Chapter 9 - [Flashback] Dream of Me

12 0 0
                                    

CHAPTER 9 – [Flashback] Dream of Me

Tristan’s POV

Buti naman at tumigil na ung kanina pang nagpeplay sa utak ko. Peste ‘yon e. Nagmumukmok na lang ako ngayon sa kwarto ko. Umiinom ng alak. Lulunurin ko na lang ang sarili ko sa alcohol.  Si Abby kasi e.

Maya-maya…

*tok tok tok*

May kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Lintik na! Sabi ko na nga sa maid na wag akong istorbohin muna e! Shit. Di makaintindi.

“ANO?! Diba sabi ko wag muna akong istorbohin! Di ka ba makaintindi ng simpleng Tagalog?!”

“Eh s-sir, may naghahanap po s-sa inyo.”

May naghahanap sa akin? Sino naman? Naku. Baka ung stalker na si Christine ‘yan ah. Grabe. Ganun ba talaga siya kabaliw sa akin? Talagang inalam pa niya ang bahay ko.

“Paalisin mo na ‘yan! Ayokong may manggulo sa akin ngayon!”

“Tristan, buksan mo ang pinto.”

O____________________________________________O

Nung marinig ko kung sino ung nagsalita, napatayo ako bigla at binuksan ang pinto.

“Abby?”

“Sige manang, pasensya na po sa istorbo. Nabulyawan pa kayo nitong kumag na ‘to. :)”

Tapos, umalis na ung maid.

Hay buti naman, hindi ung stalker na yun ung naghahanap sa akin. Si Abby pala. Si Abby. Pinuntahan ako ni Abby. Oh God, Abby. I missed your sweet smile.

“Abby, t-teka. Anong ginagawa mo d-dit-to?” Shit. Nags-stutter ako.

“Bestfriend papasukin mo na muna ako, pwede?”

Shit. Ayan na naman ung word na best friend. Bakit kailangan ipamukha sa akin? Psh.

Ayun, pinapasok ko na siya. Nagulat ata siya nang may makita siyang bote ng alak sa kwarto ko.

“Tristan, may problema ka ba?”

Oo Abby. Malaking problema.

“Wala. Abby naman, sa gwapo kong ‘to, ako may problema? Joker ka ah.”

“E bakit ka umiinom?”

“Wala lang. Gusto ko lang. Bakit, pagbabawalan mo ako?”

“Hindi. Hahaha. Di ka na baby Tristan. Ikaw na bahala sa buhay mo.”

“Bakit ka nga pala nagpunta dito?”

“Kasi may kasalanan ka sa akin.”

“Huh? Anong ginawa ko?”

“Langya ka talaga! Di ka man lang nagsabi sa akin na lilipat ka na pala ng school! Tapos dun ka pa lumipat sa  school na pinapasukan ko! Tapos di ka pa nagpakita sa akin ngayong araw! Ang sama mo alam mo yun?! Bakit mo ako pinagtataguan?! Tapos ngayon ayaw mo pa magpaistorbo sa akin?! Sinigawan mo pa ung maid mo!”

Hinahampas niya ako niyan habang sumisigaw siya. Hahaha. Namiss ko ‘to.

“Hahahaha! Bakit, namiss mo ako?”

“Kumag ka. Hahaha. Syempre. Namiss ko best friend ko.”

Oh ano Tristan, tatanong-tanong ka pa kasi e. Napapala mo. :P

“Kung di pa sinasabi ng mga bago kong kaibigan na lumipat ka na pala e hindi ko malalaman.”

“Ah. So may mga bago ka na palang mga best friends. Bakit ka pa nagpunta rito? Doon ka na lang sa kanila.”

“Haruuuu! Naku, nagdrama pa itong lalaking ito. Ikaw pa ‘tong nagtatampo, ikaw na nga ‘tong nagtatago sa akin.”

“Hindi ako nagtatago sa’yo.”

“E bakit di ka nagpakita sa akin sa school kanina?”

Kasi masakit nung marinig ko ung mga sinabi mo kanina.

“Wala. Hinahanap kita kaso biglang sumama ung pakiramdam ko. Kaya umuwi na lang ako.”

“Okay ka na ba? Masama pala pakiramdam mo eh bakit ka umiinom ng alak?”

“Kasi ung alak lang ung magpapawala dun sa sakit na nararamdaman ko.”

Napansin ata niya na ang drama ko. Tinitigan niya lang ako.

“Tristan, may problema ka. Alam ko ‘yon. Tell me, best friend mo ako diba?”

Ayan na naman ‘yang salitang ‘yan! Bakit kailangan paulit-ulit?!

Pero di ko magawang magalit sa kanya.

Abby, bakit di ko magawang magalit sa’yo?

Napayakap na lang ako sa kanya. Halata namang nagulat siya.

“Wala. Namiss ko lang kasi ang best friend ko. Tapos malalaman ko may bago ka na palang mga best friends.”

Yan na lang palusot ko sa kanya. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ngayon. Torpe much ka talaga Tristan.

“Yun lang ba? Ano ka ba, wag ka na magselos sa kanila. You are still the best among the rest. Hahaha. Wag ka mag-alala, papakilala kita sa kanila.”

Wag na, ipapakilala mo lang ako dun sa stalker na Christine na yun e.

“Pffft. Best among the rest. Tae. Ang korni mo kahit kailan Abby.”

T3T. Nagpout si Abby.

ABBY! Wag ka magpout, halikan kita diyan e.

“Uy Abby, gabi na. Umuwi ka na sa inyo. Baka hinahanap ka na.”

“Ay. Tinataboy mo na ba ako?”

“Oo. Kasi ang korni mo. >:)”

“Psh. O sige na. Aalis na ako. Pero sandali, mag smile ka muna. Puh-lease? Puh-lease? Puh-lease? Pretty pretty please? *O*?” with matching puppy eyes pa ‘yan ah.

Hay naku Abby, makakatanggi ba ako sa’yo.

“^_____________________________________^”­-ako ‘yan na mukhang engot dahil ang lapad ng ngiti ko.

“Good boy, Tristan. Sige aalis na ako. :)”

“Ginawa mo akong aso Abby. -___-“

“Cute ka naman na aso. ^__^V”

“Hindi ako cute. Gwapo ako.”

“Whatever. Osha, aalis na nga ako. Good night Tristan. Sweet dreams. Magpakita ka na sa akin bukas sa school ah, pag hindi. Bugbog ka sa akin.”

“Oo na, oo na. Umalis ka na Abby. Shoo shoo! Hahaha. Good night din.”

Then she gave me a peck on the cheeks.

“See yah! :D”

Tapos umalis na siya. Natulala ako. Hay Abby, bakit ba ganito? Ang labo natin. Paano ko matatanggap na best friend mo lang talaga ako kung kiss mo pa lang sa akin sa cheeks parang matutunaw na ako?

So gay, Tristan. SO GAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY!

Tama, ang bading talaga.

Ikaw ang korni Tristan, hindi si Abby.

Hay. Good night Abby. Please, dream of me.

Happily Never AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon