako ng mapansin ko ang isang lalake sa malayo.

Nakaupo lang siya mag-isa sa isang bench at nakatingala.May Newspaper na nakatakip sa mukha niya at parang natutulog ata siya.NATUTULOG?! Zombie Outbrake na pero natutulog lang siya?! At ang nakakapagtaka pa dito ay Hindi siya ginagalaw ng mga zombies na dumadaan sa harap niya.Weird?

Nang makalapit lapit na ako sa kanya ay swerte naman at walang dumadaan na zombies.Ihininto ko muna si Baby Fretzie atsaka ko tinanggal yung helmet ko.Nag-tip toe ako palapit sa kanya.Kinuha ko yung Maliit na kutsilyo ko pagkatapos ay dahan-dahan kong ginalaw ang Newspaper sa mukha niya. Hindi ko palang nagagalaw ay bigla niyang hinawakan yung kamay ko.Aatakihin ko na sana siya para saksakin sa ulo ng mahawakan niya rin ito.

Aba! Marunong tong lalaking to ha! Gumalaw ang ulo niya dahilan para matanggal sa mukha niya yung Newspaper. Nang makita ko yung mukha niya ay bigla akong napatulala.0_0

Wow!Ang Gwapo niya! Kaso nga lang may kakaiba sa mga tingin niya eehh. Parang---Parang may sinasabi yung mgamata niya sakin pero hindi ko maintindihan.

Bumalik ako sa realidad ng makita kong Napangiti siya. Kaya mas mabilis pa sa limang segundo ako lumayo sa kanya atsaka ko tinutok sa kanya yung maliit na kutsilyong dala-dala ko.

"Ikaw'ng lalake ka! Ano ang ginagawa mo dito at natutulog mag-isa diyan? Alam mo ba na nagkakagulo na ang bansa dahil nagka-Zombie Outbrake na ha?!" Dire-deretso kong sabi sa kanya.

"Alam ko." sabi kiya sakin habang nakangiti parin.Aaiish! Pektosan ko tong lalakeng to eh! Pigilan niyo ako!

"Eh kung alam mo naman pala bakit prenteng nakaupo kalang diyan at natutulog?!"Sigaw ko sa kanya.Pero Wrong Move ata ang ginawa ko dahil Naka-attract pa ako ng zombies.Kaya papunta na sila samin.

"Aw Sh*t!" Mura ko.Humarap ako sa mga zombies at handa na akong makipaglaban nang Bigla naman akong hilain ng lalake papunta kay Baby Fretzie.

"Mamaya ka na makipaglaban kapag may armas na tayo."sabi niya sakin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.Sabihin niyo nga sakin kung naka-singhot ba tong lalakeng to.Ngiti kasi ng ngiti.Aish! Bakit ba ako inis na inis dito sa lalakeng to?

Kinuha ko na ang helmet ko atsaka ko yun isinuot."Ako na ang magdadrive.",Walang gana kong sabi sa kanya.Hindi naman siya umimik kaya sumakay na ako kay baby zie bago pa kami maabutan ng mga zombies.Inistart ko na si baby zie pagkatapos ay sumakay naman yung lalake sa likod ko.Pinaandar ko na siya pauwi ng bahay.

"Ano nga pala ang pangalan mo?"tanong ko sa kanya habang deretso parin ang tingin ko sa daan.Aba! Delikado na.Baka mabangga pa kami ng wala sa oras.

"Devon Montemayor ang pangalan ko. Kyle nalang itawag mo sakin."Pagpapakilala niya saakin at ramdam ko naman na nakangiti parin siya.Whoa!Ang Weird ng isang to ha.

~End~

=================

(A/N:) Oh Ayan nadagdagan na ng isang character.Abangan niyo nalang po sa mga susunod na chapter ang ibang characters.

Sorry po kung maikli lang.
Thank You sa pagbabasa.

(End of chapter 2,Watch out for chapter 3 on my next update)

Dead Zone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon