Chapter 25: THE END

1.2K 43 5
                                    

Suportahan niyo din po sana ang story na "Tadhana" ni  TheChildOne

.Zack's POV

Sabay binawian ng buhay si Alexa at si Xandra. Ang bangkay ni Xandra ay Hindi nilibing kung saan nakalagak ang bangkay ng kaniyang mga ina. Ang kanyang bangkay ay nilibing sa isang pampublikong simenteryo. Dahil ang sa mga natamo naming sugat noon at hindi manlang namin nasilayan na inilibing ang bangkay ni Xandra dahil ginagamot pa kami.

Halos tatlong taon na ang nakalipas mula ang nagyari ang digmaan.
Ngayon masaya na si Kira at Silver na nagpakasal na at magasawa na. Sila ay may dalawang anak at hindi na nakakabigla kung kambal din ito. Si kuya Xander naman ay siya na ang namumuno na sa buong kaharian dahil siya ang pumalit sa mahal na hari.

Ngayon nasa may puntod ako ni Xandra at halos araw-araw ay narito ako at dinadalaw siya. Lagi ko siya kinakausap kahit alam ko namang hindi siya sasagot.

"Hay nako xandra! Iniisip ko parin na sobrang daya mo dahil hindi mo pa ako sinasagot at hindi pa tayo nagpapakasal namatay kana. Pero salamat sa lahat dahil sayo naging mapayapa na ang lahat at wala ng anomang kaguluhang nangyayari."
Sinindihan ko ang kandila  sa kanyang puntod.

"Alam ko na nalulungkot ka dahil lagi akong malungkot at hindi parin kita makalimutan ahahaha hindi naman siguro masamang mag-assume! Siguro sapat na ang tatlong taon para kalimutan ka at ngayon buburahin na kita sa puso ko at maghahanap ng bagong bukas."

"Sir." Lumitaw nalang bigla ang sekritarya ko si Katrine.

Hindi ko nga pala nasabi na ngayon ay may sarili na akong kumpanya na pinapatakbo. Si Katrine ang pinaka pinakakatiwalaan kong impleyado at sa totoo lang ay masarap siyang kasama at napapangiti niya lahat ng tao sa kumpanya.

"Oh bakit ka pala nandito?" Malumanay sa tanong ko sa kanya. Napaka simple niyang manamit at parang si Xandra lang.

"Amh Sir, may nahahanap po kasi sa inyo!"

"Sino?"

"Si Mrs. Kira Dela Vega po at nasa mansyon ho siya!"

"Sige pupuntahan ko siya."

Tumayo na ako at naglakad ngunit naalala ko si Katrine at napatingin ako sa kanya.

"Gusto mo bang sumabay sa akin?" Tanong ko at umuling siya.

"Hindi na po, susunduin po ako ni sir Xander!" Sabi niya.

Matagal na din na magkasintahan si kuya Xander at si Katrine. Kaya siguro nagustohan siya ni kuya Xander dahil masiyahin, maganda at mabait siyang babae. Si Katrine ay isa sa mga naging kaibigan namin nila kira ngunit si Xander ay nahulog sa kanya kaya ngayon sila na. Hanggang ngayon mahal ko padin si Xandra kahit alam kong wala na siya.

"Kumusta na Kambal ko!" Bungad sa akin ni Kira at niyakap ko siya.

Ang dalawa ko namang pamangkin ay nagsitakbuhan papalapit sa akin.

"Tito, asan pasalubong namin ni Kiver ?" Sabi ni Silvra.

"Oo nga tito saan yung pasalubong!" Si Kiver naman ang nagsalita.

Babae at lalaki ang kambal na anak nila Silver at Kira. Pinaghalong pangalan nila ang pangalan ng kanilang mga anak, hindi naman siguro masyadong halata.

"Andon sa kotse kunin niyo ang mga pasalubong kunin niyo!" Utos ko sa dalawa kaya kumaripas sila ng takbo patungo sa kotse ko.

"Ano kakalimutan mo naba talaga si Xandra?" Si Silver.

"Oo kahit madyo masakit pipilitin ko."

"Siguro kung buhay lang sana si Xandra masaya siguro kayong dalawa at siguro naging kayo!" Nageemote nanaman si kira.

"Sana nga, pero ganon talaga iniwan na niya ako, tayo." Sabi ko.

"Handa ka na ba?" Tanong ni Silver at naguluhan ako sa tanong niyang yon.

"Saan naman!?"

"Na kalimitan siya! Kung handa kana may irereto ako sa'yo at alam kong magkakasundo kayo!" Nakangiting sabi ni Silver.

"Hoy gago ka talaga gusto mo bang patitan niya si kira sa puso niya, naturingan ka paman ding kapatid!" Suway ni Kira kay Silver.

"Wala na ang kapatid ko kaya hahayaan mo bang ang kambal mo mamatay ng hindi manlang nakakaranas ng totoong pagmamahal! Ako nahanap ko na!" Sabi ni Silver at hinalikan si kira sa mismong harap ko.

"Nakakadiri naman kayo!" Sigaw ko sa kanila." Oo kakalimutan ko na siya at ngayon hindi na siya parte ng bubay ko dahil wala na siya at hindi na babalik pa."

"Yan ang matapang na si Zack! Teka lang andito nga pala yung irereto ko sayo tatawagin ko lang ay teka siguradong magugustohan mo siya dahil maganda siya at mabait din!" Ngiting sambit ni Silver.

"Hoy silver wag mo akong ginagayo baka isa yan sa babae mo!" Saka kinutusan ni Kira si Silver.

"Aray naman mahal masakit, wala akong babae ikaw lang ang babae ko!"

"Kadiri kayong dalaw, tawagin mo nanga Silver puro kayo landian!" Sigaw ko.

"Sige pumuta kang garden at doon mo hintayin!"

Sinunod ko ang sinabi ni silver at nagtungo na ako sa garden. Doon ako naghintay. Parang alam ko na kung sino ang sinasabi ni Silver, baka si Jasmine dahil maganda at mabait siya. Ilang minuto din akong naghintay at naamoy ko ang isang pamilyar na pabango, pabango ni Jasmine sinabi ko na nga si jasmine ang tinutukoy niya. Kahit nakatalikod ako ay alam kong siya yon.

"Ikaw ka ang tinutukoy ni Silver eh kilala na kita!" Nakangiting sabi ko saka ako unti-unting humarap.

Ang tingin ko ay nasa paa niya papataas at masasabi kong siya nga dahil ang kanyang katawan ay alam ko ngunit parang mas sexy siya ngayon at----

"Handa kana ba talagang kalimutan ako at burahin sa buhay mo?"

"X-xandra....."

Kumabog ng mabilis ang puso ko na tila ba nabuhayan. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita si Xandra, ang mahal ko buhay siya at ngayon ay nasa harap ko na.

                            The End

-------------------------------------------------------

Salamat sa mga sumubaybay sa aking kwentong ginawa, pasensya na kung sobrang dami pong typo ahehehe ang hirap po kasing mag-type sa Cellphone ahaha !! Thank you, thank you po talaga sa inyong lahat God Bless you all  My Sweetheart Readers muah😘😘😘

I Have A Vampire Blood (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon