Si Yssa ay isang 4th year college sa isang sikat napaaralan sa Maynila. Dahil sa graduating na sya, madalas na sila ng mga kaklase nya
namagpuyat dahil sa Thesis nila.
Si Yssa, rommel, von, leona at pam ang magkakagrupo.. at dahil wala silang lugar na pag-gagawaan, napagdesisyunan ng mga
Ka-grupo ni Yssa na sa kanyang apartment nalang sila gagawa ng project..
Sa school....................
'Ok class, dismiss.' Pagdedeklara ng guro nila..
naglabasan na sa room sina Yssa pati mga kaklase nya..
Yssa,tara diretso na tayo sa inyo..' yaya ni Pam..
'Nagpaalam naba kayo sa mga magulang nyo? Tanong namanni Yssa.
'Oo naman.. alam na nila yun..' sagot ni Rommel habang ang iba ay tumango nalang..
tanda na nagpaalam na sila...
Alas onse na ng gabi nun ng may bigla silang narinig na nagpabasag ng kanilang katahimikan..................para bang isang babaeng umiiyak at binubugbog.. Napatigil sila sa kanilang ginagawa..
Unang nagtanong si Pam: (Nagkatinginan)
"Ano yun? Babae? Umiiyak?" pagtataka ni Pam.
Ang iba ay nagtataka din sa naririnig nila..
Pero biglang nagsalita si Yssa:
"Wag nyong pansinin yan.. Madalas kasing nag-aaway ang mag-asawa na yan....sa tabi lang ng room ko yan eh.." ani Yssa
"Haaayyyy" buntong hininga ni Rommel "Kala ko kung ano na.."
LUMIPAS ANG ILANG GABI..........
Madalas ganoon ang nangyayari at naririnig nila habang gumagawa sila ng Thesis Document nila.. Puros iyak, hagulgol ng isang babae, sigaw ng lalaki at ilang mga gamit sa bahay na sa palagay nila ay inihahagis.. Medyo nasasanay nadin sila sa ganoong sitwasyon at naririnig..
Pero naisip ni Yssa kahit isang beses, hindi nya pa nakikitang lumalabas ang babaeng nakatira sa tabi ng room nya..
Biglang nagsalita si Von
"Yssa, siguro puro pasa at parang lantang gulay yung babae dyan sa kabilang kwarto?"
"Bakit naman?" Tanong ni Yssa
"Ehh kasi, tin\gnan mo naman, almost everynight nalang umiiyak, binubugbog ng asawa nya yung babae...Kawawa naman..."
Habang patuloy padin sa paggawa ang bawat isa, nabasag ang kanilang katahimikan..
"Tulungan nyo ako!! Gusto ko ng matahimik!!" sigaw na narinig nila sa kabilang kwarto.
Nagkatinginan silang lima at biglang nagtakbuhan sa kama at ngtalukbong ng kumot.
Kinilabutan sila sa mga sumunod na narinig..
"Hindi ko kayo patatahimikin!!!!! Sobra sobra na ang paghihirap ko!! Papatayin kita!!!"
Nag-iyakan sila Yssa, Pam at leona dahil sa takot na kanilang nararamdaman..
"Ayoko na!! Gusto ko ng umuwi!!!" sabi ni Leona
"Huhuhuh!!" lahat na sila nag-iiyakan habang nakatago sa ilalim ng kumot.
ilang minuto pa ay bigla nalang binasag ng katahimikan ang kaninang punong puno ng kilabot.
Tahimik silang lahat habang pinakikiramdaman ang tabing kwarto ni Yssa.
unang lumabas ng kumot si Von.
BINABASA MO ANG
Roomates
Horrorisa ka bang istudyante na nangungupahan? Sigurado kabang ang mga ka-roomates mo eh, hindi mga multo? Handa ng matakot!! Basahin ang kakaibang istoryang katatakutan!